17/08/2026
๐ฐ๐ณ๐๐ต ๐ฅ๐ฒ๐ด๐๐น๐ฎ๐ฟ (๐ฃ๐ต๐๐๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น) ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ญ๐ฎ๐๐ต ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป
Sa isinagawang 47th Regular (Physical) Session ng 12th Sangguniang Panlalawigan ngayong Agosto 17, 2026, tinalakay natin ang ibaโt ibang panukalang ordinansa at resolusyon na naglalayong higit pang palakasin ang serbisyo publiko at isulong ang kapakanan ng bawat Pangasinense.
Isa sa mga pinakamahalagang hakbang na ating inihain ngayong sesyon ang Proposed Provincial Ordinance No. 77-2026, upang gawing affiliating hospitals ng mga medical at health-allied programs ng Pangasinan Polytechnic College (PPC) ang lahat ng ospital na pag-aari at pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan. Layunin nitong mabigyan ang ating mga mag-aaral ng mas malawak na pagkakataon para sa kinakailangang clinical training at aktuwal na karanasan sa ating mga provincial hospitals, isang mahalagang hakbang sa paghahanda sa kanila bilang mga susunod na propesyonal sa larangan ng kalusugan.
Kasabay nito, tinalakay rin natin ang mga panukalang nakatuon sa proteksyon ng ating senior citizens at persons with disabilities, pagpapalakas ng Bahay Pag-Asa, pagpapatupad ng Espesyalista Para sa Bayan Program, pagpapahusay ng animal quarantine at inspection, at pagsusuri sa mga supplemental budget at development programs ng ibaโt ibang bayan sa Pangasinan.
Kabilang din sa mga usaping binigyang-pansin ang mga lokal na programa para sa persons with autism, Safe Spaces Act, Serbisyo sa Barangay, turismo, agrikultura at livestock, disaster risk reduction, at iba pang serbisyong direktang makatutulong sa ating mga komunidad.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbuo ng isang maunlad at matatag na Pangasinan.