08/05/2022
Oy, KABAYAN!
Narito ang ating mga GABAY SA PAGBOTO:
MGA BAWAL GAWIN SA ARAW NG BOTOHAN
● BAWAL magdala ng sample ballot na may disenyo o tatak ng kandidato.
● BAWAL magsuot o magdala ng kahit anong campaign material kahit gaano kaliit ito.
● BAWAL magbitbit ng kasama sa loob ng voting precinct pwera na lang kung may kapansanan o hindi marunong bumasa o sumulat.
● BAWAL makipag-usap habang bumoboto.
● BAWAL itupi, drawingan o paglaruan ang balota.
● BAWAL mag-video o magpicture sa loob ng voting precinct.
MGA DAPAT TANDAAN BAGO BUMOTO
● IHANDA ANG IYONG sample ballot/ kodigo/ LISTAHAN ng mga iboboto.
● Alamin kung saan ang iyong voting precinct.
TANDAAN: Kapag wala ang pangalan sa COMELEC Precinct Finder, pwedeng magpunta sa local COMELEC office para i-check ito.
● Magdala ng mga kinakailangang gamit tulad ng facemask, alcohol, etc.
● Ang poll precincts ay nagbubukas ng 6AM.
● Magpacheck ng temperature.
TANDAAN: Kung nagpa-positive ka sa araw ng eleksyon, PWEDE KA PA RIN BUMOTO sa inilaan na isolation polling places ng COMELEC.
MGA DAPAT GAWIN SA ORAS NG PAGBOTO
● Sa voter assistance desk makukuha ang room number at que number mo.
TANDAAN: Para mas sigurado, magdala ng valid ID para ma-verify ang iyong identity kapag nasa Voter Assistance Desk ka.
● Bago bumoto, i-check ang balota kung may markings, pre-shading, at kung may anumang kahina-hinala rito.
TANDAAN: Kapag may nakitang mali, kahit gaano kaliit ito, i-report at piliting maisama ito sa record ng minutes of the election.
● Para mabasa ng Vote Counting Machine (VCM) ang iyong boto, kailangan at least 50% o dapat kalahati man lang ng ballot mo ay may shade.
TANDAAN: Ang bilog sa kaliwang bahagi, bago ang pangalan ng kandidato, ang dapat i-shade.
MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS BUMOTO
● Ilagay ang balota sa Vote Counting Machine. Apat na beses maaaring subukang ipasok ang balota sa VCM kung sakali mang hindi ito tanggapin sa unang beses.
TANDAAN: Pwede ka pa rin humingi ng panigabong balota kung sakaling hindi ikaw ang may mali kaya hindi mabasa ang balota mo. Ipa-record ang insidente sa minutes of the elections.
● I-check ang resibo na ilalabas ng VCM kung tugma ito sa naging boto mo.
● Kung tama ang nasa resibo, ihulog ito sa drop box na nasa loob ng voting precinct.
● Magpalagay ng electoral ink bago umalis ng voting precinct. Tanda ito na ikaw ay nakaboto na.
TANDAAN.. Narito, Bagong Serbisyo! 👇