Doc Mark Ilagan Villalobos

Doc Mark Ilagan Villalobos Doc Mark at your service. • PDA President 2017 - 2018
• Music Enthusiast
• Loving Husband

Mahal kong mga kababayan ng Mataasnakahoy,Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat na nagbigay ng suporta at...
14/05/2025

Mahal kong mga kababayan ng Mataasnakahoy,

Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat na nagbigay ng suporta at tiwala sa aking pagtakbo bilang Vice Mayor. Ang 5,527 na boto na ating nakalap ay higit pa sa isang numero—ito po ay patunay na marami sa inyo ang naniniwala sa ating mga adbokasiya at sa direksyong nais nating tahakin para sa ating bayan.

Bagamat hindi tayo nagtagumpay sa halalan, ang ating laban ay naging isang matibay na pahayag ng pagkakaisa, paninindigan, at pagmamahal sa Mataasnakahoy. Ang inyong pagtitiwala ay isang biyayang hindi matutumbasan ng kahit anong posisyon.

Ngayong tapos na ang halalan at may napiling bagong Vice Mayor ang ating bayan, hinihiling ko sa bawat isa sa 5,527 na nagbigay ng suporta sa akin na ibigay rin ang kanilang tiwala at pakikiisa sa bagong liderato. Ang tunay na tagumpay ay nasa ating kakayahang magkaisa, makinig, at magtulungan para sa ikabubuti ng lahat.

Hindi dito nagtatapos ang aking paglilingkod. Bilang isang doktor at isang mamamayan, mananatili po akong kasama ninyo sa bawat hakbang tungo sa isang mas maunlad na Mataasnakahoy.

Maraming salamat po sa pagmamahal at suporta. Hindi man ako pinalad, ako po ay lubos na pinagpala—dahil kasama ko kayo.

Nagmamahal,
Doc. Mark Ilagan Villalobos

Alam mo ba?Mula pa noong 2014, aktibo na si Doc Mark Villalobos sa mga gawaing makatutulong sa mamamayan at sa ikauunlad...
20/04/2025

Alam mo ba?

Mula pa noong 2014, aktibo na si Doc Mark Villalobos sa mga gawaing makatutulong sa mamamayan at sa ikauunlad ng Mataasnakahoy. Hindi pa man siya sumasabak sa politika, tunay na serbisyo publiko na ang kanyang layunin.

Ilan sa mga aktibidad na kanyang pinagsikapang pangunahan ay ang mga sumusunod:
- Dental at medical mission sa iba't ibang bahagi ng Mataasnakahoy
- Coastal clean-up sa Barangay Kinalaglagan
- Pagpapadala ng ilan sa pinakamagagaling na mag-aaral ng Mataasnakahoy sa mga seminar sa labas ng Batangas
- Pag-oorganisa ng mga seminar na makapagpapalawak ng kaalaman ng mamamayan

Patunay ito na ang serbisyo ni Doc Mark Ilagan Villalobos ay WALANG PINIPILING PANAHON at PAGKAKATAON—ito'y buong puso at lubos na tuloy-tuloy.

Isa siyang lider na hindi lang nakaupo, kundi nangunguna at kumikilos. Isang taong may malasakit, may integridad, at tunay na naglilingkod.

Dahil sa mga proyektong ito, kinilala si Doc Mark Villalobos bilang isa sa mga pinakamahuhusay na Pangulo ng Rotary District 3820 noong 2015—isang karangalang nagpapakita ng kanyang husay sa pamumuno.

'Yan ang Vice ko!

12/04/2025

Alam mo ba?

Noong panahon ng pandemya, nang magka-lockdown dahil sa COVID at mahirapan ang mga dental frontliners, isa si Doc Mark Ilagan Villalobos sa nangunang kumuha ng PPE upang makapaglingkod at mamahagi nito sa mga nangangailangan, kahit na may malaking banta ng pagkahawa at panganib sa kanyang buhay. Nagsagawa rin siya ng emergency surgery sa isang batang nabalian ng ngipin at nakakaranas na ng pangingitim ng labi, pagsusuka, at lagnat. Ang kanyang agarang aksyon noong mga panahong iyon ay nagsilbing inspirasyon ng malasakit at dedikasyon sa pagtulong sa kapwa.

Yan ang Vice ko!

Sa ating pagpunta sa mga nasasakupan ng Mataasnakahoy, lalong naantig ang aking puso nang marinig ko ang samu’t saring k...
03/04/2025

Sa ating pagpunta sa mga nasasakupan ng Mataasnakahoy, lalong naantig ang aking puso nang marinig ko ang samu’t saring kwento na ang karamihan sa kanila ay dati ng natulungan ng ating Dental and Medical Missions. Makakaasa po kayo na kung noon hindi pa man tayo tumatakbo bilang Vice Mayor ay nagagawan natin ng paraan na makatulong, makakatiyak kayo na sapat at nararapat ang aking magagawa kung sakaling palarin tayong mahalal bilang Vice Mayor ng Mataasnakahoy.

Hindi man madali ang mag-ikot at magtungo sa bawat tahanan ng ating mga kababayan para humingi ng tulong, suporta at pagmamahal ay naniniwala akong mas mahirap ang pinagdaraanan ng ilan sa ating mga kababayan at alam kong malaki ang aking maiaambag lalo na sa larangan ng medisina, kaya hindi ako puwedeng huminto. Hangga’t may mga taong umaasa at naniniwala sa kakayahan kong maging tulay tungo sa mas magandang bukas na puno ng pag-asa.

Kay Mark Villalobos, nakangiti ang kinabukasan mo!

02/04/2025

Sama sama tayo sa pag-unlad!

Bilang isang 𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐬𝐭𝐚, batid ko ang importansya ng kalusugan. Napakahalaga para sa akin na matutukan hindi lang ang kaay...
29/03/2025

Bilang isang 𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐬𝐭𝐚, batid ko ang importansya ng kalusugan. Napakahalaga para sa akin na matutukan hindi lang ang kaayusan ng ngipin, kundi ang kabuuang pangangatawan ng bawat isa. Sa aking paghahangad at pagtakbo bilang 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫, nais kong ipagpatuloy ang tunay na serbisyo para sa mas malusog at mas maunlad na komunidad ng Mataasnakahoy. Sama-sama nating harapin ang bukas nang may 𝐍𝐆𝐈𝐓𝐈!

𝐊𝐚𝐲 𝐃𝐨𝐜 𝐌𝐚𝐫𝐤, 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐦𝐨!

Address

MIV Building, 2nd Floor, Ayala Highway
Lipa City
4217

Telephone

+63434036590

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Mark Ilagan Villalobos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Doc Mark Ilagan Villalobos:

Share

Category