Municipal Planning and Development Office - MPDO LIMAY

Municipal Planning and Development Office - MPDO LIMAY Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Planning and Development Office - MPDO LIMAY, Public & Government Service, 2F Limay Municipal Hall, Limay.

20/08/2026
Isang Makabuluhang Hakbang para sa 10-Taong Kaunlaran ng mga Barangay! 🌱🏘️Ngayong Agosto 17–18, 2026, atin pong naisagaw...
18/08/2026

Isang Makabuluhang Hakbang para sa 10-Taong Kaunlaran ng mga Barangay! 🌱🏘️

Ngayong Agosto 17–18, 2026, atin pong naisagawa ang Barangay Development Master Plan (BDMP) Workshop kasama ang 12 barangays, na dinaluhan ng mga Punong Barangay, Kagawad, mga kinatawan, at Barangay Secretaries/Officers.

Ang BDMP ay nagsisilbing 10-taong gabay at plano ng bawat barangay sa pagtukoy ng kanilang mga pangangailangan, prayoridad, programa, proyekto, at mga konkretong hakbang para sa pangmatagalang kaunlaran ng komunidad.

Sa pangunguna ng Acting-MPDC, Sir Johnny F. Mandocdoc, MBA, EnP at sa tulong ng Municipal Planning and Development Office (MPDO), nagsama-sama ang mga barangay upang bumuo ng isang mas malinaw, organisado, at nakabatay sa pangangailangan na direksyon para sa kanilang 10-taong development plan.

Maraming salamat sa 12 barangays, mga Punong Barangay, Kagawad, kinatawan, at Barangay Secretaries/Officers sa kanilang aktibong pakikilahok at pakikiisa. 🤝

Sama-sama sa pagpaplano, sama-sama sa pag-unlad! Para sa bawat barangay, para sa mas maunlad na Limay! ☝🏻❤️💚

** For development. Additional photos to be uploaded/added soon. This post will be updated accordingly. **

07/08/2026

TAPAT NA SERBISYO, DIRETSO SA TAO! ☝🏻✨❤️

📍Municipal Development Council (MDC) – 1st Semester Full Council MeetingMatagumpay na naisagawa ang unang Municipal Deve...
30/06/2026

📍Municipal Development Council (MDC) – 1st Semester Full Council Meeting

Matagumpay na naisagawa ang unang Municipal Development Council (MDC) Full Council Meeting para sa unang semestre ng 2026 noong June 29, 2026 sa Limay Multipurpose Hall, Brgy. Poblacion, Limay, Bataan.

Dinaluhan ito ng mga MDC members, Punong Barangays, department heads, Civil Society Organization (CSO) representatives, at iba pang stakeholders. Dumalo si Municipal Administrator Melchor Fernando bilang kinatawan ni Hon. Richie Jason D. David, Municipal Mayor at MDC Chairman. Nakiisa rin si Mr. Ricky Malixi bilang kinatawan ni Congressman Abet Garcia.

Isa sa mga naging highlights ng pagpupulong ang presentation ng CAiSA System na pinangunahan ni Engr. Ricardo C. Herrera, Acting Provincial Engineer, na nagbigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa nasabing sistema at sa mga benepisyong maibibigay nito sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan.

Tinalakay rin ang status ng project implementation, Infrastructure Audit Report, Local Agricultural and Fisheries Mechanization Plan (2027–2031), at iba pang mahahalagang usapin na nakatuon sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Limay.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangasiwaan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa pangunguna ni Johnny F. Mandocdoc, MBA, EnP, Acting Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) at MDC Secretariat, kasama ang kanyang mga kawani, upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagsasagawa ng pulong.

Sama-sama para sa isang mas maunlad, mas episyente, at mas progresibong Limay!

Address

2F Limay Municipal Hall
Limay
2103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Planning and Development Office - MPDO LIMAY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share