Lipa City Health Office- Health Education and Promotion

Lipa City Health Office- Health Education and Promotion Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Lipa City Health Office- Health Education and Promotion, Government Organization, Lipa City.

๐ŸŒฑ ๐—ž๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ง๐—”, ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—”๐—•๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—”๐—•๐—”๐—ฌ!๐Ÿ“š Ngayong Setyembre 7, 2026, nagtipon ang mga mag-aaral mula Gr...
07/09/2026

๐ŸŒฑ ๐—ž๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ง๐—”, ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—”๐—•๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—”๐—•๐—”๐—ฌ!

๐Ÿ“š Ngayong Setyembre 7, 2026, nagtipon ang mga mag-aaral mula Grade 9 at 10 ng Bolbok Integrated National High School para sa mahahalagang talakayan tungkol sa pag-iwas sa maagang pagbubuntis, pag-iwas sa pag-abuso sa mga ipinagbabawal na gamot at iba pang nakalululong na sangkap, kalusugang pangkaisipan at wastong pamamahala ng stress na pinangunahan ng Lipa City Health Office. ๐Ÿฉบ๐Ÿง 

Sa sapat na kaalaman at tamang pagpapasya, ang mga Lipeรฑong kabataan ay mas handang protektahan ang kanilang mga sarili at abutin ang kani-kanilang mga pangarap. โœจ






07/09/2026
07/09/2026

๐๐„๐–๐’ | ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฆ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ ๐—ผ๐—ป ๐—จ๐—ป๐˜„๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—”๐—ฑ๐—ผ๐—น๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐˜† ๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ผ๐—น๐—ฏ๐—ผ๐—ธ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜€

Bolbok Integrated National High School conducted an Adolescent Pregnancy Prevention Lecture at the school gymnasium for Bolbokenian learners on September 7, 2026, to educate students and strengthen awareness of adolescent pregnancy prevention through informed and responsible decision-making.

The program began with Eduviges Lalusin, Head Teacher I in Araling Panlipunan, who delivered the opening remarks.

She welcomed the students, teachers, and parents while emphasizing the importance of the activity in promoting awareness and responsible decision-making among adolescents.

During the seminar, guest speakers, including Dr. Marian Jelica R. Maralit, Ms. Melody S. Matatac, and Sir Royce Clarck B. Manalo, discussed the importance of proper knowledge and guidance during adolescence.

The seminar also highlighted the importance of mental health awareness among the youth.

It focused on studentsโ€™ emotional well-being, encouraging them to understand and express their feelings and reminding them that seeking help and guidance is an important part of caring for their mental health.

The sessions aimed to educate students about adolescent pregnancy prevention and mental health awareness.

The discussions also addressed the importance of seeking appropriate support for students who may have difficulty expressing their concerns.

The activity aimed to provide learners with relevant information on adolescent pregnancy and mental health while encouraging them to make informed and responsible decisions.

Students were encouraged to apply the information discussed during the seminar, seek guidance from trusted adults or school personnel when necessary, and make informed decisions regarding their health and well-being.

โœ: SPJ-9
๐Ÿ–ผ: Manuel Gonzales
๐Ÿ“ธ: Lovely Mendoza, Thravis Lina



05/09/2026
05/09/2026

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng Ligtas Tigdas Campaign!

Ang Ligtas Tigdas ay tagumpay ng bawat isa. Bawat bakuna, bawat impormasyong naibahagi, at bawat batang naprotektahan ay bunga ng ating sama-samang pagkilos at malasakit.

Sa pagtatapos ng kampanyang ito, ipagpatuloy natin ang ating sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang kalusugan ng bawat bata sa CaLaBaRZon.

Maraming salamat, mga Bida sa Ligtas Tigdas!

Para sa bawat bata. Para sa bawat pamilya. Para sa mas ligtas at mas malusog na Pilipinas.





Regional Director Adriano Suba-an
Assistant Regional Director Rosa Maria Balisnomo-Rempillo

Taon-taon, libo-libong bata ang naoobserbahang may iba't ibang uri ng kanser, tulad ng leukemia at brain tumor. Ang maag...
05/09/2026

Taon-taon, libo-libong bata ang naoobserbahang may iba't ibang uri ng kanser, tulad ng leukemia at brain tumor. Ang maagang pagtukoy sa mga sintomas nito ay may malaking papel sa matagumpay na paggaling.

Magmatyag sa mga warning signs tulad ng paulit-ulit o hindi maipaliwanag na lagnat, mabilis na pagkakaroon ng pasa, pamamaga o bukol sa katawan, at biglaang pagbagsak ng timbang. Ipa-konsulta agad ang bata sa pinakamalapit na health center o doktor.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga benepisyo at tulong para sa kanser, i-scan ang QR code o bisitahin ang linktr.ee/DOHCancerSupport.




DOH: ANG PAKIKINIG AY PARAAN PARA MAIPAKITA ANG SUPORTA SA MENTAL HEALTHAng pag-alam sa mga senyales at pakikinig ay mga...
05/09/2026

DOH: ANG PAKIKINIG AY PARAAN PARA MAIPAKITA ANG SUPORTA SA MENTAL HEALTH

Ang pag-alam sa mga senyales at pakikinig ay mga simpleng aksyon na maaaring makapagligtas ng buhay.

Kung nakikita mong may nagbabago sa kilos ng iyong kaklase o kaibigan, o kung ikaw mismo ay kailangan ng tulong o kausap, huwag mag-atubiling humingi ng suporta.

Tumawag sa NCMH Crisis Hotline: โ˜Ž๏ธ 1553 (Nationwide Landline Toll-Free) ๐Ÿ“ฑ 0917-899-USAP (8727) | 0919-057-1553.

Maaari rin lumapit sa pinakamalapit na mental health counselor at peer support group sa inyong komunidad, paaralan, o trabaho.



๐Ÿฆ ๐ŸŒง๏ธ ๐“๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง, ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐‹๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‹๐ž๐ฉ๐ญ๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ! Isinagawa ang Leptospirosis Lectures at pamamahagi ng Informatio...
02/09/2026

๐Ÿฆ ๐ŸŒง๏ธ ๐“๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง, ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐‹๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‹๐ž๐ฉ๐ญ๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ!

Isinagawa ang Leptospirosis Lectures at pamamahagi ng Information, Education and Communication (IEC) materials sa mga barangay ng Anilao, Bulacnin, at Muntingpulo noong Agosto 28, 2026.

Layunin ng aktibidad na dagdagan ang kaalaman ng ating mga kabarangay tungkol sa leptospirosis, mga paraan ng pag-iwas, at mga hakbang upang maprotektahan ang sarili at pamilya, lalo na sa panahon ng pagbaha at pagkakalantad sa maruming tubig. ๐Ÿค

Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at maagap na pagkilos, sama-sama nating mapipigilan ang pagkalat ng leptospirosis at mapangangalagaan ang kalusugan ng ating komunidad. โค๏ธ

Alamin. Mag-ingat. Umiwas sa leptospirosis. ๐Ÿ’ช




โค๏ธ๐Ÿ’‰ ๐Œ๐‘ ๐’๐ˆ๐€ ๐•๐€๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐–๐„๐„๐Š ๐Ÿ & ๐Ÿ‘ ๐‘๐„๐‚๐€๐Patuloy ang ating pagkilos para sa isang Ligtas Tigdas at malusog na Lipa! ๐ŸซถSa Wee...
02/09/2026

โค๏ธ๐Ÿ’‰ ๐Œ๐‘ ๐’๐ˆ๐€ ๐•๐€๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐–๐„๐„๐Š ๐Ÿ & ๐Ÿ‘ ๐‘๐„๐‚๐€๐

Patuloy ang ating pagkilos para sa isang Ligtas Tigdas at malusog na Lipa! ๐Ÿซถ

Sa Week 2 at Week 3 ng MR SIA VAS 2026, isinagawa ang mga Bakuna Sunday at mga aktibidad sa ibaโ€™t ibang vaccination sites at Barangay Health Centers, kung saan nabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa tigdas at rubella ang ating mga batang kabilang sa target na edad. ๐Ÿ‘ง๐Ÿ‘ฆ

Bukod sa bakunahan, nagkaroon din ng Measles Lecture na pinangunahan ni Dr. Joy Morcilla Perez, infectious pediatrician, na nagbigay ng mahahalagang kaalaman tungkol sa tigdas, kahalagahan ng pagbabakuna, at kung paano natin mapoprotektahan ang ating mga anak at komunidad. ๐Ÿฉบ

Taos-pusong pasasalamat sa Lipa City Hospital System II sa kanilang mahalagang suporta at pakikiisa sa MR SIA VAS 2026. Maraming salamat din sa lahat ng ating health workers, vaccinators, barangay health workers, volunteers, at mga magulang at tagapag-alaga na patuloy na nakikiisa sa kampanyang ito. โค๏ธ

Sama-sama nating tiyakin na bawat bata ay ligtas, protektado, at bakunado! ๐Ÿ’‰โœจ

๐Ÿฉธ LIGTAS TIGDAS, LIGTAS BATA, LIGTAS LIPA!





Address

Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lipa City Health Office- Health Education and Promotion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share