DA - SAAD Calabarzon

Directions Contact the organization
Nakikiisa ang SAAD CALABARZON sa pagdiriwang ng National Livestock and Poultry Month, binibigyang-pugay natin ang kanila...
07/10/2026

Nakikiisa ang SAAD CALABARZON sa pagdiriwang ng National Livestock and Poultry Month, binibigyang-pugay natin ang kanilang sipag at tiyaga sa pag-aalaga ng mga baka, kalabaw, baboy, manok, at iba pang hayop na pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan.

Sa bawat pagkaing inihahain sa ating hapag, mahalaga ang ambag ng mga magsasaka at mag-aalaga ng hayop.

Sa pamamagitan ng wasto at maingat na pag-aalaga, napangangalagaan ang kalusugan ng ating mga hayop, napapalago ang kabuhayan ng mga mag-aalaga, at napapalakas ang suplay ng pagkain sa bansa.

Patuloy nating suportahan ang ating mga mag-aalaga ng hayop tungo sa mas matatag na kabuhayan at mas masaganang agrikultura!

Hindi lang feeds ang natanggap ng ating mga farmer-beneficiaries, kundi dagdag na suporta rin para sa kanilang alaga at ...
02/10/2026

Hindi lang feeds ang natanggap ng ating mga farmer-beneficiaries, kundi dagdag na suporta rin para sa kanilang alaga at dagdag na lakas ng loob para ipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.

Ibinahagi nina Gng. Sharon T. Diokno at G. Narciso Adalia ng San Juan Tingloy Farmers Association o SAJTIFA ang kanilang pasasalamat sa DA-SAAD Program sa pagkakaloob ng feeds para sa kanilang mga alagang kambing.

Sa bawat sako ng feeds, may kuwentong nagsisimula, kuwento ng pag-aalaga, pagtitiyaga, at pag-asang mas mapalago pa ang kabuhayan.

Dahil para sa mga magsasaka, malaking bagay ang may programang kasama sa pag-aalaga at pag-asenso.

30/09/2026
Happy birthday to our one and only Tita Riza!You are not just our SAAD Admin and Procurement Lead—you have also become a...
29/09/2026

Happy birthday to our one and only Tita Riza!

You are not just our SAAD Admin and Procurement Lead—you have also become a mother to all of us. Your genuine care, patience, and willingness to listen to everyone make us feel seen, valued, and encouraged.

You inspire us to keep learning and improving, not only for the work we do but, more importantly, for the communities and farmers we serve. Thank you for leading with both strength and heart, and for always reminding us that beyond the work, it is the people who truly matter.

May your special day be filled with the same warmth and kindness that you generously share with everyone around you. We are blessed to have you, Tita Riza!

Happy birthday! We love you!

Ang pag-unlad ay mas nagiging makabuluhan kapag naibabahagi. Para kay Arnel Cabanalan ng Samahan ng Maggugulay ng Barang...
29/09/2026

Ang pag-unlad ay mas nagiging makabuluhan kapag naibabahagi. Para kay Arnel Cabanalan ng Samahan ng Maggugulay ng Barangay Casa Real, hindi lamang sariling samahan ang nais nilang mapatatag. Kasabay ng kanilang pag-unlad ay ang hangaring matulungan din ang ibang magsasaka na magkaroon ng pagkakataong matuto, makapagsimula, at magpatuloy.

Sa mga oportunidad, kaalaman, at suportang naging bahagi ng kanilang paglalakbay kasama ang SAAD, nakita nila kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng katuwang sa pagsisimula at pagpapatatag ng isang samahan. Kaya naman, nais din nilang maibahagi sa iba ang tulong at mga natutunan nila, sa parehong paraan na naging katuwang ang SAAD sa kanilang sariling pag-unlad.

Para kay Arnel, hindi kailangang manatili sa iisang samahan ang kaalaman, karanasan, at oportunidad. Mas nagiging makabuluhan ang mga ito kapag naipapasa at nagagamit upang makatulong sa kapwa. Sapagkat ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang tungkol sa pag-angat ng sarili, kundi sa pag-abot ng kamay upang may iba ring makaangat.

25/09/2026

Biyernes na, Ka-SAAD!

Bago tuluyang matapos ang linggo, isang huling hamon muna para sa ating mga mapagmasid at maparaan na magsasaka!

Mahuhuli mo ba ang tamang sagot? Tingnan nang mabuti, i-pause, i-screenshot, at i-comment ang iyong sagot!

Happy Friday, Ka-SAAD! Kita-kits sa susunod na linggong puno ng kaalaman at kasiyahan.

KA-SAAD, ang paglaganap ng sakit sa ating mga alagang baboy ay madalas dumarating sa mga panahong hindi natin inaaasahan...
24/09/2026

KA-SAAD, ang paglaganap ng sakit sa ating mga alagang baboy ay madalas dumarating sa mga panahong hindi natin inaaasahan. Kaya mahalagang laging maging mapagmatyag, maingat, at handa upang maprotektahan ang ating mga alagang baboy at kabuhayan.

Alamin at maging maagap sa pagpapatupad ng biosecurity measures upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Mas mainam ang maagap na pag-iingat kaysa sa pagsisisi sa huli.

Happy birthday to our former SAAD Alternate Focal, Sir Girsky V. Anda! Your dedication and commitment to the program fro...
24/09/2026

Happy birthday to our former SAAD Alternate Focal, Sir Girsky V. Anda! Your dedication and commitment to the program from the very beginning have contributed greatly to where SAAD CALABARZON stands today.

Your expertise, passion for your craft, and tireless efforts have made a meaningful impact on the program and, most importantly, on the farmers and communities we serve. The knowledge, guidance, and valuable lessons we have learned from you will continue to guide us in our work and be carried with us every day.

Lahat ng natutuhan namin sa iyo ay patuloy naming isasabuhay sa aming paglilingkod sa programa at sa ating mga magsasaka. Thank you for being part of our journey and for the lasting impact you have made on the team and our beneficiaries.

Wishing you good health, happiness, and continued success in all your endeavors. May your special day be filled with the same warmth and positivity you have shared with those around you.

Again, happy birthday Sir Girsky!

Tara na't matuto ng salita at kaalamang pansaka!May mga salitang karaniwan nating naririnig sa pagsasaka at pag-aalaga n...
21/09/2026

Tara na't matuto ng salita at kaalamang pansaka!

May mga salitang karaniwan nating naririnig sa pagsasaka at pag-aalaga ng hayop, ngunit hindi agad natin alam ang tunay nitong kahulugan. Kagaya na lamang ng salitang “taglugon," na may kinalaman sa pag-aalaga ng manok.

Address

Department Of Agriculture Region 4A , Brgy. Marawoy, Lipa City , LARES Compound
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA - SAAD Calabarzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DA - SAAD Calabarzon:

Shortcuts

Share