Palapas National High School

Palapas National High School This is the official page of Palapas National High School, Palapas, Ligao City.

04/09/2026
03/09/2026

Samahan nyo po kami bukas!

Dalawang araw na lang! Magkita kita po tayo..
02/09/2026

Dalawang araw na lang! Magkita kita po tayo..

2 araw na lang! 🚨

Araw na lang ang binibilang! Bukas man o sa makalawa, magkakasama tayong saksihan ang opisyal na pagbubukas ng ating pamana. Huwag na huwag itong lilimutin!

Palapasians Sportfest 2026August 22, 2026Ipinagdiwang ng Palapas National High School ang Palapasians Sportfest 2026 na ...
01/09/2026

Palapasians Sportfest 2026
August 22, 2026

Ipinagdiwang ng Palapas National High School ang Palapasians Sportfest 2026 na may temang: “Strengthening School Spirit, Sportsmanship, and Holistic Development of the Learners.”

Sa pamamagitan ng iba’t ibang palaro, ipinamalas ng ating mga mag-aaral ang kanilang husay, talento, disiplina, at pagkakaisa. Higit pa sa tagumpay, nangingibabaw ang tunay na diwa ng palakasan—paggalang, pagtutulungan, at pagiging mahusay na Palapasian.

HINUBOG NG BAYAN, DINUYAN NG ALON Isang makabuluhan at masiglang paglalakbay sa kasaysayan ang matagumpay na naisakatupa...
01/09/2026

HINUBOG NG BAYAN, DINUYAN NG ALON

Isang makabuluhan at masiglang paglalakbay sa kasaysayan ang matagumpay na naisakatuparan ng Palapas National High School ngayong Buwan ng Kasaysayan 2026!

Sa pangunguna ng History Club, naging daan ang serye ng PAGRUMRUM ( Daily Trivia Questions) upang araw-araw ay muling balikan, tuklasin, at pahalagahan ng mga mag-aaral ang mahahalagang kuwento, tao, pangyayari, at pamanang bumuo sa ating pagkakakilanlan bilang isang bayan.

At bilang pagtatapos ng ating paglalakbay, isinagawa ang History Quiz, kung saan nasubok hindi lamang ang kaalaman ng ating mga mag-aaral sa kasaysayan, kundi maging ang kanilang pagkamausisa, kahusayan, at pagpapahalaga sa mga aral ng nakaraan.

Sa tema ngayong taon na “Hinubog ng Bayan, Dinuyan ng Alon,” ating napagtanto na ang kasaysayan ng Pilipinas ay hindi lamang kuwento ng mga lugar at pangyayari. Ito rin ay kuwento ng mga Pilipinong naglakbay, nakipag-ugnayan, nakipagsapalaran, at nagdala ng kanilang kultura at pagkakakilanlan saan man sila makarating.

Sa bawat trivia na sinagot, bawat kaalamang natuklasan, at bawat tanong na pinag-isipan, mas lalo nating pinananatiling buhay ang kasaysayan.

Ang alon ay maaaring magdala sa atin sa malalayong pampang, ngunit ang kasaysayan ang patuloy na nagpapaalala kung saan tayo nagmula.

Sama-sama nating alalahanin, pahalagahan, at ipagpatuloy ang kuwento ng ating bayan.

Mabuhay ang Kasaysayan! Mabuhay ang kabataang Pilipino!







27/08/2026
27/08/2026

Talento at kultura.

Isang masayang pagbati sa ating dalawang mahalagang kasapi ng Pamilya Palapas National High School!🌷 Maligayang Kaarawan...
27/08/2026

Isang masayang pagbati sa ating dalawang mahalagang kasapi ng Pamilya Palapas National High School!

🌷 Maligayang Kaarawan, Ma’am Mercy!
Bagama’t lumipas na ang inyong kaarawan noong Agosto 24, taos-puso pa rin ang aming pagbati at pasasalamat sa inyong dedikasyon, sipag, at mahalagang ambag sa ating paaralan.

🎈 Maligayang Kaarawan, Sir Ednon!
Ngayong Agosto 27, nawa’y maging puno ng saya, biyaya, mabuting kalusugan, at tagumpay ang inyong espesyal na araw.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain at bigyan ng lakas upang patuloy na maging inspirasyon at lingkod ng ating mga mag-aaral at ng buong Palapas NHS. 🙏✨

Maligayang Kaarawan, Ma’am Mercy at Sir Ednon!

Buong pagmamalaking tinanggap ng Palapas National High School ang dalawang pagkilala sa ginanap na 3rd Regular Division ...
27/08/2026

Buong pagmamalaking tinanggap ng Palapas National High School ang dalawang pagkilala sa ginanap na 3rd Regular Division ManCom Meeting noong Agosto 27, 2026, sa Bernese Resort Hotel, Paulog, Ligao City.

Kinilala ang paaralan sa pagkamit ng 100% liquidation at napapanahong pagsusumite ng Liquidation Reports para sa School MOOE, CY 2026–Quarter 2, at sa pagiging kabilang sa TOP 5 na mga paaralang nakamit ang 100% liquidation.

Ang mga parangal na ito ay bunga ng mahusay na pamumuno ni Ma’am Cynthia B. Llacer, Principal II, katuwang ang dedikasyon, pagtutulungan, at pananagutan ng buong PNHS community.

Maraming salamat sa Schools Division Office of Ligao City sa mahalagang pagkilalang ito. Patuloy tayong magsisikap para sa mahusay, tapat, at responsableng paglilingkod!

Address

Ligao
4505

Opening Hours

Monday 7:30am - 4:30pm
Tuesday 7:30am - 4:30pm
Wednesday 7:30am - 4:30pm
Thursday 7:30am - 4:30pm
Friday 7:30am - 4:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Palapas National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Palapas National High School:

Shortcuts

Share

Category