18/06/2025
ANUNSYO PUBLIKO : Mula sa Tanggapan ni Mayor Eric B. Africa, Lipa Foundation Executive Committee at Lipa City PIO
Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Lipa sa pangunguna ni Mayor Eric B. Africa ang bawat mamamayang lipeño na makiisa sa isasagawang LIPA CITYWIDE CLEAN UP DRIVE kaugnay ng pagdiriwang ng 78th Lipa Cityhood at 420th Founding Anniversary ng ating lungsod sa Biyernes, Hunyo 20, 2025 ganap na 6:00 ng umaga.
Ito ay sabayang paglilinis sa 72 barangay ng Lungsod ng Lipa bilang bahagi ng Foundation Celebration ngayong taon at bilang paghahanda na rin sa nalalapit na panahon ng tag-ulan.
LIPA CITY WIDE CLEAN-UP DRIVE | June 20, 2025
Mapagpalang araw po sa ating lahat. Ang lahat po ay inaanyayahan ng ating ginagalang na butihing Punong Barangay Kap. Jovert Reyes, SK Chairman Hon. Prince Charles Patulot, Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan na makilahok sa gaganaping LIPA CITY WIDE CLEAN-UP DRIVE sa June 20, 2025 araw ng biyernes, 6:00am to 9:00am sa ating barangay roads.
Kami po ay umaasang ang lahat po ay makikiisa sa activities ng ating butihing Mayor Eric B. Africa bilang celebrasyon ng 78th Lipa Cityhood, 420th Lipa Founding Anniversary.
Kita kits po tayo mga kabarangay. Ang inyong presensya ay mahalaga po sa amin. Maraming salamat po and God bless us all.