PAK CHECK Ph

PAK CHECK Ph Katotohanan lang, walang echosan!

‼️ PAK CHECK MULA SA Department of Social Welfare and Development - DSWD ‼️⚠️PABATID SA PUBLIKO⚠️Walang katotohanan ang ...
01/10/2025

‼️ PAK CHECK MULA SA Department of Social Welfare and Development - DSWD ‼️
⚠️PABATID SA PUBLIKO⚠️

Walang katotohanan ang kumakalat na Messenger survey na nagsasabing nagbibigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Typhoon Relief Subsidy kapalit ng pagsagot sa survey form o questionnaire.

❌ Hindi nagbibigay ng Typhoon Relief Subsidy ang DSWD sa pamamagitan ng ganitong survey.
❌ Isa itong SCAM na maaaring magdulot ng panganib sa inyong personal na impormasyon.

Maging mapanuri at huwag basta-basta magtiwala sa mga kahina-hinalang link, survey, o mensahe.

Kung makakatanggap ng ganitong uri ng post o mensahe, i-report agad at huwag mag-click ng anumang link.

Para sa tamang impormasyon at lehitimong anunsyo, bisitahin lamang ang opisyal na page ng DSWD: o ang website na www.dswd.gov.ph.
Sama-sama nating labanan ang maling impormasyon.

Sa DSWD, Bawal ang Fake News!

❤️


PAK CHECK Palawan

‼️ PAK CHECK MULA SA DEPED PHILIPPINES ‼️PAALALA SA PUBLIKO ⚠️Fake news ang kumakalat na social media post tungkol sa um...
15/06/2025

‼️ PAK CHECK MULA SA DEPED PHILIPPINES ‼️

PAALALA SA PUBLIKO ⚠️

Fake news ang kumakalat na social media post tungkol sa umano’y suspension of classes dahil sa MPOX virus.

Muling pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa misinformation.

Para sa opisyal na mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education, bisitahin lamang ang official DepEd Philippines social media accounts.



PAK CHECK Palawan

‼️ PAK CHECK MULA SA Department of Health ‼️WALANG LOCKDOWN DAHIL SA MPOX Huwag magpadala sa pangamba, sumangguni lamang...
15/06/2025

‼️ PAK CHECK MULA SA Department of Health ‼️
WALANG LOCKDOWN DAHIL SA MPOX

Huwag magpadala sa pangamba, sumangguni lamang sa opisyal na advisory ng DOH, para sa tama at ligtas na balita.

📸 Maging Mapanuri/FB


PAK CHECK Palawan

Address

Lipa City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PAK CHECK Ph posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category