Barangay Wawa Health Awareness and Promotion Campaign

Barangay Wawa Health Awareness and Promotion Campaign Providing basic health awareness and promotion services to the people of the barangay.

Maligayang Araw ng mga Puso mga Ka-Wow-wa!❤️Tayo ay nasa ika-2 buwan na ng ating ONE Health Day!Inaasahang muli ang inyo...
14/02/2025

Maligayang Araw ng mga Puso mga Ka-Wow-wa!❤️

Tayo ay nasa ika-2 buwan na ng ating ONE Health Day!

Inaasahang muli ang inyong aktibong pakikilahok para sa tagumpay ng ating One Health day! Tayo na't makinig at muling matuto upang pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa sa ating nasasakupan.

Tapusin natin ang ating OHD ng isang Zumbarangay at sabay sabay tayong GUMALAW. UMINDAK. at MAGSAYA. mula kay ZIN Aira.💪🥰

kita-kits mga Ka-Wow-wa.☺️

PAALALA: Dahil sa nadadagdag na bilang ng kaso ng mga natatamaan ng Dengue, muling ipinaaalala ng Bataan Provincial Heal...
07/02/2025

PAALALA: Dahil sa nadadagdag na bilang ng kaso ng mga natatamaan ng Dengue, muling ipinaaalala ng Bataan Provincial Health Office ang pinakamabisang paraan laban sa nakamamatay na sakit:

Sundin ang 5S upang Dengue ay maiwasan:
1. Suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng mga lamok
2. Sarili ay protektahan laban sa lamok
3. Sumangguni agad sa pinakamalapit na pagamutan sakaling may nararamdaman
4. Sumuporta sa pagpapausok kapag may banta ng outbreak
5. Siguraduhin na sapat ang pag-inom ng malinis na tubig

Panatilihing malinis at tuyo ang inyong kapaligiran upang ito'y maiwasang pamugaran ng lamok at kiti-kiti. Ugaliing gawin ang 'search and destroy' sa loob at labas ng inyong bahay dahil ito pa rin ang pinakamabisang paraan upang tuluyang mawala ang mga lamok sa inyong mga tahanan. Magsuot ng mga maliliwanag at mahahabang damit; gayundin ay iwasan ang paglalagi sa mga madidilim na lugar.

Tandaan, ang dengue ay sakit na dulot ng kagat ng infected na lamok na kadalasang nauuwi sa kamatayan. Sanayin ang kalinisan, maging responsable, alagaan ang sarili laban sa kagat ng lamok.

Sama-sama tayo sa pagsugpo sa sakit na dengue. Gawing ligtas ang ating komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

FEBRUARY IS NATIONAL ORAL HEALTH MONTH.PAMILYA, UNA KONG DENTISTA:
03/02/2025

FEBRUARY IS NATIONAL ORAL HEALTH MONTH.

PAMILYA, UNA KONG DENTISTA:

01/02/2025

Maging malusog, Maging maingat ngayong Philippine Heart Month.❤️

Address

Barangay Wawa
Limay
2103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Wawa Health Awareness and Promotion Campaign posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share