Barangay Cumba, Lipa City

Barangay Cumba, Lipa City Sangguniang Barangay ng Cumba 2023-2025

LIVE BLOOD ANALYSIS MEDICAL CHECK UP | Sept. 4, 2026Good news ka-barangay!Nais pong ipabatid ng ating butihing Punong Ba...
01/09/2026

LIVE BLOOD ANALYSIS MEDICAL CHECK UP | Sept. 4, 2026

Good news ka-barangay!
Nais pong ipabatid ng ating butihing Punong Barangay Hon. Jovert Reyes at Sangguniang Barangay na tayo po ay muling nakipag ugnayan sa 1st HEALTH LABORATORY upang mabigyan po ng murang Laboratory ang ating mga residdente.

PROMO 250.00 ONLY❗❗

📣 Ibibigay po kaagad ang Resulta.

Makikita na lahat ng mga sumusunod:
Blood Cholesterol
Uric Acid
White Blood Cell
Hypertension
Stress
Bacteria
Blood Sugar
Allergies
Gout
Liver
Infection
Insomia
Hyper Acidity
Kidney Problem
Hepatitis
Ulcer

Pwede Fasting/ Pwede Walang Fasting❗❗

Kukuhanan mismo ng Dugo 📣
FIRST 50 PATIENT ONLY❗

Where: Barangay Hall
When: September 4, 2026 Friday
Time: 8:00am - 12:00nn

Sa mga interesado at gusto makakuha ng SLOT.
Mag palista na po kayo sa ating Barangay Hall o tumawag po sa ating Barangay Hotline Number
0975 697 5586. Maraming salamat po.

2026 BSKE Aspirants’ Orientation | Sept. 2, 2026Alamin. Unawain. Maging handa.Inaanyayahan ang lahat ng BSKE 2026 aspira...
01/09/2026

2026 BSKE Aspirants’ Orientation | Sept. 2, 2026

Alamin. Unawain. Maging handa.

Inaanyayahan ang lahat ng BSKE 2026 aspirants sa isang orientation tungkol sa filing of Certificate of Candidacy at iba pang mahahalagang election guidelines.

OPERATION LINIS | AUGUST 31, 2026Taos-puso pong nagpapasalamat ang ating butihing Punong Barangay Hon. Jovert Reyes, Hon...
31/08/2026

OPERATION LINIS | AUGUST 31, 2026

Taos-puso pong nagpapasalamat ang ating butihing Punong Barangay Hon. Jovert Reyes, Hon. Alejandro Farol Cleanliness, Beautification and Sanitary Committee Chairman at Sangguniang Barangay sa lahat po ng nakiisa sa ating operation linis ngayong araw August 31, 2026.

Dahil sa inyong boluntaryong lakas at pagkakaisa, mas naging ligtas, malinis, at maayos ang ating kapaligiran mula sa mga basura na pwedeng pinagmulan ng sakit.

Ang kalinisan ng ating barangay ay refleksyon ng ating pagtutulungan bilang isang komunidad. Maraming salamat po.

MATAGUMPAY NA ANTI-TIGDAS VACCINATION! 👶Mapagpalang araw po sa ating lahat. Isang malaking tagumpay ang katatapos lamang...
31/08/2026

MATAGUMPAY NA ANTI-TIGDAS VACCINATION! 👶

Mapagpalang araw po sa ating lahat. Isang malaking tagumpay ang katatapos lamang na Measles-Rubella (MR) Supplemental Immunization Activity (SIA) & Vitamin A Supplementation (VAS) sa ating barangay.

Sa pamamagitan ng pagbabakuna laban sa tigdas at pagbibigay ng Vitamin A, mas naseguro natin ang malusog at ligtas na kinabukasan ng mga bata sa ating komunidad.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging kabalikat upang maisakatuparan ang gawaing ito:

🏛️ LGU Lipa headed by Mayor Eric B. Africa sa walang sawang suporta sa mga programang pangkalusugan.

🩺 Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng mga de-kalidad at ligtas na bakuna.

🩻 Sa ating mga masisipag na Nurses, Barangay Health Workers (BHWs), ang katuwang nating masipag na Midwife Mrs. Mavi Rivera, sa ating mga BNS at VAWC Marilyn Panganiban.

🤝 Sa buong Sangguniang Barangay headed by Kap. Jovert Reyes sa pag-alalay at pagtiyak na maayos ang daloy ng aktibidad na ito.

🏠 Sa BODs ng Plantacion Meridienne headed by sir Reinfredo Agsulid Viola sa pagtiyak na maayos at maseserbisyohan ang mga nasa subdivision.

Salamat din sa mga magulang na nakiisa at nagdala ng kanilang mga anak. Ang kalusugan ng ating mga pamilya ay sama-sama nating responsibilidad. Maraming salamat po.

PRESIDENTIAL SCHOLARS PAYOUT | August 28, 2026Mapagpalang araw po sa ating lahat. Nais pong ipabatid ng ating butihing P...
28/08/2026

PRESIDENTIAL SCHOLARS PAYOUT | August 28, 2026

Mapagpalang araw po sa ating lahat. Nais pong ipabatid ng ating butihing Punong Barangay Hon. Jovert Reyes, Hon. Reynaldo Pasahol Education Committee Chairman, at Sangguniang Barangay na matagumpay pong isinagawa ang pamamahagi ng Presidential Scholarship sa ilalim ng programang "Bawat Barangay Makikinabang Program: Presidential Assistance To Barangays Under The Socio-Civic Projects Fund (SCPF)." ngayong araw August 28, 2026 na ginanap sa Lipa City Youth and Cultural Center.

Matatandaan po na nakatanggap po tayo ng Php. 200,000.00 na tulong financial mula sa programa ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang Php. 100,000.00 po dito ay nakalaan para sa Presidential Scholars. 5 4th Year Students. Sila po ay tumanggap ng tig Php. 20,000.00 according sa programa ng Presidential Scholars.

Narito po ang mga pangalan ng mga Students na nakatanggap:
1. Michelle Martinez - STI LIPA
2. Kristine Anne Capistrano - NU LIPA
3. Alexa Mae Salazar - BSU ALANGILAN
4. Ruelyn Angel Laygo - STI LIPA
5. Alliyah Bello - STI LIPA

Hindi po ito naging madali para sa ating Sangguniang Barangay sapagkat marami pong deserving na students kaya para sa patas na pamamaraan. Open for application po ito noon at idinaan na lamang po sa bunotan dahil lahat ng nag apply ay mga qualified.

Nasa event din po ngayong araw ang ating butihing Mayor Eric B. Africa, Cong. Ryan Santos Recto, Sangguniang Panlungsod at ang representative mula sa Office of the Executive Sec. Ralph Recto. Kasama din po ng ating Kapitan Jovert ang ating masipag na Barangay Treasurer Gng. Marivic Garing.

Sa pamamagitan ng programang ito, 5 po sa ating kabataan sa ating komunidad ang nabigyan ng pagkakataong makatapos ng pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.

Malaking tulong ito upang maibsan ang gastusin ng mga magulang sa edukasyon. Isang patunay na ang tulong mula sa nasyonal na pamahalaan ay diretso at nararamdaman ng bawat barangay. Maraming salamat po.

MONTHLY MEETING NG BARANGAY JUSTICE | August 28, 2026Mapagpalang araw po sa ating lahat. Nais pong ipabatid ng ating but...
28/08/2026

MONTHLY MEETING NG BARANGAY JUSTICE | August 28, 2026

Mapagpalang araw po sa ating lahat. Nais pong ipabatid ng ating butihing Punong Barangay Hon. Jovert Reyes at Sangguniang Barangay na matagumpay pong isinagawa ang Monthly Meeting ng Barangay Justice (Lupong Tagapamayapa) ngayong araw.

Naging pangunahing agenda sa pulong na ito ang masusing pagtalakay at pagrepaso sa mga kasong idinudulog sa ating barangay.

Naging panauhin naman po ang ating Kagawad Hon. Michelle Montoya upang mag ulat sa mga kaganapan sa ating barangay.

Patuloy po ang ating lokal na pamahalaan sa pangunguna po ng ating butihing Kapitan Jovert bilang Chairman ng ating Lupong Tagapamayapa sa paggabay at pagbibigay ng patas at mabilis na solusyon sa mga isyu ng bawat pamilya upang mapanatili ang kapayapaan sa ating komunidad.

TRASH 2 CASH PROGRAM | Aug. 25, 2026Katuwang po ng programang ito ang ating butihing Punong Barangay Hon. Jovert Reyes, ...
25/08/2026

TRASH 2 CASH PROGRAM | Aug. 25, 2026

Katuwang po ng programang ito ang ating butihing Punong Barangay Hon. Jovert Reyes, Hon. MARIO GARING JR. Chairman on Environment and Natural Resources Committee at Sangguniang Barangay upang ang kapaligiran natin ay mapanatiling malinis, Mapagkakitaan ang bawat basura at upang supportahan ang magandang programa ng ating butihing Mayor Eric B. Africa katuwang po ang CENRO.

Sa lahat po ng ating mga residente na laging nakikiisa sa programang ito. Maraming salamat po.

TRASH TO CASH SCHEDULE ❗📣📣Nais pong ipabatid ng ating butihing Punong Barangay Hon. Jovert Reyes, Hon. Mario Jr Garing C...
24/08/2026

TRASH TO CASH SCHEDULE ❗📣📣

Nais pong ipabatid ng ating butihing Punong Barangay Hon. Jovert Reyes, Hon. Mario Jr Garing Chairman on Environment and Natural Resources Committee, at Sangguniang Barangay na bukas po August 25, 2026 | 2:00 - 4:00 PM | Brgy. Cumba Gym, ang schedule ng ating Trash 2 Cash.

Maghanda at makibahagi po tayo sa kalinisan ng ating kapaligiran sa ating mga barangay!

Ihanda at dalhin ang recyclable materials gaya ng bote, dyaryo, plastic, clean beverage carton (tetra pack) at iba pa.

Naglinis ka na, Nakatulong ka pa!

Hiring❗ Hiring❗ 📣🤝✨ CUSTOMER SPECIALIST ✨Qualifications: · Bachelor's degree preferred.· Proven experience in a sales su...
24/08/2026

Hiring❗ Hiring❗ 📣🤝

✨ CUSTOMER SPECIALIST ✨

Qualifications:
· Bachelor's degree preferred.
· Proven experience in a sales support role.
· Excellent organizational and communication skills.
· Ability to multitask and prioritize tasks.
· Strong attention to detail.
· Proficiency in Microsoft Office Suite.
· Experience with CRM software is a plus.

✨ STORE CREW ✨

Qualifications:
· Vocational Graduate or Equivalent
· Proven experience in a sales and inventory.
· Excellent communication skills.
· Ability to multitask and prioritize tasks.
· Proficiency in Microsoft Office Suite.
· Experience with Cash Handling is a plus.

📍Area of Deployment:
Plantacion Meridienne Lipa City, Batangas ✨

For inquiries, you can message them to:

🤝 [email protected]
🤝 Contact us: 0953-259-1993
🤝 FB Account: HR Aicom

Ang atin pong butihing Punong Barangay Hon. Jovert Reyes at Sangguniang Barangay ay laging makikipag-ugnayan sa mga ahensyang makapag-bibigay ng opportunidad sa ating komunidad. Maraming salamat po. 🤝✨

NATIONAL IMMUNIZATION | AUGUST 19, 2026Mapagpalang araw po sa ating lahat. Nais pong ipabatid ng ating butihing Punong B...
19/08/2026

NATIONAL IMMUNIZATION | AUGUST 19, 2026

Mapagpalang araw po sa ating lahat. Nais pong ipabatid ng ating butihing Punong Barangay Kap. Jovert Reyes, Hon. Michelle Montoya Health Committee Chairman at Sangguniang Barangay na maayos pong natapos ang national immunization program para sa buwan ng August.

Sa tulong po ng ating masisipag at laging maaasahan na barangay health workers (BHW), barangay nutrition scholar (BNS) at Midwife - Mrs. Mavi Rivera.

Maraming salamat din po sa mga nagpuntang mga magulang. God bless everyone.

Address

Purok Molave
Lipa City

Telephone

+437265561

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Cumba, Lipa City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share