05/08/2026
ABISO MULA SA DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 S. 2026, ipinaaalam sa publiko na suspendido ang operasyon ng DAR Central Office at ng mga DAR Regional at Provincial Offices na matatagpuan sa mga lugar na saklaw ng nasabing Memorandum Circular ngayong Huwebes, Agosto 6, 2026.
Dahil dito, pansamantalang hindi magkakaroon ng serbisyo ang mga tanggapan ng DAR sa mga sumusunod na lugar:
• National Capital Region (NCR)
• Ilocos Sur
• La Union
• Benguet
• Pangasinan
• Abra
• Zambales
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Ilocos Norte
• Apayao
• Nueva Vizcaya
• Tarlac
• Nueva Ecija
• Bataan
• Pampanga
• Bulacan
• Rizal
• Cavite
• Batangas
• Laguna
• Occidental Mindoro
Ang mga transaksyon sa mga apektadong tanggapan ay ipagpapatuloy sa susunod na regular na araw ng trabaho.
Pinapayuhan ang publiko na ipagpaliban muna ang kanilang pagpunta sa mga nabanggit na tanggapan at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Department of Agrarian Reform.