28/05/2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐
๐ฅ๐๐ ๐๐๐ฒ๐ฌ ๐๐๐๐, buong pagmamalaking itinataas ng ๐๐๐ง๐ฅ๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฉ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ ๐๐ญ ๐๐ ๐ง๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ง ang ating Pambansang Watawat bilang simbolo ng pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at paggalang sa kasaysayan at kulturang Pilipino.
Ang Mayo 28 ay itinakdang simula ng National Flag Days bilang paggunita sa makasaysayang Labanan sa Alapan noong 1898, kung saan matagumpay na tinalo ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo ang mga puwersang Espanyol sa Imus, Cavite. Dito unang iwinagayway ni Aguinaldo ang bagong Pambansang Watawat na tinahi ni Marcela Mariรฑo de Agoncillo sa Hong Kong.
Alinsunod sa Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, hinihikayat ang lahat na buong dangal na iwagayway ang ating watawat mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12 bilang pagpapakita ng nasyonalismo. Kalakip nito ang panawagang โTapat sa Watawatโ, isang paalala ng ating matatag na paninindigan para sa bayan, kultura, at pagka-Pilipino.
Upang higit na maunawaan ang wastong paggamit at kahalagahan ng ating Pambansang Watawat at iba pang pambansang sagisag, maaaring i-download nang libre ang illustrated copy ng โThe Flag and Heraldic Code of the Philippines (Illustrated)โ sa pamamagitan ng QR code o sa link na ito: https://drive.google.com/file/d/1KmuYs86qPoe_84WiNzaKmS0ZMCXa0vVq/view
Tapat sa Watawat. Tapat sa Bayan.