LTO LIPA District Office R4A

Directions Website Contact the organization

LTO LIPA District Office R4A A front line government agency showcasing fast and efficient public service for a progressive land transport sector.

25/09/2026
15/09/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) na muli nang magagamit ang Land Transportation Management System (LTMS) at maaari nang ipagpatuloy ang mga transaksyon dito ngayong araw, Setyembre 15, 2026.

Patuloy na isinasagawa ng technical team ng ahensya ang pagmo-monitor sa sistema upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

14/09/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang magiging offline ang system ng ahensya at maaaring magkaroon ng pansamantalang pagkaantala ng pagproseso ng mga transaksyon ngayong araw, Setyembre 14, 2026, bilang bahagi ng isinasagawang transition mula sa Stradcom LTO-IT System patungo sa Land Transportation Management System (LTMS).

Humihingi ang LTO ng pang-unawa ng publiko sa anumang abalang maaaring idulot ng pansamantalang pagkaantala. Magbibigay ang ahensya ng karagdagang abiso sa sandaling maging maayos na ang sistema at maaari nang ipagpatuloy ang mga transaksyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

12/09/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†-๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐†๐๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐”๐๐€๐ƒ ๐๐† ๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐€๐“ ๐’๐€ ๐‹๐“๐Œ๐’; ๐๐€๐†๐†๐€๐Œ๐ˆ๐“ ๐๐† ๐’๐“๐‘๐€๐ƒ๐‚๐Ž๐Œ ๐‹๐“๐Ž-๐ˆ๐“ ๐’๐˜๐’๐“๐„๐Œ, ๐ˆ๐‡๐ˆ๐‡๐ˆ๐๐“๐Ž ๐๐€

Iniutos ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, sa lahat ng kinauukulang tanggapan ng ahensya ang agarang paghinto sa paggamit ng LTO-IT System ng STRADCOM sa mga ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด transaksyon at ang mahigpit na pagpapatupad ng ๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐—ธ๐—น๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด Land Transportation Management System (LTMS).

Ang direktiba ay alinsunod sa kautusan ng Office of the Ombudsman na naglalayong ihinto ang paggamit ng LTO-IT System ng STRADCOM at tiyakin ang paggamit ng LTMS sa mga transaksyon ng ahensya.

Sa ilalim ng Memorandum No. MVL-2026-207 at Memorandum No. MVL-2026-208, ipinag-utos ang agarang paghinto sa paggamit ng LTO-IT System sa Enhanced Driverโ€™s License System (EDLS) Pilot Sites at sa 42 designated Temporary Offsite Printing Offices (TOPOs).

Saklaw din ng direktiba ang pagproseso ng Certificate of Stock Report (CSR) at New Registration of Motor Vehicles, Motor Vehicle Renewal of Registration, lahat ng Driverโ€™s License transactions, at Miscellaneous Transactions.

Kabilang sa mga transaksyon sa Driverโ€™s License na sakop ng direktiba ang renewal, new application, duplicate o replacement, at change of information.

Ang lahat ng nasabing transaksyon ay dapat nang eksklusibong iproseso sa LTMS.

Inatasan din ni Asec. Lacanilao ang mga kinauukulang tanggapan na makipag-ugnayan sa mga kaukulang opisina ng LTO Central Office upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na transition, kabilang ang kinakailangang system configuration, user access, at iba pang operational requirements.

Anumang system limitation, technical issue, o operational difficulty na mararanasan sa panahon ng transition ay dapat agad i-report sa Management Information Division (MID) upang mabigyan ng agarang kaukulang aksyon.

โ€œPatuloy nating inaayos at pinapahusay ang mga sistema ng LTO upang maging mas mabilis, maayos, at maaasahan ang ating serbisyo. Ang paglipat sa LTMS ay mahalagang bahagi ng ating pagsisikap na magkaroon ng mas episyenteng proseso at mas mahusay na serbisyo para sa ating mga motorista,โ€ ayon kay Asec. Lacanilao.

Binigyang-diin ng LTO Chief na mahigpit na ipatutupad ang mga direktibang ito upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na paglipat sa LTMS, kasabay ng pagpapanatili ng episyente at maaasahang serbisyo sa publiko.

09/09/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Mananatiling bukas ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) ngayong araw, Setyembre 10, 2026, upang patuloy na maihatid ang kinakailangang serbisyo sa publiko.

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 135, ang mga tanggapan ng LTO ay magpapatuloy sa kanilang regular na operasyon.

Para sa mga may kinakailangang transaksyon, maaari pa ring magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO. Gayunman, hinihikayat ang publiko na unahin ang kanilang kaligtasan, lalo na sa mga lugar na nakararanas ng malakas na pag-ulan o pagbaha.

Pinapayuhan ang mga kliyente na manatiling updated sa mga opisyal na anunsyo ng LTO para sa anumang pagbabago sa operasyon.

20/08/2026

๐๐ˆ๐๐Ž๐˜ ๐€๐๐”๐ˆ๐๐Ž ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ž๐๐’๐ˆ๐“๐„ ๐‚๐€๐‘๐€๐•๐€๐

๐Ÿ“ข ๐™๐™๐™€๐™€ ๐™๐˜ฟ๐˜พ & ๐™€๐™“๐™๐™€๐™‰๐˜ฟ๐™€๐˜ฟ ๐™Ž๐™€๐™๐™‘๐™„๐˜พ๐™€๐™Ž ๐™๐™ƒ๐™„๐™Ž ๐™๐™๐™„๐˜ฟ๐˜ผ๐™” & ๐™Ž๐˜ผ๐™๐™๐™๐˜ฟ๐˜ผ๐™”!

Malugod na inihahatid ng ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐ ๐š๐ง๐  ๐๐ˆ๐๐Ž๐˜ ๐€๐๐”๐ˆ๐๐Ž ๐ƒ๐€๐˜ ๐„๐๐€๐“๐‘๐Ž๐‹ ๐Ž๐๐’๐ˆ๐“๐„ ๐‚๐€๐‘๐€๐•๐€๐ na gaganapin ngayong ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿญ ๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ (๐—™๐—ฅ๐—œ๐——๐—”๐—ฌ & ๐—ฆ๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐——๐—”๐—ฌ) kung saan bukas ang mga sumusunod na tanggapan ng LTO para sa mga nais makapagproseso ng kanilang mga transaksyon sa LTO, at makapag handog ng ๐ฅ๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐“๐‡๐„๐Ž๐‘๐„๐“๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐ˆ๐๐† ๐‚๐Ž๐”๐‘๐’๐„ (๐“๐ƒ๐‚) sa mga nag nanais na kumuha ng Student Permit.

๐Ÿ“… Friday & Saturday
โฐ Regular Office Hours

๐™‹๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™œ๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™œ-๐™–๐™ซ๐™–๐™ž๐™ก ๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ž๐™—๐™ง๐™š๐™ฃ๐™œ ๐™๐˜ฟ๐˜พ ๐™ข๐™–๐™–๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ช๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™จ๐™–๐™—๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ค๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™– ๐™—๐™–๐™œ๐™ค ๐™ข๐™–๐™œ ๐ŸŽ๐Ÿ–:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ ๐™ช๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ ๐™ง๐™š๐™œ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™™๐™ž๐™ฉ๐™ค.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikipagtulungan.


โค๏ธ

Address

Government Center, Barangay Maraouy
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO LIPA District Office R4A posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LTO LIPA District Office R4A:

Shortcuts

Share