Engr. Pol Garing

Engr. Pol Garing Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Engr. Pol Garing, Public & Government Service, 1 Rizal St., Poblacion Brgy. 4, Lipa City, Lipa City.

I may never walk this path again, but I was and still is sincere to making a difference in our society particularly at l...
13/03/2023

I may never walk this path again, but I was and still is sincere to making a difference in our society particularly at least to my beloved City.

For all that was said and done, I fought valiantly to the best of my ability, true to my principles and clear to my vision and platforms.

As I accepted the outcome as a Man, I would like you to remember this smile.

Have a nice day everyone, God bless!

Eng'r. Pol Garing


19/12/2022

Bukas po ay I announce na po nang inyong lingkod ang mga nanalo sa ating Personal Accident Insurance.

Abangan po ninyo sa comment section ang mga swerteng nanalo.

Maligayang Pasko po at Manigong Bagong Taon!!!

Eng'r. Pol Garing



Paeng AlertManatili po sa ating mga tahanan ngayong araw bilang pag iingat sa bagyong Paeng. Sa di maiiwasang pagkakatao...
29/10/2022

Paeng Alert

Manatili po sa ating mga tahanan ngayong araw bilang pag iingat sa bagyong Paeng.

Sa di maiiwasang pagkakataon at kailangang lumabas, maging alerto, maging handa, at magbaon ng panalangin.

Stay Safe everyone! God bless!

Tyo Paeng tama tama ka na naman!

It's Official 250 Lucky Lipeños to receive Personal Accident Insurance Coverage worth of Php 50,000.00 by AXA. Maagang P...
20/10/2022

It's Official

250 Lucky Lipeños to receive Personal Accident Insurance Coverage worth of Php 50,000.00 by AXA.

Maagang Pamasko mula sa inyong Lingkod bilang pasasalamat sa suporta sa aming mga negosyo at sa aking hangaring mag alay ng serbisyo publiko sa Lungsod ng Lipa.

Thank you Sir Youssef (Area Manager), Mam Jane (Financial Solutions Associate) and Sir Wesley of Metrobank.


Bilang pasasalamat sa inyong suporta sa aming mga negosyo (Polaris Paint Corner, Star Polaris Hardware, Polaris Builder ...
18/10/2022

Bilang pasasalamat sa inyong suporta sa aming mga negosyo (Polaris Paint Corner, Star Polaris Hardware, Polaris Builder at Tamariba Japanese Cuisine Restaurant) nitong mga nakaraang taon at sa inyong suporta sa aking pagnanais maglingkod sa Lungsod ng Lipa, ako at ang aking pamilya ay magbibigay ng:

250 units of Personal Accident Insurance Coverage worth Php 50K.

Sa mga nasa legal na edad na Lipeño, mga head of the family, at mga laman ng lansangan na nagbabanat ng buto at di alintana ang panganib para sa kinabukasan ng inyong Pamilya ay mag PM lang po sa akin.

Ibigay lang po sa akin ang mga sumusunod:

1. Tunay na Pangalan
2. Address
3. Contact #

Distribution of Cards will be before Christmas Day 2022.

Maagang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon po sa inyong lahat mahal kong mga Lipeño.

Gumagalang,

Eng'r. Pol Garing

Gaya po nang aking ipinangako, ako ay susuporta at tutulong on my personal capacity sa mga gawaing pang Barangay tulad n...
09/08/2022

Gaya po nang aking ipinangako, ako ay susuporta at tutulong on my personal capacity sa mga gawaing pang Barangay tulad na lamang ng libreng Sign & Seal for Building Permit and Demolition Permit on Public Works katulad po nito.

Magsadya lamang po kayo sa aming tahanan o sa aming mga shops dito sa Palengke Area sa mga pagkakataong may maipaglilingkod po ako sa inyo.

God bless!

Ang Enhenyero po ninyo - Galing Garing


+ 1 Sure I have my own share of misses and losses, but I'm more into counting Blessings and Victories all for His Glory....
04/08/2022

+ 1

Sure I have my own share of misses and losses, but I'm more into counting Blessings and Victories all for His Glory.

Thank you Lord!

In support to the Sisters of SSVM for their Clean and Green Project. Mag organic, magtanim sa inyong mga bakuran at pang...
28/07/2022

In support to the Sisters of SSVM for their Clean and Green Project.

Mag organic, magtanim sa inyong mga bakuran at pangalagaan ang kalinisan ng kapaligiran.

Noong 2010 sa Khobar, KSA may ganitong eksena, mga kababayan natin mag rerenew ng passport nakahiga sa nilatag na karton...
23/07/2022

Noong 2010 sa Khobar, KSA may ganitong eksena, mga kababayan natin mag rerenew ng passport nakahiga sa nilatag na karton habang nag iintay sa Embassy on Wheels for their turn. Habang nakatanaw naman ang ibang lahi at nagtataka, natatawa, at/o naaawa. Noon naisip ko di pwedeng ganito - para sa aming mga OFW at pati na rin sa lahat ng Filipino.

2022, patuloy itong nangyayari sa ibat ibang ahensya ng ating pamahalaan sa ngayon, at halimbawa nga sa pila sa Comelec satellite offices.

Isa ang obvious dito - kailangan ng "improvement". Paano? Ito'y ganang akin laang at maaring panimula. Mas mainam mapag tulung tulongan para mas mapabilis, mapa-alwan ang proseso.

Eto po ang aking mga suhestyon:

1. Kabayan, sa uulitin ay wag mo nang intayin ang deadline ha. Pwedeng mag renew ng mas maaga at pwedeng mag pa rehistro ng taon o buwan bago ang deadline. Maging alisto.

2. LGU kailangan ka po dine. Pagtulong tulungan na po ng mga ahensya di lang ng Comelec pati na ng pamahalaang lokal na nasasakupan hanggang sa barangay level. Ang filled-up form na downloaded ay ipapasa sa inyong Brgy. at mga representative na ito ang mag papasa sa comelec for pre-registration. LGU at Comelec ang gagawa ng schedule kung kailangan ang punta sa satellite offices para hindi karibok ang tao.

Ang pag pila sa satellite office ay per barangay o distrito (ex. Urban, South District) para mas manageable ang dami ng pupunta para sa biometrics tulad ng thumbprint, picture at digital signature.

3. Siguraduhing ang satellite office at ang lugar ng pila ay maayos at nakahanda sa pagkakataong uulan o sa matinding sikat ng araw. Mag assign na rin po ng medical aid in case of emergency wag naman po sana.

Bilang pagtatapos, laging may magagawa tayo upang pagandahin ang isang bagay o isang sitwasyon. Magandang mapag aralan at gawan ng kalakip na aksyon.



Disclaimer: Attached photo for illustration only and not mine.

Tulad ng aking ipinangako ay susuportahan  ko ang mga atletang Lipeño katulad ni Ms. Clarissa Ocfemia ng Brgy. Banay-Ban...
19/07/2022

Tulad ng aking ipinangako ay susuportahan ko ang mga atletang Lipeño katulad ni Ms. Clarissa Ocfemia ng Brgy. Banay-Banay.

Sya ay sasabak sa Pinweight Division (105 lbs.) sa Mixed Martial Arts (MMA) sa darating na Hulyo 30 na gaganapin sa Parañaque. Ito ang kanyang unang professional na laban matapos ang ilang matagumpay na laban sa Amateur.

Sa aking personal na kapasidad ay tuloy ang aking suporta sa mga kagaya nya na magbibigay karangalan sa ating Lungsod at kalaunan sa Awa at Biyaya ng Diyos ay sa ating Bansa.

Goodluck Clarissa! Make your Family and Lipa Proud!

Bilang pagtugon sa Republic Act (RA) 9003 - Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at bilang suporta sa ating mga...
19/07/2022

Bilang pagtugon sa Republic Act (RA) 9003 - Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at bilang suporta sa ating mga lokal na mangangalakal ay bumibili po ang Polaris Paint Corner ng mga nilinis na garapon, lata ng gatas, at mga lumang dyaryo.

Maraming salamat po Ka Armando Garcia ng Brgy. Sabang sa pagdadala dito sa aming munting tindahan at saludo po kami sa inyong sipag.

Kaisa po kami ng ating pamahalaan sa panawagang mag Reduce, Reuse, and Recycle ng ating mga basura.

Magtulong tulong po tayong pangalagaan ang ating kalikasan. Kumita ka na nakatulong ka pa!

Hindi ko man nakamit ang tagumpay ay nagpapasalamat po ako sa kulang kulang 33,000 na Lipeñong nagtiwala sa inyong lingk...
19/07/2022

Hindi ko man nakamit ang tagumpay ay nagpapasalamat po ako sa kulang kulang 33,000 na Lipeñong nagtiwala sa inyong lingkod nung nakaraang eleksyon. Bumabati din po ako sa mga nanalong kandidato at ipinagdadasal ko ang inyong pamumuno at tagumpay sa inyong mga larangan.

Makaasa po kayo na patuloy akong maglilingkod sa abot ng aking makakaya kahit wala man sa posisyon. Sa aking personal na kapasidad ay susuportahan ko ang ating mga kababayan at lokal na pamahalaan sa mga plataporma at adbokasiyang aking inilitag tulad ng Small Businesses, Environment, Sports, Senior Citizen, Traffic Management and Public Works.

I will continue to be an instrument of blessing to others. Salamat sa aking mga nakasama sa kampanya, sa aking mga kapartido at mga supporters. God bless all of you!

Address

1 Rizal St., Poblacion Brgy. 4, Lipa City
Lipa City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Engr. Pol Garing posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share