DA-Rfo4a High Value Crops Development Program

DA-Rfo4a High Value Crops Development Program Department of Agriculture Regional Field Office IV CALABARZON

High Value Crops Development Program

03/12/2024
   ATICalabarzon πŸ’šπŸ’šπŸ’šπŸ«πŸŒ΄
25/11/2024


ATICalabarzon πŸ’šπŸ’šπŸ’šπŸ«πŸŒ΄

The National Cacao Congress 2024 (NCC24) with a theme "Marketing Philippine Cacao and Chocolates" was held on August 1-2...
04/08/2024

The National Cacao Congress 2024 (NCC24) with a theme "Marketing Philippine Cacao and Chocolates" was held on August 1-2 at Lahug, Cebu City.

The event was attended and participated by farmers and farmer-groups from regions around the Philippines and was supported by the government and private partners.

The congress aims to promote higher productivity and how to produce the best quality fermented beans. To attain its aim, the NCC24 invited marketing experts/resource persons, relevant agencies/organizations to discuss strategies and programs on how to market cacao and chocolates locally and internationally.

In the event, 100 booths were set up for rent of cacao farmers, government partners and private partners involved in the production of the cacao value chain to display their products and services. Among 100 exhibitors were Cacao Farmers Agripreneur of Nagcarlan (CFAN) Agriculture Cooperative and Luisiana Cacao Growers Association (LCGA) who are two of the farmer organizations being assisted by the Department of Agriculture 4-CALABARZON.

Nagpulong ang Region 4A Cacao Industry Federation para sa unang kwarter ng taon ngayong araw sa Luisiana Cacao Factory, ...
26/03/2024

Nagpulong ang Region 4A Cacao Industry Federation para sa unang kwarter ng taon ngayong araw sa Luisiana Cacao Factory, Brgy. San Jose, Luisiana, Laguna.

Sa nasabing gawain ay pinag-usapan ang estado ng pagpaparehistro ng pederasyon sa Securities and Exchange Commission (SEC), at maging ang pitong (7)estratehiya na gagawin ng samahan upang mapalakas pa ang industriya ng kakaw para sa 2024 na ipinabatid ni G. Florencio Flores, Pangulo ng Pederasyon.

Inilahad naman ni DA-Regional Cacao Focal Person Bb. Maria Ana Balmes at ng bawat Provincial Cacao Focal Person ang estado ng produksyon ng kakaw sa bawat probinsya at kabuuan ng rehiyon. Naipabatid din ng DA-Region at bawat pamprobinsyal na agrikultor ang mga plano at programa pa ng kanya-kanyang opisina para sa mga magsasaka at mga samahan ng magka-kakaw.

Dumalo rin sa gawain si Bb. Evelyn Laranga mula sa De La Salle University-Manila upang ipabatid ang inaalok na partnership ng kanilang unibersidad sa mga samahan at magsasaka ng kakaw para sa inobasyon at pagpapaunlad pa ng mga produktong mula sa kakaw.

Katuwang ng pamunuan ang Probinsyal na Agrikultor ng Laguna at pang Munisipal na Agrikultor ng Luisiana upang matagumpay na maisagawa ang pagpupulong. Nakiisa rin sa gawain si RAFC Chairwoman Flordeliza Maleon at mga kawani ng DA 4 CALABARZON.

Dumalo at nakiisa ang Department of Agriculture 4 CALABARZON sa 1st Quarterly Meeting of CALABARZON Coffee Growers Feder...
22/03/2024

Dumalo at nakiisa ang Department of Agriculture 4 CALABARZON sa 1st Quarterly Meeting of CALABARZON Coffee Growers Federation nitong ika-21 ng Marso 2024 sa Trece Martires City, Cavite.

Layunin ng gawain na mapagkaisa ang mga samahan ng magkakape sa CALABARZON upang sumapi sa pederasyon na naglalayon na mas mapalakas pa ang industriya ng kape sa rehiyon. Sa kasalukuyan ay pinoproseso na ang registration ng pederasyon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Alinsabay sa pagbibigay ulat ng mga probinsya patungkol sa produksyon ng kape at mga programa at proyektong naisakatuparan nila ay ipinabatid din ni Bb. Maria Ana Balmes ang mga bagong programa at proyekto ng kagawaran para sa mga magkakape ng rehiyon. Isa sa kanyang tinalakay ay ang Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) na programang makakatulong sa mga magniniyog na may salit-tanim ng kape at kakaw.

Naimbitahan din sa nasabing gawain si G. Carlos Sanz ng Panungyan Food Products upang ibahagi ang kaalaman patungkol sa post-harvest processing ng kape na makakatulong sa samahan.

Pinangunahan ni G. Thydrranno A. Exconde , Pangulo ng Region 4A Coffee Growers Federation (R4CGF) ang nasabing gawain. Katuwang sa pagsasagawa nito ang OPA Cavite sa pangunguna naman ni Bb. Cynthia Perez. Dumalo rin sa gawain si DA-Regional HVCDP Coordinator Engr. Redelliza A. Gruezo at iba pang kawani ng kagawaran bilang pagbibigay suporta sa lupon at pamunuan.

(Photos by Maximo Factor)

Ang Department of Agriculture 4 CALABARZON - HVCDP ay nagsagawa ng validation sa Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangk...
16/03/2024

Ang Department of Agriculture 4 CALABARZON - HVCDP ay nagsagawa ng validation sa Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan(SICAP)-Pagbilao at Pagbilao Coconut Farmers Federation nitong ika-15 ng Marso 2024 sa Pagbilao, Quezon.

Layunin ng gawain na makita kung ang samahan ay kwalipikado para maging benepisyaryo ng bagong programa na Coconut Farmers and Industry Development Plan o CFIDP na kung saan ang DA-HVCDP ay isa sa mga naatasang magimplementa.

Sa ilalim nito ay isinusulong ang pagrerehabilita ng mga matatandang puno ng kakaw o kape na nakasalit-tanim sa mga niyog upang muling mapataas ang produksyon at makadagdag sa kita ng mga magniniyog.

Sa gawaing ito ay ipinabatid sa samahan kung ano nga ba ang CFIDP, mga benepisyo dito, at sino-sino ang mga maaaring makinabang sa programang ito.

Pinangunahan ng Regional Cacao Focal Person, Bb. Maria Ana S. Balmes ang nasabing gawain katuwang ang Philippine Coconut Authority (PCA) sa pamamagitan ni G. Roderick S. Obnamia, at Municipal Agriculture Office ng Pagbilao.

Ang DA-HVCDP ay nagsagawa ng monitoring sa mga lugar na nasa ilalim ng programa na Coconut Farmers and Industry Developm...
13/01/2024

Ang DA-HVCDP ay nagsagawa ng monitoring sa mga lugar na nasa ilalim ng programa na Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) noong ika-10 at 11 ng Enero 2024, sa San Francisco at Catanauan sa probinsya ng Quezon.

Layon ng gawain na makita ang naging bunga ng unang taon ng implementasyon ng programa sa mga piling lugar sa rehiyon na kung saan ang mga kape at kakaw ay nakasalit-tanim (intercrop) sa ilalim ng niyugan. Kasabay ng gawain ay ipinamahagi rin ang mga grasscutter sa mga samahan ng magniniyog upang magamit sa pagmementina ng kanilang kakawan o kapihan sa ilalim ng niyugan.

Ang CFIDP ay inilunsad upang mapataas ang kita at produktibidad ng mga magniniyog; at maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga magniniyog sa bansa.

Ang gawaing ito ay pinangunahan ni Bb. Maria Ana Balmes, CFIDP Alternate Focal Person ng rehiyon katuwang ang APCO, Philippine Coconut Authority (PCA), Provincial Agriculture Office, at Municipal Agriculture Offices ng San Francisco at Catanauan.

Nakiisa ang DA RFO 4A-HVCDP sa isinagawang 1st Pineapple Field Day ng Munisipalidad ng Silang, Cavite noong ika-21 ng Di...
22/12/2023

Nakiisa ang DA RFO 4A-HVCDP sa isinagawang 1st Pineapple Field Day ng Munisipalidad ng Silang, Cavite noong ika-21 ng Disyembre 2023. Ito ay matagumpay na naisagawa sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Bb. Adelia Poblete, sa tulong ng kanyang mga kasamahan.

Layunin ng gawaing ito na maipakita ang resulta ng Technology Demonstration na isa sa mga programa ng Department of Agriculture.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa techno demo farm ni G. Romel Olores, na aktibong miyembro ng Silang Pineapple Growers Association.

Kabilang sa mga dumalo ay ang mga kawani ng DA-HVCDP, APCO Cavite G. Ruben Perlas, HVCDP Coordinator-Cavite Bb. Cynthia Perez, at pamunuan ng Silang Pineapple Growers Association.

Ang Semi-Annual Meeting ng CALABARZON Cacao Industry  Association (CALABARZON Cacao) ay naisagawa nitong ika-21 ng Hulyo...
22/07/2023

Ang Semi-Annual Meeting ng CALABARZON Cacao Industry Association (CALABARZON Cacao) ay naisagawa nitong ika-21 ng Hulyo, 2023, sa tulong ng Department of Agriculture-High Value Crops Development Program IV-CALABARZON (DA-HVCDP 4A) na idinaos sa RNC Cacao Farm Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal.

Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa ng pamunuan ng CALABARZON Cacao upang mapag-usapan ang mga hakbangin at makabuo ng mga plano upang patuloy na mapalakas ang industriya ng cacao sa rehiyon sa tulong ng Kagawaran ng Agrikultura.

Ilan sa mga dumalo sa gawaing ito ay sina Rizal HVCDP Coordinator Engr. Aldrin Albos, Tanay Municipal Agriculturist Romeo Cruz, APCO-Rizal Mary Ann Gajardo, APCO-Quezon Eduardo Lalas, Regional Cacao Focal Person Maria Ana Balmes, mga kawani ng DA-4A, at mga Provincial Cacao Focal Persons.

Idinaos sa ikalawang beses ang workshop ukol sa pagbuo ng Cluster Development Plan ng apat na asosasyon sa probinsya ng ...
11/11/2022

Idinaos sa ikalawang beses ang workshop ukol sa pagbuo ng Cluster Development Plan ng apat na asosasyon sa probinsya ng Batangas. Tatlo dito ay asosasyon ng maggugulay at ang isa ay sa pagmamangga, ito ay ang mga sumusunod; Southern Luzon Farmers and Traders Cooperative (SOLUFAT) sa Lipa City, San Juan United Vegetable Growers Association sa San Juan, Batangas, San Jose Farmers Federation sa San Jose, Batangas, at Batangas City Mango Growers Association sa Batangas City.

Dumalo at nagbigay ng pambungad na mensahe ni Ginang Loyola C. Bagui, DVM-City Veterinarian. Nakita din ang presensya ng OIC-APCO ng Batangas-Ginoong Michael Lalap upang magbigay ng mensahe. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga key officers’ ng bawat asosasyon kasama ng mga kinatawan ng Opisina ng Pamprobinsyang Agrikultura at ng iba’t ibang munisipyo.

Pinagusapan dito ang pagtanggap ng mga asosasyon sa programang F2C2. Inilahad ng kinatawan ng AMAD ang mga naging resulta ng Enterprise Assessment na isingawa sa mga asosasyon. Samantala, inasistihan ng mga kasamahan mula sa Department of Agriculture RFO IV-A sa pangunguna ng Alternate Focal Person ng F2C2-Binibining Jhoanna Santiago katuwang ng HVCDP Focal Person sa F2C2-Ginang Maria Ana Balmes, at HVCDP Alternate Focal Person/Vegetable Focal Person-Ginang Janice Fajardo at ang ibang kasama ang mga miyembro para sa pagbuo ng kanilang plano na pinapalooban ng limang taon.

Matagumpay na natapos ang araw ng may mga nabuong plano ang apat na asosasyon sa pagtutulungan ng lahat.

Address

LARES Bldg. Brgy. Maraouy
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA-Rfo4a High Value Crops Development Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share