PNP Albay Police Provincial Office

PNP Albay Police Provincial Office The Official page of Albay Police Provincial Office, the Home of Albay Kasurog Cops
(4)

BARIL NASABAT SA GUN BUY-BUST OPERATION, ILEGAL NA DROGA NAREKOBER DINNaaresto ang isang lalaki dahil sa umano’y pagbebe...
06/08/2026

BARIL NASABAT SA GUN BUY-BUST OPERATION, ILEGAL NA DROGA NAREKOBER DIN

Naaresto ang isang lalaki dahil sa umano’y pagbebenta ng ilegal na baril sa ilalim ng buy-bust operation sa Polangui, Albay nitong Miyerkoles ng gabi, Agosto 5, 2026.

Nakumpiska ng mga operatiba ng Polangui Municipal Police Station sa direktang superbisyon ni PLTCOL EDGAR E AZOTEA, Chief of Police katuwang ang Albay PIU, 505th MC-RMFB5, at 1st Albay PMFC, ang isang (1) cal. 38 revolver na may kargang 2 bala at apat pang bala sa kaparehong kalibre ng baril kapalit ng buy-bust money.

Narekober din ng mga awtoridad ang walong (8) heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.40 gramo bawat isa. Umaabot sa 3.20 gramo na may standard drug price of Php 21,760.00 ang nakuhang droga mula sa suspek na kinilala sa alyas na “Jun”, nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan.

Ang imbentaryo at pagmamarka ng mga nakuhang ebidensya ay isinagawa sa harap ng suspek at ng mga mandatory witnesses mula sa media at halal na opisyal ng barangay. Ang buong operasyon ay inerekord gamit ang BWC.

Agad na ipinaliwanag sa suspek ang dahilan ng kanyang pagkakahuli at ang kanyang mga karapatan alinsunod sa ating Saligang Batas. Tuluyang dinala sa Polangui MPS ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya para sa nararapat na disposiyon.

Haharapin ni “Jun” ang mga kaso sa ilegal na pagmamay-ari ng baril sa ilalim ng Republic Act 10591 at paglabag ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng masidhing kampanya ng Albay Kasurog Cops laban sa ilegal na droga na bahagi ng adbokasiyang Serbisyong NOEL. “Nagpapasalamat po kami sa ating mga kababayan sa patuloy na pakiki-pagtulungan sa aming mga kapulisan upang masawata ang problemang ito,” pahayag ni PCOL NOEL DONATO NUÑEZ, Provincial Director ng Albay PNP.

Serbisyong NOEL
NARARAPAT, ORGANISADO, EPEKTIBO AT LAGING MAAASAHAN

Accomplishment on Anti-Illegal Drugs Operation From 12:01 AM of August 5,  -11:59 PM of August 5, 2026‎  ‎     ‎ ‎ ‎ ‎ ‎...
06/08/2026

Accomplishment on Anti-Illegal Drugs Operation
From 12:01 AM of August 5, -11:59 PM of August 5, 2026













Ano ang Oplan BAKAL?Mga dapat Malaman at Tandaan ‎  ‎     ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎  ‎ ‎ ‎
06/08/2026

Ano ang Oplan BAKAL?
Mga dapat Malaman at Tandaan













Barangay Sangguniang Kabataan Elections 2026Calendar of Activities for November 2,2026‎  ‎     ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎  ‎ ‎ ‎
06/08/2026

Barangay Sangguniang Kabataan Elections 2026
Calendar of Activities for November 2,2026












05/08/2026
Verse of the DayEcclesiastes 11:5Serbisyong NOELNARARAPAT, ORGANISADO, EPEKTIBO AT LAGING MAAASAHAN
05/08/2026

Verse of the Day

Ecclesiastes 11:5

Serbisyong NOEL
NARARAPAT, ORGANISADO, EPEKTIBO AT LAGING MAAASAHAN

05/08/2026

August 6, 2026
Gospel: Matthew 17:1-9
Reflection: “Jesus' Transfiguration is our Strength”

PDL NAHAHARAP SA PANIBAGONG KASO; WARRANT OF ARREST ISINILBIPanibagong kaso ang kakaharapin ng isang Person Deprived of ...
05/08/2026

PDL NAHAHARAP SA PANIBAGONG KASO; WARRANT OF ARREST ISINILBI

Panibagong kaso ang kakaharapin ng isang Person Deprived of Liberty (PDL) kasalukuyang nasa kustodiya ng isang jail facility makaraang maisilbi ang warrant of arrest laban sa akusado.

Isinilbi ng mga tauhan ng Daraga Municipal Police Station sa direktang superbisyon ni PLTCOL MARY GRACE TAGTAG, Chief of Police ang nasabing warrant sa person deprived of liberty (PDL) na kinilalang si alyas “Dex”, nasa hustong gulang at residente ng Manito, Albay.

Ang warrant of arrest ay inilabas ng korte noong Hulyo 23, 2026 para sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Art. 336 ng Revised Penal Code na may piyansang Php 36,000.00.

Mananatili sa kustodiya ng jail facility ang akusado habang inihahanda ng mga awtoridad ang mga kaukulang dokumento kaugnay ng panibagong kasong kakaharapin nito.

Ayon kay PCOL NOEL DONATO NUÑEZ, Provincial Director ng Albay PNP, ang nasabing operasyon ng kanilang hanay ay patunay na seryoso ang kapulisan sa paghahanap at pag-aresto sa mga indibidwal na nagkasala sa batas. Kinikilala rin ng mga Albay Kasurog Cops ang tulong ng komunidad na epektibo at maaasahan na pinagmumulan ng mga lehitimong impormasyon.

Serbisyong NOEL
NARARAPAT, ORGANISADO, EPEKTIBO AT LAGING MAAASAHAN















TABACO CITY MOST WANTED PERSON, TIMBOG SA TONDO, MANILAIsa na namang wanted person ang bumagsak sa kamay ng batas matapo...
05/08/2026

TABACO CITY MOST WANTED PERSON, TIMBOG SA TONDO, MANILA

Isa na namang wanted person ang bumagsak sa kamay ng batas matapos madakip ng mga operatiba ng Tabaco City Police Station ang isang indibidwal na kabilang sa listahan ng City Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ngayong Agosto 5, 2026.

Dakong alas 2:29 ng hapon, isinilbi ng mga operatiba ng Tabaco CPS (lead unit) sa pamumuno ni PLTCOL VIRGIL B BIBAT, Chief of Police at MPD Warrant Section ang warrant of arrest laban sa akusado sa Tondo, Manila.

Nahaharap ang akusado na kinilala sa alyas na “Luis”, nasa hustong gulang at residente ng Parola, Tondo, Manila sa dalawang bilang ng Statutory R**e na parehong walang rekomendadong piyansa. Ang nasabing warrant ay inilabas ng korte sa Tabaco City noong Oktubre 20, 2025.

Gamit ang alternative recording device, isinagawa ang operasyon alinsunod sa panuntunan ng Supreme Court hinggil sa paggamit ng body-worn cameras sa mga operasyon.

Ang akusado ay maayos na pinaliwanagan ng kanyang karapatang konstitusyonal sa wikang Bicol at nakatakdang dalhin sa custodial facility ng istasyon para sa kaukulang dokumentasyon.

Ayon kay PCOL NOEL DONATO NUÑEZ, Provincial Director ng Albay PPO, hindi hadlang ang layo o kinaroroonan ng isang wanted sa batas. Sa masigasig na operasyon sa ilalim ng Serbisyong NOEL, hahanapin ng Albay Kasurog Cops ang lahat ng wanted sa lalawigan upang maibigay sa kanilang mga biktima ang nararapat na katarungan.

Serbisyong. NOEL
NARARAPAT, ORGANISADO, EPEKTIBO AT LAGING MAAASAHAN















Address

Camp Captain Salvador Jaucian Del Rosario Sr. , Brgy. Sta. Cruz
Ligao
4504

Telephone

+639671954400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Albay Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP Albay Police Provincial Office:

Shortcuts

Share