23/08/2026
LASIP ELEMENTARY SCHOOL
HINAY-(EASE-IN) SA LUNES, AGOSTO 24, 2026
Alinsunod sa DepEd Order Blg. 22, s. 2024, na kilala bilang "Revised Guidelines on Class and Work Suspension in Schools During Disasters and Emergencies," na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga punong-g**o na magpatupad ng lokalisado o granular na suspensyon ng mga klase kapag ang aktuwal na kalagayan ay nagdudulot ng panganib sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan.
Bilang tugon sa kasalukuyang kalagayan, ipatutupad ng ating paaralan ang Learning Continuity Framework
na โHINAYโ upang matiyak na ang pag-aaral ng mga bata ay magpapatuloy sa kanilang mga tahanan.
Mga Paalala para sa Mag-aaral at Magulang:
* Siguraduhing sundin ang mga ibibigay na modules at home-based activities ng g**o.
* Makipag-ugnayan sa inyong class adviser para sa mga katanungan o paglilinaw
* Manatiling ligtas at patuloy na suportahan ang pag-aaral ng mga bata sa bahay.
Ang ating mga g**o ay handang magbigay ng gabayan at tulong sa pamamagitan ng text, tawag, o online communication.
Pinapayuhan ang mga mag-aaral at mga magulang o tagapag-alaga na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng paaralan at makipag-ugnayan sa kani-kanilang class adviser tungkol sa mga gawaing pampagkatuto.