17/03/2021
PAGPAPANATILI AT PAGPAPALAKAS NG LABAN SA COVID-19, PAGTITIBAYIN
Upang ating mapagtibay ang ating Lungsod laban sa pandemyang ating kinahaharap, muli po nating pinapaalala ang mga panuntunan ng ating Lokal na Pamahalaan
1. Patuloy pa din ang ating curfew na 10:00 PM - 5:00 AM maliban sa mga exempted base sa IATF Guidelines
2. Ipinapaalam po sa lahat na hindi pa rin pwedeng lumabas ang mga batang mababa sa 14 taong gulang at sa taong edad 65 taong gulang pataas.
3. Hindi pa rin po pinapayagan ang mga Non-Essential Gathering.
4. Ang mga Public Utility Vehicles dapat ay 50% capacity ng mga pasahero ganun din ang ating mga tricycle. Dapat meron din mga maayos na plastic barriers ang mga ito.
5. Ang mga restaurants, coffee shops, malls, salon, supermarkets, at iba pang business establishments kasama ang mga pampublikong lugar kasamapalengke, simbahan, government agencies at mga nasa kalsada ay dapat sumunod sa safety & health protocols kagaya ng:
* Tamang pagsusuot ng Face Mask
* Face Shield
* Handwashing and Sanitizing
* Social and Physical Distancing
* Ang pagtanggap ng 50% capacity ng kanilang establishment
6. Ang sinumang mahuli na hindi sumusunod sa nasabing alituntunin ay pwedeng parusahan at pagmultahin.
7. Ang pagpapatibay ng ating laban sa COVID-19 ay maisasakatuparan ni Mayor Eric, sa tulong ng ating ABC, PNP, DILG, mga kawani ng gobyerno at higit sa lahat sa tulong at kooperasyon NINYO, mga minamahal na LIPENO.
SOURCE: Mayor Eric Africa