11/08/2026
August 11, 2026
Ngayong araw, muli kaming naglibot sa ating barangay upang mamahagi ng mainit na sopas at lugaw sa ating mga kabarangay. Simpleng handog man ito, pero taos-puso naming ibinibigay dahil naniniwala kami na minsan, ang isang mainit na pagkain, isang ngiti, at isang simpleng pagdamay ay sapat na upang iparamdam sa ating kapwa na hindi sila nag-iisa.
Sa bawat ngiti na aming nakita, mas lalo naming naramdaman kung gaano kahalaga ang simpleng pagtulong at pagbibigay. Sa munting paraan, sana ay naparamdam namin sa ating mga kabarangay na may nagmamalasakit, may handang umalalay, at laging may pag-asa. 🤍
Maraming salamat sa lahat ng tumulong, nagluto, naglaan ng oras, at nakisama sa munting gawain na ito. Hindi lang tayo namahagi ng pagkain ,nagbahagi rin tayo ng pagmamahal, pag-asa, at pagkalinga.
At sa ating mga kabarangay na hindi namin naabutan, taos-puso po kaming humihingi ng paumanhin. 🙏 Hindi man namin kayo napuntahan ngayong araw, sana ay mabigyan pa kami ng pagkakataong makapaghatid ng munting handog sa mga susunod na pagkakataon. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
Patuloy tayong magtulungan at magmalasakit, dahil ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa laki ng handog, kundi sa puso at malasakit na kasama nito.
Para sa ating mga kabarangay, para sa ating Barangay Quibaol. 🤝💛