05/02/2025
ARANGKADA TBI CALABARZON NG DA, MAGPAPADALI SA PAGLIPAT AT KOMERSIYALISASYÓN NG MGA TEKNOLOHIYA AT INSTITUSYONALISASYÓN NITO
Nilalayon ng ARANGKADA TBI CALABARZON na mapadali ang paglilipat at komersiyalisasyón ng mga teknolohiyang nakabatay sa pananaliksik sa pamamagitan ng institusyonalisasyón nito, ayon kay G. Joseph Paulo L. Silva, Agricultural Technologist & TBI Manager.
Sa episode ng Usapang Agrikultura sa Radyo Pilipinas Lucena ngayong umaga, ipinaliwanag ni G. Silva na layunin din ng ARANGKADA TBI CALABARZON na tulungan at gawing agripreneurs ang mga magsasaka, maging sentro sa komersiyalisasyón ng mga teknolohiyang pang-agrikultura, at maisa-institusyón ang ARANGKADA TBI CALABARZON.
Inilunsad ang ARANGKADA TBI noong 2022 na nangangahulugan Accelerated Research-Based Agirubusiness for New and Growing agripreneurs through Knowledgeable Aggressive Dynamic Approach Technology Business Incubation.
Ilan sa mga serbisyong binibigay ng isang TBI, ayon kay Silva, ang pagbibigay access sa mga pasilidad at kagamitan, pagbibigay tulong sa packaging at label design, assistance sa regulatory compliance, pag-develop at pagpapahusay ng produkto, marketing assistance, at pagkonekta sa strategic partners at mga samahan ng mga magsasaka.