07/06/2026
"Maugmang pag-abot asin mabungang pagbalik sa Oma-Oma National High School!" ๐๐
Sa pagbubukas ng bagong school year, hindi lang ito simpleng balik-eskwela. Isa itong panibagong pagkakataon para matuto, mangarap, at maabot ang ating mga layunin.
Ang Oma-Oma National High School ay isang tahanan ng edukasyon, disiplina, at pagkakaisa. Sa tulong ng ating mga masisipag na g**o, suportadong mga magulang, at dedikadong mga estudyante, sama-sama tayong bumubuo ng mas matatag at mas progresibong komunidad.
Sa ating campus na napapalibutan ng maaliwalas na kapaligiran, bawat estudyante ay may pagkakataong matuto, lumago, at maipakita ang kanilang talento. Mula sa mga silid-aralan, library, covered court, at iba pang pasilidad, ipinapakita ng ating paaralan ang dedikasyon nito sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon.
Ngayong June 8, 2026, isang bagong kabanata na naman ang ating sisimulan. Magkakaiba man ang ating pinanggalingan, iisa ang ating hangarin ang maging responsableng mamamayan at mga lider ng hinaharap.
Kaya sa ating mga bagong Grade 7 learners, mga nagbabalik na estudyante, mga magulang, alumni, at lahat ng katuwang sa edukasyon, maugmang pag-abot sa Oma-Oma National High School!
At Oma-Oma National High School, we strictly prohibit the use of cellphones and other electronic devices during instructional periods, in compliance with DepEd Order No. 6, s. 2026.
"Digding sa Oma-Oma, every dream is given the chance to spread its wings, and every student has a place to achieve success." โจ
๐ Welcome, School Year 2026โ2027!301858 - Oma-Oma National High Schoolhool
๐
June 8, 2026
๐ฟ๐โจ