Province of Pangasinan

Province of Pangasinan We take pride in providing better services with Honesty, Transparency, and Integrity to the people.
(12)

14/08/2026

Patuloy ang pamamahagi ng relief assistance ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III sa mga pamilyang nasalanta ng Habagat.

Sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III, patuloy ang clearing at excavation operations ng Pamahalaang Panlalawigan ng...
14/08/2026

Sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III, patuloy ang clearing at excavation operations ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha.

Katuwang ang PDRRMO at Provincial Engineering Office, inaalis ang mga bara, putik, debris, at iba pang sagabal upang mapabilis ang pagdaloy ng tubig at makatulong sa agarang pagbangon ng mga komunidad.

Habang nagpapatuloy ang pag-ulan, nagpapatuloy rin ang ating pagtutok at pagkilos. Tuloy-tuloy ang serbisyo at agarang pagtugon para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Pangasinense.

14/08/2026

LIVE | Traditional First Friday Mass at Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan

Higit sa dalawang milyong kilo ng bigas mula sa Office of the President ang ibinahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga...
13/08/2026

Higit sa dalawang milyong kilo ng bigas mula sa Office of the President ang ibinahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Local Government Unit (LGU) sa buong lalawigan sa ilalim ng Assistance to Indigent Individuals or Families-Rice Distribution Program (AIIF-RDP).

Isa itong inisiyatiba ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilalim ng Bawat Bayan Makikinabang Program, katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan. Layunin ng programa na labanan ang problema sa gutom, patatagin ang food security, at suportahan ang mga vulnerable sector at mga magsasaka.

Mahigit 120,000 residente mula sa indigent at vulnerable sectors ang nakatanggap ng tig-dalawang sako ng sampung kilong bigas para sa first tranche ng programa.

Sa pamumuno ni Gov. Ramon V. Guico III, patuloy ang pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga pambansang programa ng gobyerno para sa kapakanan ng bawat pamilyang Pangasinense.

(Eira Gorospe | PIMRO)

Patuloy ang pag-iikot ng Pangasinan Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa mga evacuation center sa...
12/08/2026

Patuloy ang pag-iikot ng Pangasinan Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa mga evacuation center sa buong Pangasinan upang maghatid ng agarang relief assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat.

Kabilang sa mga nabigyan ng relief packs ang mga pamilyang kasalukuyang nasa evacuation centers sa Bugallon at Mangatarem.

Bahagi ito ng tuloy-tuloy na pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III, upang matiyak na ang tulong ay patuloy na nakararating sa mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa panahon ng kalamidad.

(Rich Majin, Krizzia Mamaril/PIMRO)

The Provincial Government of Pangasinan extends its deepest condolences to the family and loved ones of Former Vice Gove...
12/08/2026

The Provincial Government of Pangasinan extends its deepest condolences to the family and loved ones of Former Vice Governor Oscar Lambino.

We honor his life of dedicated public service and his valuable contributions to the Province of Pangasinan. His service and legacy will forever be remembered by the people he served.

Rest in peace, Former Vice Governor Oscar Lambino. 🕊️

Mula sa aking pamilya at ng buong Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, taos-puso po kaming nakikiramay sa naiwang pamilya ni Former Vice- Governor Oscar Lambino.

Nawa’y magsilbing lakas at inspirasyon ang kanyang mga naiambag sa Pangasinan, at manatili sa puso ng mga Pangasinense ang kanyang alaala at paglilingkod.

Paalam at maraming salamat sa inyong serbisyo, Vice-Governor Oscar.

Agad na nagsagawa ng relief operations ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, sa pamamagitan ng Provincial Social W...
12/08/2026

Agad na nagsagawa ng relief operations ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang LGU Alaminos City upang matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng apektado ng Habagat.

Pinangunahan ang relief efforts alinsunod sa direktiba ni Governor Ramon V. Guico III, kung saan 1,504 food packs ang ipinamahagi sa mga barangay ng Pangapisan, Telbang, Pandan, at Victoria.

Nasa 4,000 relief packs ang na-turn over ng PSWDO sa LGU-Alaminos City para sa tuloy-tuloy na relief operations.

Sa pamamagitan ng mabilis na pagtugon at koordinasyon sa mga LGU, patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan sa paghahatid ng agarang tulong sa mga nasalanta.

(Rich Majin, Krizzia Mamaril | PIMRO)

Saludo sa mga kawani ng Kapitolyo! Nagkaisa ang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan sa pag-repack ng higit 4,000 F...
11/08/2026

Saludo sa mga kawani ng Kapitolyo!

Nagkaisa ang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan sa pag-repack ng higit 4,000 Family Food Packs nitong araw na karagdagang relief packs para mga pamilyang nasalanta ng pagbaha dulot ng mga nagdaang bagyo at Habagat.

Sa pangunguna ni Gov. Ramon V. Guico III, patuloy ang pamamahagi ng food packs, pagsasagawa ng libreng medical consultation, pamimigay ng mga gamot at bitamina sa apektadong pamilya sa buong lalawigan.

(Eira Gorospe | PIMRO)

Personal na binisita ni Governor Ramon V. Guico III ang mga pamilyang pansamantalang nananatili sa Calasiao Sports Compl...
11/08/2026

Personal na binisita ni Governor Ramon V. Guico III ang mga pamilyang pansamantalang nananatili sa Calasiao Sports Complex para alamin ang kalagayan ng mga residenteng naapektuhan ng baha at pag-ulan dulot ng umiiral na habagat.

Katuwang ang PSWDO, namahagi si Gov. Guico ng food packs at hygiene kits sa higit 100 pamilyang evacuees. Kasabay nito ang Guicosina Meals on Wheels at pagsasagawa ng Guiconsulta+ para sa libreng checkup at gamot.

Patuloy na mino-monitor ng Pamahalaang Panlalawigan ang kalagayan ng mga apektadong pamilya upang matiyak ang agarang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.

(Danna Laureano, JP De Vera, Gian Millanes | IPIMRO)

Address

Lingayen, Pangasinan
Lingayen
2401

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Province of Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share