11/06/2026
📌Name : Rajver Sidhu
📌Age : 16
📌Height : 6’2
📌Hometown : Lingayen, Pangasinan
📌Started Playing at the (age) of : 8 years old
📌Started Playing as a varsity player (age & name of school) : 10 at St. Columban School, Labrador
📌Currently playing for (name of school) : University of Santo Tomas
📌Position : PG/SG
📌Awards : MVP’s and Mythical 5
📌League History : UST (TITAN SUMMER JAM)
UST (UBL 17u)
UST(UBL 19u)
UST(UBL INTERNATIONAL)
UST(NYBL)
UST(PYD)
UST(MANILA LIVE)
UST (MILCU 19u)
UST(RPBL 19u)
Anong kuwentong BASKETBOLEROS meron ka? (Bilang isang Atletang Pilipino).
Magandang araw sa mga BASKETBOLEROS, ako nga pala si Rajver Sidhu ng Lingayen Pangasinan at ito ang kwento ko. Nagsimula ako mag basketball nung 9 years old ako nagpagawa si papa ko nang half court si papa ko sa tabing ilog para makapag laro ako marami ako nakakasama dun pero lahat sila magagaling kaya ako natatabunam dahil bata pa wala pa sila masyado tiwala para paglaruin ako dun, pero dahil dun nag pursige ako at natuto ako pero hindi pa ganun karunong.
Nung makalipas ang ilan buwan nagpa liga yung sk namin sa aming barang sinama nila ako kasi syempre pinipilit ko sila naiinggit ako tyaka tropa tropa din naman yun firts champion ko yun sa career nang basketball ko, sobrang saya ko nun kahit bangko lang ako daming naka support samin. Sumunod nun naging varsity ako sa school ko nung grade 5 ako pero hindi naman dahil sa marunong ako, kinuha lang ako kasi pang dagdag lang sa line up, hanggang na naglaro na kami, hindi pa ako sanay nun ang daming magagaling na kalaro namin nun hanggang sa tinalo nila
kami ng finals para mag pumasok sana sa municipal meet.
Pero after nun nagka liga kami ulit sa lingayen pero bangko lang ako ulit syempre kasi hindi pa talaga marunong e. Pagtapos nun nagka pandemic na napahinga ako ng ilang taon puro aral, bahay lang ginagawa yun nawala sa utak na mag basketball. After pandemic lumipat kami bahay yun nagsimula ako ulit maglaro ng basketball nun nagulat kami kasi bigla akong tangkad nun, nagsimula ako maglaro samin inter color, paliga nila ninang ko yun at mga kuya kuyahan ko.
Yun nagsimula na liga ginawa nila ako center nun kasi matangkad lang pero di magaling dami kalaban namin ang gagaling pero mga bata pa pero kami na palaban kahit di kami masyado magagaling yung team namin na dorongan, nilaban namin kaya yun nag champion kami. Sumunod na taon naglaro na ako sa senior, dalawa na team ko nun senior at junior, pero nung una kong laro sa senior kabado ako kasi nakikita ko lang mga idol ko tas ngayon nakakalaro ko na, tas ayun laglag kami agad nung team ko kaya sa junior ako bumawi nun, yun sa paghihirap at tiwala namin sa team champion kami ulit sa junior namin tatlong beses kami champion sa junior namin.
After ko mag junior sinama na ako sa senior nun tas yung team namin binigyan nila ako tiwala nilalagay nila ako sa first 5 kaya yun nabuo tiwala ko sa sarili hanggang ilang beses din kami nagchampion, at dito nakalaro pinaka inaidol ko. Dahil din sa sinama nila ako sa senior team nakilala ako sa aming barangay tas sinama nila ako sa inter barangay, kayang kaya naman sumabay kahit malalakas kalaban pero yun nga lang kulilat kami dahil marami malakas samin.
Hanggang sa nag try out ako sa school ng UL dito nag umpisa ako maglaro sa dagupan pero wala ako masyado kompyansa nito kasi di ako nagagamit kasi andaming magagaling sa team namin, pero nag ensayo ako nang nag ensayo at sa sumunod na taon lumipat ako sa LNU para dun mag aral at ipag patuloy ang pagbabasketball ko at bago ako lumipat sa LNU, pinagpala ako kasi nasama ako sa inter town kahit napaka bata ko pa nun 14 nun tas kalaro ko 21u pero di ako natakot ginawa ko lahat ng makakaya ko upang makita nila na karapat dapat ako sa team hanggang natapos 3rd place lang nakuha namin pero thankful ako sa kanila dami ko natutunan, tas yun nagpatuloy ako sa LNU hanggang dito binigyan nila ako ng kompyansa pinagkatiwalaan nila ako dito hanggang meron coach kumuha sakin para maglaro sa manila yung team ko na NGH.
Thankful ako dito maraming kaming pinagdaanan pero lumabam kami hanggang sa makakaya namin ang dami namin natutunan sa team na to, at after ng laro namin kalaro namin san beda nun may nakakita sakin na coach ng ust, pero kinausap lang muna ako tas hanggang sa nag tune up kami sa pangasinan at naglaro kami kinausap ako nung coach, hanggang sa kinuha ako at pinagkatiwalaan ako.
Pero bago ako mag ust nag GILAS PILIPINAS ako dito naramdaman ko lahat ng saya, hirap at takot, dito ginawa ko lahat ng makakaya ko hanggang sa maline up pero hindi pa talaga para sakin kaya yun nacut ako sa team.
Hanggang sa nagfocus ako sa ust para makapag uaap pero hindi pa rin pinalad kaya yun nagpupurige pa rin ako ngayon para maabot pangarap ko sa larangan ito.
Nagpapasalamat ako sa sa pamilya ko at mga taong sumusuporta sakin at sa lahat ng naging coaches ko kung wala kayo ay hindi ko din po mararating kung anong meron ako ngayon.
At ako nga po pala muli si Rajver Sidhu na nagsasabing isa akong tunay na BASKETBOLEROS at Batang Pangasinan ang Galing!
Please Like, Follow and Share the SPTV CHANNEL 101 and SPTV HOOPS BASKETBALL