AGAP Partylist

Call Directions Website Contact the organization

AGAP Partylist Boses ng Magsasaka, KaAGAPay ng Kooperatiba ❤️ The organization was established in 2003 in order to protect and promote the welfare of the farmers.

Since then it has been actively pursuing all endeavors that would benefit the entire agricultural industry nationwide. AGAP is actively coordinating with different government agencies such as the Department of Agriculture, Department of Finance, Bureau of Customs, Tariff Commission, Presidential Anti-smuggling Task Force and the Office of President on issues that are affecting the agricultural industry.

Kung hindi mapipigilan ang sobrang importasyon, sino ang talo?Hindi lang ang lokal na magbababoy. Pati ang pamilyang Pil...
07/10/2026

Kung hindi mapipigilan ang sobrang importasyon, sino ang talo?
Hindi lang ang lokal na magbababoy. Pati ang pamilyang Pilipino at ang kinabukasan ng ating lokal na produksyon ng pagkain.
Patuloy ang pagdami ng imported na frozen pork habang nahihirapang makipagsabayan ang ating mga magbababoy.
Kaya nananawagan ang AGAP Partylist na gamitin ang mga mekanismong nakasaad sa batas upang maprotektahan ang lokal na industriya, at higpitan ang inspeksyon sa imported na karne.
Habang hinihintay ang aksyon, may magagawa tayo bilang mamimili:
🇵🇭 Piliin ang lokal.
🥩 Hanapin ang tatak ng NMIS.
🐷 Piliin ang bagong katay.
Kapag lokal ang pinili natin, lokal na kabuhayan ang sinusuportahan natin.
I-share para mas marami ang makaalam.

Anim na buwan hanggang isang taon ng pag-aalaga. Ang kapalit? Lugi na Php 5,000 kada baboy.Ito ang katotohanan ng ating ...
05/10/2026

Anim na buwan hanggang isang taon ng pag-aalaga. Ang kapalit? Lugi na Php 5,000 kada baboy.

Ito ang katotohanan ng ating mga magbababoy ngayon. Nasa Php 130–140 kada kilo lang ang farm gate price, samantalang Php 180–190 ang gastos sa produksyon. Php 50 ang lugi sa bawat kilo.

Sa buong sektor, Php 250 milyon ang nawawala kada araw. Kapag walang aksyon, Php 22.5 bilyon sa loob ng 90 araw.

"Sa ganitong sitwasyon, may matitira pa kayang magbababoy?" — Cong. Nicanor Briones, AGAP Partylist

Panawagan ng AGAP: ibalik ang taripa sa imported na karneng baboy sa 30% in-quota at 40% out-quota. Ngayon na, hindi sa 2027.

I-share kung naniniwala kang dapat protektahan ang magbababoy na Pilipino.

04/10/2026

₱5,000 ang lugi sa bawat baboy na ibinebenta ng lokal na magbababoy ngayon.

₱140 kada kilo ang farmgate price sa Batangas. ₱180–₱190 ang puhunan. Mahigit isang taon na itong tinitiis ng ating mga magbababoy, habang tuloy-tuloy ang pasok ng imported pork.

Kapag nagsara sila, hindi lang sila ang talo. Mawawala ang sariwang baboy sa palengke, at aasa na lang tayo sa frozen na hindi natin alam kung saan galing.

Kaya nananawagan si AGAP Party-list Rep. Nicanor "Nikki" Briones: itaas na ang taripa sa imported pork ngayon, hindi sa Enero. Bawat araw ng paghihintay, tinatayang ₱250 milyon ang nawawala sa lokal na industriya.

Para sa lokal. Para sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino.

₱250 MILYON ang nalulugi sa ating mga magbababoy ARAW-ARAW.Paano ito nakuwenta:• Benta sa farm gate: ₱130–140 kada kilo•...
03/10/2026

₱250 MILYON ang nalulugi sa ating mga magbababoy ARAW-ARAW.
Paano ito nakuwenta:
• Benta sa farm gate: ₱130–140 kada kilo
• Gastos sa pag-aalaga: ₱180–190 kada kilo
• Lugi: ₱50 kada kilo, o humigit-kumulang ₱5,000 kada baboy
• Konsumo ng bansa: 4 milyong kilo kada araw, o 50,000 baboy
• 50,000 baboy × ₱5,000 = ₱250 milyon kada araw
• ₱250 milyon × 90 araw = ₱22.5 bilyon pa ang mawawala hanggang Disyembre
Ang 7 mungkahi ng AGAP Partylist sa Department of Agriculture:
1. Itaas ang taripa sa imported pork: mula 15% at 25%, gawing 30% at 40%
2. Parehong patakaran sa imported at lokal: shipping permit at ASF testing
3. Ayusin ang taripa ng pork jowls: mula 10%, gawing 25%
4. I-publish ang transaction values ng imported pork at i-update ang reference values
5. Limitahan ang MDM import permits sa meat processors lamang
6. Ilagay sa red lane ang imported offals, fats, at skin kontra technical smuggling
7. Ipatupad ang Section 8 ng RA 8800 para mabawasan o mapigil ang pagdating ng imported na karneng baboy ngayong 4th quarter.
Umaasa kami sa agarang aksyon ng DA at ng Pangulo.

02/10/2026

Bawat buwan na naghihintay, may local na babuyang nagsasara.

Simple lang ang hinihingi ng ating hog raisers: taasan na ngayon ang tariff o buwis sa imported na baboy.

Bakit? Kasi habang mas mura ang imported pork, mas nahihirapang kumita at makipagsabayan ang mga lokal na nag-aalaga ng baboy.

Paparating pa ang El Niño. Posibleng tumaas ang gastos sa feeds, kaya mas mabigat na naman para sa ating hog raisers.

At hindi lang sila ang apektado. Damay ang mga nagtatanim ng mais at iba pang ginagamit sa feeds, pati mga gumagawa ng feeds, gamot para sa hayop, at mga naghahatid nito.

Kaya kasama ng mga lokal na magsasaka at livestock raisers ang AGAP sa panawagan para sa agarang aksyon.

Ikaw, sang-ayon ka bang kailangan nang kumilos ngayon? 👇

02/10/2026

Magandang hakbang ito para sa ating local hog raisers.

Nakipagpulong ang Department of Agriculture sa mga lider ng pork industry para pag-usapan ang proposed increase sa tariff ng imported pork.

Bakit importante ito kahit hindi ka nag-aalaga ng baboy?
Kapag masyadong maraming murang imported pork ang pumapasok, nahihirapang makipagsabayan ang ating local hog raisers. Kapag hindi na sustainable ang kabuhayan nila, pati ang kakayahan nating magkaroon ng sariling local supply ay naaapektuhan.

Patuloy na isinusulong ng AGAP ang suporta at proteksyon para sa ating lokal na agrikultura.

02/10/2026

Panoorin: Hiling ng mga lokal na magbababoy na bawasan ang inaangkat na karne at taasan ang taripa para makasabay sila sa presyo ng imported, ayon sa ulat ng GMA News 24 Oras.

Kasama nila ang AGAP Party-list sa panawagang ito. Ang malakas na lokal na agrikultura ay seguridad sa pagkain ng bawat pamilyang Pilipino.

🎥 GMA News | 24 Oras

AGAP Price Watch as of September 30, 2026.Tignan ng maigi ang presyo ng mga agricultural products sa iba't ibang mga pal...
30/09/2026

AGAP Price Watch as of September 30, 2026.
Tignan ng maigi ang presyo ng mga agricultural products sa iba't ibang mga palengke sa NCR. Ang AGAP Bantay Presyo ay nagsisilbing guide para makumpara ang mga presyo ng bilihin at mapaghandaan ang budget ng pamilya sa mga susunod na pamamalengke.


Address

Lipa City

Telephone

+63433120249

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AGAP Partylist posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to AGAP Partylist:

Shortcuts

Share