28/08/2026
❤PASASALAMAT❤
Mula po sa bumubuo ng SANGGUNIANG BARANGAY MALAGONLONG, sa pangunguna ng ating minamahal na Ama ng Barangay, Kapitan Serafio C. Libera, ay taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa patuloy na pagbibigay ng suporta at oportunidad para sa edukasyon ng ating mga kabataan sa pamamagitan ng Presidential Scholarship Program.
Malaking tulong po ang pay-out na ito sa ating mga iskolar at sa kanilang mga pamilya dito sa Lungsod ng Lipa. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa patuloy na suporta nina Executive Secretary Ralph G. Recto, Congressman Ryan Santos Recto, at Mayor Eric Africa sa paggabay at pakikiisa sa mahalagang gawaing ito para sa kinabukasan ng ating mga Lipeñong kabataan.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at suporta sa edukasyon! Mabuhay ang ating mga iskolar! 🎓📚🇵🇭