24/04/2026
We're very proud of you, our former SK Chair. Camile Platero 👏✨
Kilalanin ang Ikalawang Kabataang pasok sa Piling Nominado ng Dangal ni G*t Tayaw 2026 - Parangal Para sa mga Natatanging Kabataang Liliweño. Para sa Kategoryang - Kabataang Propesyonal.
Narito ang isang dalagang tunay na maipagmamalaki ng Barangay Ilayang Palina, si Camile Joy B. Platero, dalawampu’t pitong taong gulang, anak nina Ginoong Rodel Platero at ng yumaong Ginang Roselyn Platero. Sa kasalukuyan, siya ay matagumpay na nagtatrabaho sa SM Development Corporation bilang Construction Management Supervisor, patunay ng kanyang sipag, talino, at dedikasyon sa propesyong kanyang pinili.
Sa murang edad ay marami na siyang natamong tagumpay at pagkilala. Kabilang dito ang pagiging Philippines Most Outstanding Young Civil Engineer & Inspiring SK Chairwoman and Humanitarian Advocate of the Year sa 5th National Dangal ng Lahi Awardee sa Baguio City noong 2023. Siya rin ang National SK QuranTeach Project Author na itinampok sa iba’t ibang media at radyo noong 2021. Naging Laguna Youth Parliament Delegate at Majority Floor Leader siya noong 2020, at nagsilbi ring SK Chairperson ng Barangay Ilayang Palina mula 2018 hanggang 2023. Dagdag pa rito ang kanyang pagiging Pangulo ng Youth Development Task Force – Liliw Chapter mula 2016 hanggang 2017. Ilan pa sa kanyang mga karangalan ang pagiging finalist sa Most SK Covid Response on Pandemic, Youth Development Affairs of Laguna 1st Youth Talk Guest, Provincial Secretary ng KKDAT Laguna Chapter, at miyembro ng Gawad Kalinga Luzon.
Si Camile Joy B. Platero ay namumukod-tangi sapagkat mula sa pagiging isang ordinaryong kabataan, siya ay hinubog ng panahon, pinatatag ng serbisyo, at pinanday ng malasakit sa kapwa. Sa kabila ng mga tagumpay, nananatili siyang mapagkumbaba at patuloy na pinipiling maglingkod, magbahagi, at magbigay inspirasyon sa komunidad. Siya ay patunay na ang bawat simpleng gawa ng kabutihan at bawat maliit na hakbang tungo sa pagbabago ay may kapangyarihang mag-iwan ng bakas na tatagal sa puso ng marami. Isang huwarang kabataang Liliweña na tunay na dapat ipagmalaki.
Siya na kaya ang tatanghaling kauna unahang Dangal ni G*t Tayaw 2026 - Mula sa Kategoryang -Kabataang Propesyonal? Ating sabay sabay na tunghayan sa nalalapit na Araw ng Parangal sa Darating na April 29,2026 Miyerkules 9:00 AM at LILIW TOWN PLAZA.
*tTayaw