27/08/2026
Matagumpay na nakapagtapos ang 198 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa 10 hanggang 15 araw na paglilinis at pagsasaayos ng mga pasilidad ng irigasyon sa Sto. Domingo, Albay. Isinagawa ang proyekto sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at National Irrigation AdministrationโAlbay Catanduanes Irrigation Management Office (NIA-ACIMO).
Ayon sa NIA-ACIMO, pangunahing isinagawa ng mga benepisyaryo ang clearing at desilting ng mga irrigation facilities upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig at makatulong sa operasyon ng mga pasilidad na nagsisilbi sa mga komunidad at magsasaka sa lugar. Bahagi ito ng mga gawaing nakapaloob sa TUPAD na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga kwalipikadong manggagawa habang nakatutulong sa pagpapaayos at pagpapanatili ng mga pasilidad sa komunidad. | ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข ๐๐๐ซ๐ซ๐ฒ ๐๐๐ซ๐ฅ ๐๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ
๐๐ข๐ด๐ข๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ด๐ฆ๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ.