DA APCO - Batangas

DA  APCO - Batangas Q: Ano nga po ga ang ibig sabihin ng APCO? A: Agricultural Program Coordinating Office

Bio control (Biocon)Ay ang approach ng agrikulturang ito ay ang pagpapakilala sa isang lugar na may peste nang mga kaibi...
20/05/2026

Bio control (Biocon)

Ay ang approach ng agrikulturang ito ay ang pagpapakilala sa isang lugar na may peste nang mga kaibigang insekto at mga halaman upang malabanan ang mga ito na natural.

Walang ginagamit na pestisidyo na nakakasama sa kalusugan ng mga tao.

Ayon sa ilang pag-aaral ang paggamit ng Biocon ay nakakaiwas sa anong kapahamakan sa mga nagtatrabaho sa bukirin at mas sulit ang pag gamit dito.

Syempre, lagi po tayong magtatanong sa mga dalubhasa tungkol sa kanilang recomendasyon na biocon para sa inyong lugar.

Reference: doi.org/10.1146/annurev.ento.43.1.369
doi: 10.1098/rstb.1988.0001
https://doi.org/10.2307/2265693

Sarap mag tsaa.. May konting honey.. Hindi honey na may tsaa.. 😂
20/05/2026

Sarap mag tsaa.. May konting honey.. Hindi honey na may tsaa.. 😂

20/05/2026
18/05/2026

Binigyang-diin sa naganap na pagsasanay na 𝘙𝘦𝘵𝘰𝘰𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘯 𝘉𝘢𝘴𝘪𝘤 𝘉𝘰𝘰𝘬𝘬𝘦𝘦𝘱𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘥 𝘙𝘦𝘤𝘰𝘳𝘥-𝘬𝘦𝘦𝘱𝘪𝘯𝘨 ang kahalagahan ng tamang pagba-budget at pagtatala para sa mga samahan sa Tingloy, Batangas. Sa tulong nito, mas madali na para sa mga miyembro gaya ni Bb. Balbina E. Perez na ma-monitor ang kanilang kita at mabilis na maiulat ang anumang suliranin sa programa para sa agarang aksyon.

WALLOWING Bago tayo mag simula. Mga ka-Agri, galing po ba kayo sa aming Facebook Account MyDay (May 14, 2026)? If yes, l...
14/05/2026

WALLOWING

Bago tayo mag simula. Mga ka-Agri, galing po ba kayo sa aming Facebook Account MyDay (May 14, 2026)? If yes, let us know po. Kung hindi, ayos lang.

WALLOWING di WALO ang WING..

Pamilyar po kaya kayo sa teknikong salitang ito? Ano nga po baa ng wallowing?

Ang behavior o ang aktong ito ay ang paraan ng mga kalabaw upang mapalamig ang temperature ng kanilang katawan sa panahon na naiinitan sila. Sa pamamagitan ng paglublob nito sa putik o tubig na kaya nitong pagtubugan.
Ayon sa pag-aaral ng ilang dalubhasa napag alaman nilang kokonting ang sweat glands ng mga kalabaw kumpara sa mga baka.

Sa kabilang banda kung ito ay laban sa init tuwing araw; ito naman ay proteksyon laban sa mga insekto tuwing gabi.

Nirerekuminda ng mga mansasaliksik na maglagay ng lubluban sa ilalim ng puno o sa malilom na lugar.

PAALAALA: WAG pong ilalagay sa ilalim ng puno ng buko. DELIKADO!

Reference:

Wallowing in Buffalo and summer management. Compiled By: Dr.Champak Bhakat,PS, ERS-NDRI, Kalyan. 3.Summer.Mgmt.Wallowing.Champak Bhakat.pdf. 2020. https://doi.org/10.35543/osf.io/juctz

✒ TMV

Ipil-ipil o Leucaena leucocephalaSilungan sa tag-araw, sumasangga sa malalakas na hangin, nagbibigay buhay sa kapaligira...
13/05/2026

Ipil-ipil o Leucaena leucocephala

Silungan sa tag-araw, sumasangga sa malalakas na hangin, nagbibigay buhay sa kapaligiran. Ang mga dahon ng punong ito ay mataas ang crude protein o CP na syang basehan ng nutrisyon na nakukuha ng ating mga alagang hayop. Ayon kina A.D. Angelis 2021 ang mga punong ito ay nagmula sa pa sa Sentral Amerika ngunit nabubuhay sa mga maiinit na lugar tulad ng Pilipinas. Sinasabing may potential na lumaki at lumago ang mga punong ito mula lima hanggng dalawampung metrong taas. At namumunga ng “pods” na nag lalaman ng 15-30 binhi per pods.

Samantala ang nutrisyong taglay nito ay 23.3% Crude Protein at 19.9% Crude Fiber; ang mga ito ang teknikong salita ginagamit upang malaman ang level ng nutrisyon na maaaring makuha ng ating mga alagang hayop.

Kaya naman mg aka-Agri di lang sila basta puno at di lang nagbibigay lilom sa atin. Masustasya talagang tunay para sa mga alaga nating hayop.

Panandag impormasyon, ayon sa ibang may akda ang mga kahoy mula sa Ipil-ipil at matibay at maaaring gawing bakod o sangkap sa bahay tulad ng upuan at mesa.

De Angelis, A., Gasco, L., Parisi, G., & Danieli, P. P. (2021). A Multipurpose Leguminous Plant for the Mediterranean Countries: Leucaena leucocephala as an Alternative Protein Source: A Review. Animals, 11(8), 2230. https://doi.org/10.3390/ani11082230
Sethi, P., & Kulkarni, P. R. (1995). Leucaena leucocephala a nutrition profile. Food and Nutrition Bulletin, 16(3), 1–16. https://doi.org/10.1177/156482659501600307
https://www.feedipedia.org/node/282

✒ TMV

DRIED TAWILISIsa ang tuyo sa mga pagkaing tradition o mga siauna tuwing umagahan. Malimit bumibili tayo sa bayan o palen...
12/05/2026

DRIED TAWILIS

Isa ang tuyo sa mga pagkaing tradition o mga siauna tuwing umagahan. Malimit bumibili tayo sa bayan o palengke minsan, sobrang alat, misan matabang, pero minsan may tama lang sa alat.. DI ka ga napapaisip ka-agri? What if? Gumawa na lang ako ng akin?

Di ga?

Tamang-tama tag init ngayon magandang magbilad at gumawa ng tuyo. Sa aming pagbabasa at paghahanap sa internet nakakita kami ng isang reference ng pag-gawa nito. Halika, samahan mo kaming aralin ang pagawa ng masarap at maalat na tuyo.

1.) Pumili, bumili, at hugasan ng mabuti ang tawilis at patikisin o patuluin ang excess na tubig.

2.) Mag handa ng 25% Brine solution [1:2 (Asin:Tubig)]. At ibabad ang mga ito nang dalawa hanggang tatlong oras para sa may sukat na lima (5) hanggang pitong (7) pulgada.

3.) Pagkatapos lumipas ng ilang oras muli patikisin o patuluin ang mga isda at hugasan ng malinis na tubig upang maalis ang natirang asin. At patikisin mula.

4.) Ihilera ang mga tawilis sa patuyuan at ibilad sa haring araw hanggang matuyo ng tama. Binabaliktad ang mga isda kada limang oras. Ayon sa may akda malalaman natin kung ayos ang pagkakabilad ng isda kung gagamitin natin ang daliri natin upang pindutin ang pinaka matigas na parte ng isda at di na babakat ang ating daliri dito.

5.) Konti na lang at pwede ng kainin. Pagkatapos ibilad palamigin ng anim na oras at ilagay ang mga pinatuyong tawilis sa isang lugar na lagpasan ang hangin na may bubong. Lagyan ng proteksyon laban sa insekto gamit ang nylon nets o screen mesh.

6.) Maaari nating isilid ang mga tuyo sa kahon o sa mga lalagyan na napili. Ngunit may recommendasyon ang mga may akda kung malakihang produksyon ang target mo.

7.) Itago at ilagay ang mga ito sa lugar na may temperaturang 28 to 30 C hanggang isang lingo o kaya ilagay sa malamig na taguan o kaya sa refrigerator a na may temperaturang 3 hanggng 5 C.

Bago matapos ang post na ito. Anong nasa isip mo sa title picture naming? 😂

Reference: Fishing Processing.ISSN 1656-6831.Livelihood Technology.Series 19.ITDI-DOST

✒ TMV

# elninoseries

Ayon sa isang review article mula China napag-aalaman ng mga sayantipiko na ang micro at nanoplastic ay may epekto sa at...
11/05/2026

Ayon sa isang review article mula China napag-aalaman ng mga sayantipiko na ang micro at nanoplastic ay may epekto sa ating kalusugan.

Ano nga po ba ang mga mirco at nanoplastic? Ang mga ito ay ang maliliit na piraso ng mga plastic na nagmumula sa mga mas malalaking basura.

Ayon sa kanilang napag alaman kapag nakonsumo o nakain ang mga ito nagdudulot ito ng iba’t ibang komplikasyon tulad ng mga sumusunod:

1.) Abnormal na tibok ng puso
2.) Abnormal ng pagdaloy ng dugo
3.) Pagkalason sa puso
4.) Myocardial fibrosis o myocardial calcification (pagbabara ng calcium sa mga ugat)
5.) Thrombosis o mamumuo ng dugo sa ugat
At marami pang kumplikasyon

Ang mga nabanggit ay resulta ng pag-aaral sa iba’t ibang specimen ng mga dalubhasa..

Anong koneksyon sa agrikultura: Lingid sa ating kaalaman na kung madumi sa ating kapaligiran ay maaaring makonsumo ng mga alaga nating hayop at mga isda ang mga micro at nanoplastic na maaaring maipasa sa atin.

At nabanggit ng mga sayantipiko na kokonti pa lang ang pag-aaral nito sa mga tao.

✒️TMV

  mga ka-Agri
10/05/2026

mga ka-Agri

Ilang interbensyon para sa bayan ng Taysan, Batangas mula sa HVCDP Program.. Inasiste ni G. Ianjay Borbon tekniko mula s...
08/05/2026

Ilang interbensyon para sa bayan ng Taysan, Batangas mula sa HVCDP Program..

Inasiste ni G. Ianjay Borbon tekniko mula sa DA APCO Batangas

Address

119 Tanco Drive, Marawouy
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63437025951

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA APCO - Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DA APCO - Batangas:

Share