15/07/2022
2 miyembro ng CTG Boluntaryong sumuko sa PNP at AFP
Boluntaryong sumuko ang mag-asawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Camp Macario Sakay, Los Baños City, Laguna sa pinagsanib na pwersa ng PNP at AFP nitong Lunes, Hulyo 4, 2022.
Ang pagsuko ng dalawang CTG ay pinangasiwaan ng Regional Mobile Force Battalion 4A sa pamumuno ni Police Colonel Ledon Monte, Force Commander, katuwang Regional Inteligence Division 4A , Regional Intelligence Unit 4A, Police Captain Karl Axcel Sta Clara, F2, RMFB at Police Major Kris Alvin Gonzales, Action Officer ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A.
Kinilala ni PCol Monte ang dalawang sumuko na si Romulo Bendevil y Horomo, /AB/Boylit, PSRL Iskwad Leader Platun 1 SDG aat Platun Lider LYG, GF Narciso, SRMA 4A, STRPC at Leonir Dela Cruz Ramos /Nina, a NPSRL S4, Platun 1 SDG at P4, Platun LYG, GF Narciso, SRMA4A, STRPC.
Ayon kay PCol Monte ang naturang pagsuko ay bunga ng suporta at pakikipagtulungan ng 34th Special Action Company, 3rd Special Action Battalion ng Special Action Force; Quezon Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit ng General Nakar Municipal Police, Police Intelligence Team ng Quezon, Makati City Police Station, San Isidro Sub Station Makati CPS at Naval Intelligence and Security Group-Southern Luzon , Philippine Navy, Armed Forces of the Philippine.
Dagdag pa ni PCol Monte, nabiyayaan ng paunang tulong ang mga sumuko na binubuo ng Php5,000, dalawang sako ng bigas at apat na sako ng grocery items.
Ang pagsuko ng dalawang CTG ay bunga ng magandang resulta ng pursigidong pagkukumbinsi ng pamahalaan at patunay na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya laban sa terorismo.
RMFB Calabarzon Rmfb4a Curao Police Regional Office 4A