Sangguniang Bayan ng Limay

Directions Contact the organization

Sangguniang Bayan ng Limay Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Bayan ng Limay, Government Organization, Sangguniang Bayan Building, Brgy. Poblacion, Limay.

19/08/2026
๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Agosto ...
17/08/2026

๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜

Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Agosto 14, 2026 upang talakayin ang mga panukala, resolusyon, at iba pang usaping may kaugnayan sa disaster risk management, kultura at pamana, pagpaplano ng kaunlaran, at serbisyong pangkalusugan para sa mamamayang Limayan.

Pinangunahan ang sesyon ni Hon. Marie Grace R. David, Municipal Vice Mayor at Presiding Officer, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan.

Sa Reading and Reference of Business, tinalakay ang reprogramming ng 2026 Local Disaster Risk Reduction and Management Fund upang matugunan ang mga kinakailangang programa at gawain para sa disaster preparedness at risk reduction ng bayan.

Sa Executive Agenda, tinalakay ang resolusyong nag-aampon sa Local Cultural Inventory of Limay, Bataan para sa Calendar Year 2026 at nag-eendorso nito sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) upang maging bahagi ng Philippine Registry of Heritage (PRH), bilang hakbang sa pagkilala at pangangalaga sa kultura at pamanang lokal ng Limay.

Sa Business on Second Reading, tinalakay ang mga endorsement para sa zoning reclassification at development permit ng mga proyekto sa Barangay Duale.

Kabilang sa mga inanunsyo ang mga usapin hinggil sa reprogramming ng Barangay Kitang I budget, rescheduled LGU engagement sa Department of Energy initiatives, at mga Executive Order kaugnay ng awtorisadong signatories para sa LandBank salary loan transactions ng municipal personnel.

Tinalakay din ang mga resolusyon ng Local Health Board kaugnay ng Annual Operation Plan para sa 2027, paglikha ng Immunization Task Force, paggamit ng trust fund para sa Limay Dialysis Center, at panukalang ordinansa para sa pagpigil at pagkontrol ng rabies at pagsusulong ng responsableng pagmamay-ari ng mga alagang hayop.

Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Limay sa pagsusulong ng mga polisiya at programa na naglalayong palakasin ang disaster preparedness, pangangalaga sa kultura at pamana, at paghahatid ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayang Limayan.




๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Agosto ...
17/08/2026

๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜

Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Agosto 4, 2026 upang talakayin ang mga panukala, resolusyon, supplemental budgets, at iba pang usaping may kaugnayan sa pagpapaunlad ng bayan at kapakanan ng mamamayang Limayan.

Pinangunahan ang sesyon ni Hon. Marie Grace R. David, Municipal Vice Mayor at Presiding Officer, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan.

Sa Reading and Reference of Business, tinalakay ang mga endorsement para sa Final Approval at Development Permit, reclassification ng lupa, at mga Supplemental Budget ng Barangay Landing, Sangguniang Kabataan ng Barangay Reformista, at Sangguniang Kabataan ng Barangay St. Francis II para sa CY 2026.

Tinalakay rin ang resolusyong nagbibigay-awtorisasyon sa Municipal Mayor, Hon. Richie Jason D. David, na makipagkasundo sa mga Municipality of Morong at Bagac para sa pagpapatupad ng Pawikan Conservation and Protection Program.

Sa Committee Report, ipinagpatuloy ang talakayan sa mga panukala hinggil sa zoning reclassification at development permit para sa mga proyekto sa Barangay Duale.

Sa Executive Agenda, tinalakay ang mga resolusyong naglalayong ipagkatiwala ang full management at operation ng KADIWA Store sa Nagkabati Farmers Association, makipag-Memorandum of Agreement sa Bataan General Hospital and Medical Center para sa animal bite treatment services, at magsagawa ng Deed of Conditional Donation para sa isang multicultivator na ipagkakaloob sa Sitio Niyugan Upland Farmers Association.

Kabilang sa mga inanunsyo ang orientation ng Municipal Planning and Development Office hinggil sa Enhanced Energy Regulation (ER) 1-94 Program, ang pagsusumite ng Barangay Lamao Resolution No. 33, Series of 2026, ang Executive Order na nagtatatag ng Limay Park Management Office (LPMO), at ang Board Resolution ng Limay Water District kaugnay ng pagpapatupad ng increase sa minimum water rate at 2% franchise tax bilang pass-on charge sa consumers.

Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Limay sa pagsusulong ng mga polisiya at programa para sa sustainable development, proteksyon ng kalikasan, suporta sa mga magsasaka, maayos na serbisyong panlipunan, at responsableng pamamahala para sa bawat mamamayang Limayan.




๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hulyo 2...
17/08/2026

๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜

Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hulyo 28, 2026 upang talakayin ang mga panukala, resolusyon, at iba pang usaping may kaugnayan sa maayos na pagpaplano, pagpapaunlad ng mga pasilidad, pangangalaga sa kapaligiran, at kapakanan ng mamamayang Limayan.

Pinangunahan ang sesyon ni Hon. Marie Grace R. David, Municipal Vice Mayor at Presiding Officer, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan.

Sa Reading and Reference of Business, iniharap ang mga endorsement para sa zoning reclassification ng isang lupain sa Barangay Duale at para sa Final Approval Locational Clearance at Development Permit ng isang subdivision project na matatagpuan din sa nasabing barangay.

Sa Executive Agenda, tinalakay ang mga resolusyong nagbibigay-awtorisasyon sa Municipal Mayor, Hon. Richie Jason D. David, na tanggapin ang isang Deed of Donation ng lote para sa munisipyo, gayundin ang pagpapadali sa rehabilitation ng Limay Public Cemetery at pakikipagkontrata sa kaukulang government institution para sa nasabing proyekto.

Tinalakay rin ang resolusyon na nagdedeklara sa ika-12 ng Hulyo ng bawat taon bilang โ€œWest Philippine Sea Victory Dayโ€ sa Municipality of Limay, Province of Bataan.

Kabilang naman sa mga inanunsyo ang isang resolusyon ng Barangay San Francisco de Asis kaugnay ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Heaven Source Asia Mining Exploration Group Inc. para sa pagpapatupad ng environmental protection measures sa barangay, ang mahigpit na pagsunod sa Non-Smoking Ordinance sa lahat ng LGU office facilities at premises, at ang schedule of meetings para sa Revenue Code.

Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Limay sa pagsusulong ng responsableng pamamahala, maayos na pagpaplano at pagpapaunlad ng bayan, pangangalaga sa kapaligiran, at mga programang tumutugon sa pangangailangan ng bawat mamamayang Limayan.




๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hulyo 2...
17/08/2026

๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜

Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hulyo 21, 2026 upang talakayin ang mga panukala, resolusyon, at ordinansang naglalayong mapabuti ang pagpapatupad ng mga lokal na batas, pagpapaunlad ng agrikultura, at pagbibigay ng serbisyong panlipunan sa mamamayang Limayan.

Pinangunahan ang sesyon ni Hon. Marie Grace R. David, Municipal Vice Mayor at Presiding Officer, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan.

Sa Reading and Reference of Business, iniharap ang panukalang ordinansa na nagtatatag ng mga pamamaraan sa pagpapatupad at enforcement ng mga Municipal Ordinances ng Limay, Bataan. Tinalakay rin ang resolusyon na nag-aampon sa Farm-to-Market Road Network Plan (FMRNP) para sa Calendar Years 2026โ€“2028 ng Municipality of Limay.

Sa Executive Agenda, tinalakay ang resolusyong nagbibigay-awtorisasyon sa Municipal Mayor, Hon. Richie Jason D. David, na tanggapin ang Deed of Donation ng isang Multi-Purpose Electric Vehicle mula sa Provincial Government of Bataan.

Sa Business on Second at Third and Final Reading, tinalakay at ipinasa ang panukalang ordinansa hinggil sa pagbibigay-prayoridad sa social protection at basic services para sa mga 4Ps exited households sa Municipality of Limay.

Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Limay sa pagsusulong ng mga lokal na batas at polisiya na naglalayong palakasin ang maayos na pamamahala, imprastraktura, serbisyong panlipunan, at kapakanan ng bawat mamamayang Limayan.




๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hulyo 1...
17/08/2026

๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜

Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hulyo 14, 2026 upang talakayin ang mga panukala, ordinansa, at iba pang usaping may kaugnayan sa pagpapaunlad ng bayan at kapakanan ng mamamayang Limayan.

Pinangunahan ang sesyon ni Hon. Marie Grace R. David, Municipal Vice Mayor at Presiding Officer, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan.

Sa Reading and Reference of Business, iniharap ang endorsement para sa enactment ng isang hosting ordinance na magpapahintulot sa pagtatatag at operasyon ng isang proposed aggregate stockyard na hiniling ng Heaven Source Asia Mining and Exploration Group Inc.

Sa Committee Report, tinalakay ang panukalang ordinansa na nagpaparusa sa mga taong tumatanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) cash cards bilang collateral at sa iba pang taong may kaugnayan dito. Tinalakay rin ang Comprehensive Local Social Protection Ordinance ng 4Ps para sa Municipality of Limay.

Sa Calendar of Business, ipinagpatuloy ang talakayan sa resolusyong naglalayong pagtibayin at isabatas ang paglikha ng Nurse IV position para sa Office of the Municipal Health Officer at ang pagbuwag sa ilang plantilla items sa nasabing tanggapan.

Sa Business on Second Reading, tinalakay ang endorsement para sa Preliminary Approval Locational Clearance ng mga lupain na matatagpuan sa Barangay Duale, Limay, Bataan.

Kabilang din sa mga inanunsyo ang Municipality of Limay Administrative Case No. 002-2026, posting ng ERC Order at Notice of Virtual Hearing kaugnay ng aplikasyon ng PanAsia Energy, Inc., at ang schedule of meetings para sa Revenue Code.

Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Limay sa responsableng pagtalakay at pagsusulong ng mga panukala at polisiya tungo sa maayos na pamamahala, proteksyong panlipunan, at patuloy na pag-unlad ng bayan para sa bawat mamamayang Limayan.




๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hunyo 2...
13/07/2026

๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜

Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hunyo 29, 2026 upang talakayin ang mga panukala at resolusyong naglalayong isulong ang kaunlaran ng bayan, suporta sa edukasyon, at iba pang usaping may kaugnayan sa kapakanan ng mamamayang Limayan.

Pinangunahan ang sesyon ni Hon. Marie Grace R. David, Municipal Vice Mayor at Presiding Officer, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Sarah V. David, Hon. Cecil Gerard C. Roxas, Hon. Restituto P. Reyes, Hon. Dennis R. Gochuico, Hon. Rosario R. Perez, Hon. Remigio S. Tayag Jr., Hon. Cesar โ€œAmaโ€ A. Dela Rea, at Hon. Alejandro Jose P. Joaquin, SK Federation President.

Sa Reading and Reference of Business, iniharap ang endorsement para sa Preliminary Approval Locational Clearance, Final Approval, at Development Permit ng isang lupain sa Barangay Duale. Tinalakay rin ang isang resolusyong na humihiling sa Petron Corporation, sa pamamagitan ng Petron Foundation, na palawakin ang saklaw ng kanilang Tertiary Scholarship Program upang maisama ang mga kwalipikado at karapat-dapat na mag-aaral mula sa iba pang barangay ng Limay bukod sa kasalukuyang fence-line communities. Inirefer din ang Supplemental Budget No. 01 ng Barangay Landing para sa CY 2026.

Sa Calendar of Business, tinalakay ang Supplemental Budget No. 1 ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Reformista at Barangay Landing para sa CY 2026.

Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Limay sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng mas maraming oportunidad sa edukasyon, maayos na pagpaplano ng kaunlaran, at responsableng pamamahala para sa kapakinabangan ng bawat mamamayang Limayan.




๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hunyo 2...
12/07/2026

๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜

Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hunyo 23, 2026 upang talakayin ang mahahalagang panukalang ordinansa, resolusyon, at iba pang usaping may kaugnayan sa kapakanan ng mamamayang Limayan at sa patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyo ng pamahalaang lokal.

Pinangunahan ang sesyon ni Hon. Marie Grace R. David, Municipal Vice Mayor at Presiding Officer, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Sarah V. David, Hon. Cecil Gerard C. Roxas, Hon. Rstituto P. Reyes, Hon. Dennis R. Gochuico, Hon. Rosario R. Perez, Hon. Remigio โ€œMeng-Newrโ€ S. Tayag Jr., Hon. Cesar โ€œAmaโ€ A. Dela Rea, Hon. Teresita D. Dela Rea, at Hon. Alejandro Jose P. Joaquin, SK Federation President.

Sa Reading and Reference of Business, iniharap ang isang resolusyon na humihiling sa Board of Directors ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na isaalang-alang ang pansamantalang pagpapaliban at muling pagsusuri sa sosyo-ekonomikong epekto ng pagpapatupad ng LWUA Board Resolution No. 126, Series of 2005, kabilang ang ipinanukalang 2% franchise tax pass-on charge ng Limay Water District (LIWAD). Inirefer din ang Supplemental Budget No. 1 ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Reformista at Barangay Landing para sa CY 2026.

Sa Committee Report, tinalakay ang mga panukalang ordinansa ukol sa pagbabawal ng pagiging topless o half-naked sa mga pampublikong lugar sa Limay, regulasyon sa paggamit ng videoke machines at iba pang amplified audio devices, at ang panukalang Revenue Code ng Bayan ng Limay.

Sa Executive Agenda, iniharap ang mga resolusyong nagbibigay pahintulot sa Municipal Mayor, Hon. Richie Jason D. David, na lumagda sa iba't ibang Memorandum of Understanding, kabilang ang pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa Administrative Petition for Correction Automated System (APCAS), sa Provincial Government of Bataan (PGB) at mga development partners para sa isang development consortium, at sa V-Green Charging Station Development Philippines, Inc. para sa pagtatatag ng electric vehicle (EV) charging stations sa Bayan ng Limay.

Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Limay sa pagsusulong ng mga makabuluhang polisiya at programang naglalayong mapalakas ang maayos na pamamahala, mapabuti ang mga serbisyong pampubliko, at maisulong ang pangmatagalang kaunlaran ng Bayan ng Limay.




๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hulyo 7...
12/07/2026

๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜

Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hulyo 7, 2026 upang talakayin ang mga panukalang ordinansa, resolusyon, at iba pang mahahalagang usaping naglalayong higit pang mapabuti ang serbisyong pampubliko at kapakanan ng mamamayang Limayan.

Pinangunahan ang sesyon ni Hon. Marie Grace R. David, Municipal Vice Mayor at Presiding Officer, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Sarah V. David, Hon. Restituto P. Reyes, Hon. Dennis R. Gochuico, Hon. Rosario R. Perez, Hon. Remigio โ€œMeng-Newrโ€ S. Tayag Jr., Hon. Manuel P. Ambrocio, Hon. Cesar โ€œAmaโ€ A. Dela Rea, Hon. Baby Lyn T. Legaspi, at Hon. Alejandro Jose P. Joaquin, SK Federation President.

Sa Privilege Time, nagbigay ng kanyang pahayag si Hon. Rosario R. Perez hinggil sa mga usaping may kaugnayan sa kapakanan ng bayan at ng mga mamamayan.

Sa Reading and Reference of Business, iniharap ang Supplemental Budget No. 01 ng Barangay Lamao at ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Lamao para sa CY 2026. Tinalakay rin ang panukalang paglikha ng Nurse IV position para sa Office of the Municipal Health Officer. Inirefer din ang panukala para sa reprogramming ng 20% Development Fund at isang resolusyong naghihikayat sa lahat ng Barangay Councils at Sangguniang Kabataan Councils ng Limay na isulong ang gender-sensitive, inclusive, at merit-based na mga aktibidad sa komunidad at kabataan.

Sa Committee Report, tinalakay ang endorsement para sa Preliminary Approval Locational Clearance, Final Approval, at Development Permit ng mga lupain na pag-aari ni Carmelita G. Reyes sa Barangay Duale, Limay, Bataan.

Sa Executive Agenda, iniharap ang mga resolusyong nagbibigay pahintulot sa Municipal Mayor, Hon. Richie Jason D. David, na lumagda sa Memorandum of Agreement sa Bataan Peninsula State University bilang Host Training Establishment Partner (HTEP) ng BS/AB Psychology students, tumanggap at lumagda sa Deed of Donation kasama ang National Council on Disability Affairs para sa donasyon ng isang (1) unit desktop computer, at magbigay ng one-time incentives sa mga bagong halal na TODA officers sa labindalawang (12) barangay ng Limay, alinsunod sa umiiral na batas, mga patakaran, at pagkakaroon ng sapat na pondo.

Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Limay sa pagsusulong ng mga programang nagtataguyod ng mahusay na pamamahala, pagpapalakas ng mga serbisyong pampubliko, at mga inisyatibong nakatuon sa inklusibong pag-unlad at kapakanan ng bawat mamamayang Limayan.




๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hunyo 2...
08/06/2026

๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐˜

Isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Limay noong Hunyo 2, 2026 upang talakayin ang mga mahahalagang usapin kaugnay ng pamamahalang lokal, social protection programs, imprastraktura, at mga programang naglalayong mapabuti ang serbisyong pampubliko para sa mamamayang Limayan.

Pinangunahan ang sesyon ni ๐‡๐จ๐ง. ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ž ๐†๐ซ๐š๐œ๐ž ๐‘. ๐ƒ๐š๐ฏ๐ข๐, Municipal Vice Mayor at Presiding Officer, kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan na sina ๐‡๐จ๐ง. ๐’๐š๐ซ๐š๐ก ๐•. ๐ƒ๐š๐ฏ๐ข๐, ๐‡๐จ๐ง. ๐‘๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐. ๐‘๐ž๐ฒ๐ž๐ฌ, ๐‡๐จ๐ง. ๐ƒ๐ž๐ง๐ง๐ข๐ฌ ๐‘. ๐†๐จ๐œ๐ก๐ฎ๐ข๐œ๐จ, ๐‡๐จ๐ง. ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐ž๐ฅ ๐. ๐€๐ฆ๐›๐ซ๐จ๐œ๐ข๐จ, ๐‡๐จ๐ง. ๐‚๐ž๐ฌ๐š๐ซ โ€œ๐€๐ฆ๐šโ€ ๐€. ๐ƒ๐ž๐ฅ๐š ๐‘๐ž๐š, ๐‡๐จ๐ง. ๐“๐ž๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ƒ. ๐ƒ๐ž๐ฅ๐š ๐‘๐ž๐š, at iba pang miyembro ng konseho, kasama si ๐‡๐จ๐ง. ๐€๐ฅ๐ž๐ฃ๐š๐ง๐๐ซ๐จ ๐‰๐จ๐ฌ๐ž ๐. ๐‰๐จ๐š๐ช๐ฎ๐ข๐ง, SK Federation President.

Sa Unfinished Business, muling tinalakay ang Annual Budget ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Wawa para sa CY 2026.

Sa Executive Agenda, iniharap ang mga resolusyong nagbibigay pahintulot sa Municipal Mayor na pumasok sa isang Memorandum of Agreement sa Enprotech Environmental Consultancy Services bilang transporter sa DuaLe Super Rural Health Unit. Tinalakay din ang paggamit ng available municipal general funds para sa relocation assistance, kabilang ang pagkukumpuni at suporta sa mga relocation houses, hauling assistance, at iba pang social mitigation measures para sa mga pamilyang apektado ng municipal road development projects.

Sa kabuuan ng sesyon, tinalakay ang mga hakbang na patuloy na naglalayong mapalakas ang serbisyong pampubliko, mapabuti ang kalagayan ng mga apektadong komunidad, at maisulong ang mas episyenteng pamamahala ng lokal na pamahalaan.




Address

Sangguniang Bayan Building, Brgy. Poblacion
Limay
2103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan ng Limay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Bayan ng Limay:

Shortcuts

Share