Provincial Social Welfare and Development Office - Pangasinan

Provincial Social Welfare and Development Office - Pangasinan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Provincial Social Welfare and Development Office - Pangasinan, Government Official, Solis Street, Brgy. Poblacion, Lingayen.

Nagpaabot ang Bounty Fresh ng 10,000 kilo ng manok sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan bilang suporta sa mga pamil...
28/08/2026

Nagpaabot ang Bounty Fresh ng 10,000 kilo ng manok sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan bilang suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat at mga nagdaang bagyo.
Bahagi ito ng pakikipagtulungan ng pribadong sektor sa probinsya upang madagdagan ang food assistance para sa mga komunidad na nangangailangan ng tulong matapos ang pagbaha at masamang panahon.
Ipamamahagi ang naturang donasyon sa mga pamilyang nangangailangan, bilang dagdag na tulong sa kanilang pagbangon mula sa epekto ng kalamidad.
(Eira Gorospe, John Patrick Ocsan | PIMRO)

Bilang bahagi ng patuloy na disaster response ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, 1,080 food packs ang ipinamahag...
27/08/2026

Bilang bahagi ng patuloy na disaster response ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, 1,080 food packs ang ipinamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha at malakas na pag-ulan sa San Fabian.
Katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), naihatid ang tulong sa mga pamilya sa Barangay Longos at Barangay Anonang upang matugunan ang kanilang agarang pangangailangan.
Patuloy namang tinitiyak ng PSWDO ang sapat na suplay ng food packs at hygiene kits para sa mga relief operations sa ibaโ€™t ibang bahagi ng lalawigan.
(Danna Laureano, Krizzia Mamaril | PIMRO)


Mahigit 700 pamilyang apektado ng kalamidad sa Aguilar, Pangasinan ang nakatanggap ng food packs mula sa Pamahalaang Pan...
27/08/2026

Mahigit 700 pamilyang apektado ng kalamidad sa Aguilar, Pangasinan ang nakatanggap ng food packs mula sa Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). Katuwang sa pamamahagi si 2nd District Board Member Haidee Pacheco, kasama ang MSWDO at LGU Aguilar.
Bahagi ito ng patuloy na disaster response ng Pamahalaang Panlalawigan upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng Habagat at bagyo.
Sa pamumuno ni Gov. Ramon V. Guico III, nananatiling nakatutok ang Pamahalaang Panlalawigan sa mabilis na paghatid ng tulong at suporta sa mga pamilyang nangangailangan.
(Eira Gorospe, JP De Vera | PIMRO)


25/08/2026
๐—ช๐—›๐—˜๐—˜๐—Ÿ๐—ฆ ๐—ข๐—™ ๐—›๐—ข๐—ฃ๐—˜: ๐—˜๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ฟ ๐—–๐—ถ๐˜๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—ป๐˜€, ๐—ข๐—ป๐—ฒ ๐—๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ ๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ฒ
25/08/2026

๐—ช๐—›๐—˜๐—˜๐—Ÿ๐—ฆ ๐—ข๐—™ ๐—›๐—ข๐—ฃ๐—˜: ๐—˜๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ฟ ๐—–๐—ถ๐˜๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—ป๐˜€, ๐—ข๐—ป๐—ฒ ๐—๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ ๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ฒ

Assistance to Indigent Individuals or Families-Rice Distribution Program (AIIF-RDP) Monitoring
23/08/2026

Assistance to Indigent Individuals or Families-Rice Distribution Program (AIIF-RDP) Monitoring



Patuloy ang relief assistance na ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga pamilya na nananatiling apektado ng ...
22/08/2026

Patuloy ang relief assistance na ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga pamilya na nananatiling apektado ng pagbaha.

Katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), 3000 pamilya mula sa mga Barangay ng Buenlag, San Isidro Sur, Linoc, Parayao, Sta Rosa at Gayaman, Binmaley, Pangasinan ang na bigyan ng food packs.

Bahagi ito ng patuloy na pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III, upang matiyak na nakararating ang kinakailangang tulong sa mga Pangasinenseng higit na nangangailangan.

(Rich Majin, Krizzia Mamaril | PIMRO)

200 sako ng tig-25 kilong bigas ang ipinagkaloob ng Aboitiz Renewables, Inc. sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan b...
22/08/2026

200 sako ng tig-25 kilong bigas ang ipinagkaloob ng Aboitiz Renewables, Inc. sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan bilang tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Tinanggap ni Executive Assistant III Atty. Ronn Dale Castillo at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang rice donation mula kay Aboitiz Renewables, Inc. AVP for Stakeholder Relations and Permitting Mark Hadrian Gamo.

Ang donasyon ay dagdag-suporta mula sa pribadong sektor at bahagi ng pakikipagtulungan ng probinsya sa ibaโ€™t ibang ahensya at institusyon para masigurong naihahatid ang sapat na suporta sa mga residenteng nangangailangan.

(Danna Laureano, JP De Vera | PIMRO)

21/08/2026

Nagtulong-tulong ang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa repacking ng 10,000 relief goods na ipamamahagi sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.

Bahagi ito ng relief assistance program ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III, upang matiyak na may agarang tulong na maihahatid sa mga pamilyang nangangailangan.

Nagsagawa ng relief operations ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III sa mga apektadong...
21/08/2026

Nagsagawa ng relief operations ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III sa mga apektadong pamilya sa Urbiztondo, Pangasinan.
May kabuuang 500 pamilyang evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa apat na evacuation centers sa Real Elementary School, Angatel Elementary School, Malibong Elementary School, at Poblacion Gymnasium ang nakatanggap ng Family Food Packs. Samantala, 220 pamilya naman ang nabigyan ng hygiene kits.
Nakiisa rin sa relief operations sina 2nd District Board Member Philip Theodore E. Cruz at Mayor Modesto Operania ng Urbiztondo. Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan sa mabilis na pagtugon at pag-abot ng tulong sa ating mga kabaleyan, lalo na sa panahon ng kalamidad.
(Rich Majin, Krizzia Mamaril | PIMRO)



Address

Solis Street, Brgy. Poblacion
Lingayen
2401

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Social Welfare and Development Office - Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share