20/08/2026
Good day po sa ating lahat! Nawa’y nasa mabuti at maayos po kayong kalagayan.
Lubos po ang aming pasasalamat sa bawat barangay at grupo na naging bahagi ng aming munting pagtulong para sa ating mga kababayan.
Maraming salamat po sa Barangay Bo. Luz at Barangay SF 1 sa pagpapahiram ng kanilang service vehicle upang maihatid at maipamahagi ang mga goods. Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa SK Lamao, Barangay Landing, Bo. Luz, at SF 1 sa pagpapatuloy at pagbibigay ng lugar sa aming mga officers para sa pangongolekta ng donations mula sa bawat iskolar.
Higit sa lahat, maraming salamat sa aming mga INB Limay Officers at ISKOLAR na walang pagod na tumulong mula sa pangongolekta ng donations, pagre-repack, hanggang sa mismong distribution. Kahit inabot tayo ng ulan at napagod sa buong proseso, naging sulit ang lahat nang makita natin ang mga ngiti at saya ng mga taong ating natulungan. 💙
Nais din po naming linawin na ang lahat ng goods na aming ipinamahagi ay nagmula sa mga iskolar ng bataan sa limay. Hindi po ito nagmula sa barangay, sa Mayor, o sa Governor. Ito po ay sama-samang ambag ng ating mga iskolar, bawat isa ay nagbigay ayon sa kanilang makakaya upang makatulong sa ating mga kababayan.
Nauunawaan po namin ang saloobin at pangangailangan ng bawat isa. Gayunpaman, nais po naming humingi ng pang-unawa dahil hindi po kayang mabigyan ng INB Limay ang lahat ng pamilya o mamamayan sa buong Limay, sapagkat wala po tayong sapat na budget para sa isang malawakang distribution. Ang aming isinagawa ay isang munting tulong mula sa mga iskolar para sa ating kapwa dito sa limay.
Hindi man po namin kayang maabot ang lahat, umaasa po kami na ang maliit na tulong na ito ay nakapagbigay kahit kaunting ginhawa, saya, at pag-asa sa mga ating napuntahan. 🤍
Muli, maraming maraming salamat po sa lahat ng tumulong, nagbigay, naglaan ng oras, at nagpaabot ng suporta. Ang munting ambag ng bawat isa ay naging malaking tulong para sa ating mga kababayan.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at suporta.
Stay safe po sa ating lahat!
- Pres Angelika Artuz