Ligao City Police Station

Ligao City Police Station All activities will also be posted in this page.
(1)

Ligao City Police Station Page help to disseminate factual and relevant information that will help every Filipinos especially Ligaoeños in ensuring their safety, fighting criminality and terrorism.

CRIME PREVENTION TIPS."Mahalaga ang buhay kaya umiwas tayo sa anumang gulo."
28/08/2026

CRIME PREVENTION TIPS.
"Mahalaga ang buhay kaya umiwas tayo sa anumang gulo."




ANTI-MOTORNAPPING TIPS.
28/08/2026

ANTI-MOTORNAPPING TIPS.




THEFT PREVENTION TIPS.Be informed, Be prepared.
28/08/2026

THEFT PREVENTION TIPS.

Be informed, Be prepared.




ANTI-CARNAPPING TIPS
28/08/2026

ANTI-CARNAPPING TIPS




28/08/2026

LIGAO CITY POLICE STATION PATULOY SA PAGSASAGAWA NG FOOT PATROLLING, POLICE VISIBILITY AT PAKIKIPAG DIYALOGO
Ngayong Agusto 28, 2026, bandang 3:25 ng hapon nagsagawa ang mga tauhan ng Ligao City Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL DANNY B BAYTEC, Hepe ng police visibility, foot patrolling at pakikipag diyalogo sa Brgy. Dunao, Ligao City.
Layunin ng isinagawang operasyon na higit pang mapalakas ang presensya ng kapulisan, mapigilan ang mga gawaing kriminal, at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko.


Pinaigting na Police Visibility sa mga Paaralan at Pangunahing Kalsada, Isinagawa ng Ligao CPSPatuloy na pinalalakas ng ...
27/08/2026

Pinaigting na Police Visibility sa mga Paaralan at Pangunahing Kalsada, Isinagawa ng Ligao CPS
Patuloy na pinalalakas ng mga kapulisan ng Ligao CPS, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL DANNY B. BAYTEC, Hepe, ang pagpapatupad ng traffic management at police visibility operations sa mga paaralan at pangunahing lansangan sa lungsod katuwang ang Traffic Management Unit ng Ligao at mga BPATs members.
Layunin ng naturang aktibidad na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, g**o, at iba pang kawani ng paaralan, gayundin ang pagpapanatili ng kaayusan sa loob at paligid ng mga institusyong pang-edukasyon. Nakatuon din ito sa pag-iwas sa mga insidenteng kriminal at sa pagbibigay ng maagap na pagtugon sa anumang sitwasyong maaaring makaapekto sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng publiko.
Sa pamamagitan ng mas pinaigting na presensya ng kapulisan, higit na napapalakas ang pakiramdam ng seguridad ng komunidad, lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga estudyante at motorista. Ang regular na police visibility sa oras ng pagpasok at pag-uwi ng mga mag-aaral ay nakatutulong upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko at maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa publiko.
Patuloy namang nananawagan ang Ligao CPS sa lahat na makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan upang makamit ang isang ligtas at mapayapang kapaligiran para sa lahat.

Ngayong araw, ang mga tauhan ng Ligao City Police Station (Ligao CPS), sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL DANNY B BAYTEC, C...
27/08/2026

Ngayong araw, ang mga tauhan ng Ligao City Police Station (Ligao CPS), sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL DANNY B BAYTEC, Chief of Police, ay nagsagawa ng Barangay Visitation sa mga barangay sa lungsod ng Ligao City.
Layunin ng aktibidad na eto na mapalakas ang ugnayan at koordinasyon ng kapulisan at mga opisyal ng barangay, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga residente upang matukoy at matugunan ang mga usaping may kaugnayan sa kapayapaan, seguridad, at kaayusan sa komunidad.
Patuloy ang Ligao CPS sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapalapit ang kapulisan sa mamamayan at mapanatili ang ligtas, mapayapa, at maayos na pamayanan.
Ligao City Police Station — Laging Handa, Laging Naglilingkod!



TINGNAN!Ngayong araw, Agusto 27, 2026, ang mga tauhan ng Ligao City Police Station (Ligao CPS), sa ilalim ng pamumuno ni...
27/08/2026

TINGNAN!
Ngayong araw, Agusto 27, 2026, ang mga tauhan ng Ligao City Police Station (Ligao CPS), sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL DANNY B BAYTEC, Chief of Police, ay nagsagawa ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) Training para sa mga Barangay Police at Barangay Council ng Barangay Bacong, Ligao City.
Layunin ng nasabing pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang barangay, gayundin sa pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng barangay at kapulisan.
Patuloy na isinusulong ng Ligao CPS ang mga programang naglalayong palakasin ang pakikipagtulungan ng kapulisan at komunidad tungo sa isang mas ligtas, mapayapa, at maayos na pamayanan.
Ligao City Police Station — Laging Handa, Laging Naglilingkod!



🚔 BANTAY LANSANGAN | LIGAO CITYSa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL DANNY B. BAYTEC, COP, patuloy ang Ligao City Police Stati...
26/08/2026

🚔 BANTAY LANSANGAN | LIGAO CITY
Sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL DANNY B. BAYTEC, COP, patuloy ang Ligao City Police Station (Ligao CPS) sa pagsasagawa ng Bantay Lansangan upang mapanatili ang seguridad, kaayusan, at kaligtasan ng mga motorista, commuters, at pedestrians sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Sa pamamagitan ng pinaigting na police visibility, regular na pagmomonitor, at aktibong presensya ng kapulisan sa mga lansangan, layunin ng aktibidad na makatulong sa pag-iwas sa krimen, aksidente, at iba pang insidenteng maaaring makaapekto sa kaligtasan ng publiko.
Ang Bantay Lansangan ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Ligao CPS na maging mas maagap, mas alerto, at mas malapit sa mamamayan.
Disiplina sa lansangan, kaligtasan ng bawat isa!
Ligao City Police Station — Laging Handa, Laging Naglilingkod.



Address

San Jose Street Barangay Sta Cruz
Ligao
4504

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ligao City Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Ligao City Police Station:

Shortcuts

Share

Category