Sangguniang Kabataan - Barangay Tres

Sangguniang Kabataan - Barangay Tres Sangguniang Kabataan ng Barangay Tres 2023-2026

LOOK:
10/08/2026

LOOK:

CHED TULONG DUNONG SCHOLARSHIP IS NOW OPEN!

Mga kababayan, bukas na po ulit ang aplikasyon para sa CHED Tulong Dunong Scholarship. Mayroon po tayong 1,100 available slots para sa batch na ito.

Priority ang mga aplikanteng:
✅ Lipeño
✅ Kasalukuyang naka-enroll sa kolehiyo (1st year hanggang 5th year)
✅ Walang ibang scholarship grant na tinatanggap
✅ Kabilang sa mga indigent o mababang kita na sambahayan

Ano pa ang hinihintay ninyo? I-scan ang QR code o mag-apply sa pamamagitan ng link sa ibaba:

https://tapp--rsrapp-e3be1.asia-southeast1.hosted.app/scholarship/apply

Huwag palampasin ang pagkakataong ito. Good luck sa inyong aplikasyon at padayon sa pag-aaral!

Keep Safe Everyone!!
08/08/2026

Keep Safe Everyone!!

🚨 MAHALAGANG EMERGENCY HOTLINE NUMBERS PARA SA ATING MGA LIPEÑO!📞

Sa oras ng pangangailangan, mahalagang alam natin kung saan at kanino maaaring humingi ng agarang tulong. Narito ang mga emergency hotline numbers ng iba’t ibang ahensya sa Lipa City na maaari ninyong tawagan.

📌 I-save at i-share ang post na ito upang madaling mahanap at magamit kapag kinakailangan.

Patuloy tayong maging handa, alerto at nagtutulungan para sa kaligtasan ng bawat isa. ❤️





̃o

ANUNSYO LIPEÑOEducational Benefit AssistanceIpinagbibigay alam po ni Mayor Eric B. Africa na magkakaroon ng RENEWAL at N...
28/07/2026

ANUNSYO LIPEÑO

Educational Benefit Assistance

Ipinagbibigay alam po ni Mayor Eric B. Africa na magkakaroon ng RENEWAL at NEW APPLICATION para sa College Scholarship, College Educational Financial Assistance at Senior High School Educational Financial Assistance, sundin lamang po ang sumusunod na schedule.

MGA KINAKAILANGANG DALHIN O REQUIREMENTS:

PARA SA SENIOR HIGH SCHOOL EDUCATIONAL FINANCIAL ASSISTANCE:

1. Certificate of Enrollment
(1st Sem A.Y. 2026-2027 with stamped ENROLLED)
2. Certified True Copy of Grades
(1st to 4th quarter A.Y. 2025-2026)
3. Photocopy of ID
(National ID or Voter’s Certificate with 3 signatures)
KARAGDAGANG REQUIREMENT PARA SA NEW APPLICANT
• BARANGAY RESIDENCY

PARA SA COLLEGE SCHOLARSHIP & COLLEGE EDUCATIONAL FINANCIAL ASSISTANCE:

1. Registration Form
(1st Sem A.Y. 2026-2027 with stamped ENROLLED)
*if enrolled subject are 17 units and below bring copy of curriculum of subjects / program of studies / syllabus
2. Certified True Copy of Grades
(2nd Sem A.Y. 2025-2026)
*for College Scholarship GWA must be 2.5
3. Photocopy of ID
(National ID or Voter’s Certificate with 3 signatures)
KARAGDAGANG REQUIREMENT PARA SA NEW APPLICANT
• BARANGAY RESIDENCY

PAALALA:
• Siguraduhing kumpleto na ang mga nasabing requirements. Hindi tatanggapin ang kulang na requirements.
• Kung hindi makakapunta ang estudyante, magulang lamang ang AUTHORIZED na magproseso ng application.
*Magdala ng authorization letter at photocopy ng Valid ID.
• Hindi benepisyaryo ng iba pang Scholarship o Educational Financial Assistance ng ibang Government Agencies at Private Institutions.
• Walang kapatid na benepisyaryo ng Extended Benefit Assistance. Isa lamang Benepisyaryo kada isang pamlilya.

🎮🔥 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗥𝗘𝗦 𝗘-𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲 – 𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗟𝗘𝗚𝗘𝗡𝗗𝗦: 𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚 🔥🎮ATTENTION MGA ML PLAYERS NG Barangay Tres! 📢Handa na...
04/04/2026

🎮🔥 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗥𝗘𝗦 𝗘-𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲 – 𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗟𝗘𝗚𝗘𝗡𝗗𝗦: 𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚 🔥🎮

ATTENTION MGA ML PLAYERS NG Barangay Tres! 📢

Handa na ba ang inyong 5-man squad? Oras na para ipakita ang inyong skills, teamwork, at strategy!

Inaanyayahan namin ang lahat na sumali sa ating E-Sports League – Mobile Legends: Bang Bang Tournament na gaganapin ngayong:

📅 𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟲, 𝗠𝗼𝗻𝗱𝗮𝘆
⏰ 𝟱:𝟬𝟬 𝗣𝗠 𝗼𝗻𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀

💻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗣𝗹𝗮𝘁𝗳𝗼𝗿𝗺 / 𝗩𝗲𝗻𝘂𝗲: 𝗗𝗶𝘀𝗰𝗼𝗿𝗱
Dito po gaganapin ang tournament upang masubaybayan at makita ng mga organizer ang bawat player at team habang naglalaro.
🔗 Discord Link, click here to join:
https://discord.gg/ydavRfun

📌 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗠𝗔𝗚-𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗘𝗥?
Mag-register lamang sa pamamagitan ng Google Form link na ilalagay sa comment section / post link.
🔗 Register here:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdn8wY0TCniFC832PKXpemFtM5B_Obz6IgB6oXngWm8HRKpdg/viewform

📌 𝗤𝗨𝗔𝗟𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦:
✔ Dapat residente ng Barangay Tres
✔ May National ID
✔ May Voter’s Certificate na naka-address sa Barangay Tres

📣 𝙄𝙈𝙋𝙊𝙍𝙏𝘼𝙉𝙏:
Ang 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 𝗧𝗲𝗮𝗺 ng liga na ito ang siyang magre-represent sa Barangay Tres sa nalalapit na 𝗘𝗕𝗔 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝗳𝗲𝘀𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲. 🏆🔥

Kaya naman ihanda na ang inyong heroes, draft strategy, at best line-up dahil ito na ang pagkakataon para maging opisyal na kinatawan ng ating barangay!

Tag your squad now at mag-register na! 💙
Laro na, Barangay Tres! 🎮✨


𝐒𝐊 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐦𝐚𝐧 𝐍𝐚𝐳 𝐆𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠

🏀 𝗢𝗡𝗘 𝗗𝗔𝗬 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥-𝗖𝗢𝗟𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘 – 𝗚𝗔𝗠𝗘 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗘 𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 🏀Magandang araw po sa lahat ng Basketball Players a...
05/03/2026

🏀 𝗢𝗡𝗘 𝗗𝗔𝗬 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥-𝗖𝗢𝗟𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘 – 𝗚𝗔𝗠𝗘 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗘 𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 🏀

Magandang araw po sa lahat ng Basketball Players at mga taga suporta ng Sports sa ating komunidad Barangay Tres!

Ipinapaalam po namin na ang One Day Inter-Color Basketball League ay magsisimula na ngayong Sabado sa Barangay Sabang Basketball Court.

📅 GAME SCHEDULE:

Saturday
⏰ 8:00 AM – 7:00 PM

Sunday
⏰ 11:00 AM – 3:00 PM

📍 Venue: Barangay Sabang Basketball Court

📌 MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT NG PLAYERS:
Bago magsimula ang inyong laro, siguraduhing dala ang mga sumusunod:

• Printed Copy ng National ID at/o Voter's Registration
• Signed Player's Waiver

Ito ay kinakailangan upang makasali at makapaglaro sa liga.

📊 Narito na rin ang opisyal na bracketing ng bawat division.
(Tingnan ang mga larawan sa ibaba)

📌 Mosquito Division
📌 Midget Division
📌 Junior Division
📌 Senior Division

Inaanyayahan din namin ang lahat na pumunta at suportahan ang ating mga manlalaro. Sama-sama nating gawing masaya, maayos, at ligtas ang ating palaro.

Maraming salamat po at kita-kits sa court! 🔥🏀


𝗦𝗞 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗡𝗮𝘇 𝗚𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴

📣 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗟𝗜𝗡𝗘-𝗨𝗣 🏀Magandang araw po sa lahat ng Basketball Players ng Barangay Tres!Ipinapaalam po namin...
25/02/2026

📣 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗟𝗜𝗡𝗘-𝗨𝗣 🏀

Magandang araw po sa lahat ng Basketball Players ng Barangay Tres!

Ipinapaalam po namin na ang 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗟𝗜𝗡𝗘-𝗨𝗣 para sa 𝙊𝙣𝙚 𝘿𝙖𝙮 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧-𝘾𝙤𝙡𝙤𝙧 𝘽𝙖𝙨𝙠𝙚𝙩𝙗𝙖𝙡𝙡 𝙇𝙚𝙖𝙜𝙪𝙚 ay kompleto na at sarado na ang registration.

Maraming salamat po sa lahat ng Team Captains at Teams na nagpakita ng interes at nagpadala ng kanilang kumpletong line-up sa tamang oras.

📌 PAALALA:
Ang mga team na kabilang sa final line-up lamang ang opisyal na lalahok sa liga.
Ang 𝘴𝘤𝘩𝘦𝘥𝘶𝘭𝘦, 𝘷𝘦𝘯𝘶𝘦, 𝘢𝘵 𝘮𝘦𝘤𝘩𝘢𝘯𝘪𝘤𝘴 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘳𝘰 ay iaanunsyo sa susunod na opisyal na post.

Ang paligang ito ay layong magbigay ng pagkakataon sa bawat manlalaro na maipakita ang kanilang galing, disiplina, at sportsmanship.

Maraming salamat po at magkita-kita tayo sa court! 💪🔥

𝐒𝐊 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐦𝐚𝐧 𝐍𝐚𝐳 𝐆𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠

Address

Poblacion Barangay Tres
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Barangay Tres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share