Barangay. Tipacan, Lipa City

Barangay. Tipacan, Lipa City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay. Tipacan, Lipa City, Government Organization, Purok 3 Brgy. Tipacan, Lipa City.

Sa isang makabuluhan at makasaysayang pagkakataon, isinagawa ang panunumpa sa tungkulin ni G. Justine Lasat Quinto bilan...
13/08/2026

Sa isang makabuluhan at makasaysayang pagkakataon, isinagawa ang panunumpa sa tungkulin ni G. Justine Lasat Quinto bilang bagong Konsehal ng Barangay Tipacan, Lipa City, bilang kapalit ng kanyang yumaong kapatid na si Konsehal Robert Lasat Quinto.
Bitbit ni Konsehal Justine ang isang mahalagang responsibilidad—ang ipagpatuloy ang mga hindi matatawarang nasimulan, mga adhikain, at taos-pusong paglilingkod ng kanyang kapatid para sa buong Barangay Tipacan.

Nawa’y maging inspirasyon ang iniwang halimbawa ni Konsehal Robert upang patuloy na maibigay ang serbisyo, malasakit, at pagtulong na tunay na kailangan ng bawat mamamayan.

Isang bagong yugto ng paglilingkod, ngunit iisang layunin—ang patuloy na pag-unlad at kapakanan ng buong Barangay Tipacan.

Mabuhay ang Barangay Tipacan! Mabuhay ang serbisyong tapat at may malasakit! 🇵🇭🧡


♻️📢ANUNSYO SA MGA RESIDENTE NG BRGY. TIPACAN, LIPA CITY 📢♻️Makilahok sa ating TRASH TO CASH program at gawing kapaki-pak...
12/08/2026

♻️📢ANUNSYO SA MGA RESIDENTE NG BRGY. TIPACAN, LIPA CITY 📢♻️

Makilahok sa ating TRASH TO CASH program at gawing kapaki-pakinabang ang mga recyclable na basura! 🌱💰

🗓 Petsa: August 17, 2026
⏰ Oras: 1:30 PM – 3:30 PM
📍Lugar: Tipacan Covered Court

🌿Magtulungan tayo para sa mas malinis, mas maayos, at mas luntiang Tipacan!

♻️🌍

FYI 📢UPLIFT AYUDA: MAHALAGANG PAALALA SA MGA KA-BARANGAY 📢Wala ka ba sa listahan ng mga mabibigyan ng UPLIFT ayuda?p poA...
06/08/2026

FYI 📢UPLIFT AYUDA: MAHALAGANG PAALALA SA MGA KA-BARANGAY 📢

Wala ka ba sa listahan ng mga mabibigyan ng UPLIFT ayuda?p po

Ayon sa DSWD, hindi galing sa DSWD ang listahan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT.

🔹 Galing sa PSA ang listahan Ang listahan ng mga tatanggap ng UPLIFT Cash Assistance para sa Group 2 at 3 ay mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at nakabatay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS).

🔹 Tungkulin ng DSWD Ang DSWD ay nagka-cross-match lamang ng listahang ibinigay ng PSA upang matiyak ang tamang implementasyon ng tulong-pinansyal.

❌ Walang kapangyarihan ang DSWD na magdagdag o mag-alis ng pangalan sa listahan ng mga benepisyaryo.

🔹 Walang pakikialam ang mga politiko o LGU Walang naging pakikialam ang sinumang politiko, opisyal, o Local Government Unit (LGU) sa pagpili ng mga benepisyaryo. Layunin nitong mapanatiling patas, transparent, at nakabatay sa opisyal na datos ang proseso.

📌 PAALALA: Kung wala ang inyong pangalan sa listahan, hindi ito desisyon ng DSWD o ng inyong LGU. Ang batayan ay ang opisyal na datos mula sa PSA sa ilalim ng 2024 CBMS.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa. 🤝

Ccto

Huling araw ng pamamahagi ng bigas. Lubos po ang aming ligaya na nadarama hindi dahil tapos na ang hirap mag buhat at ma...
02/08/2026

Huling araw ng pamamahagi ng bigas. Lubos po ang aming ligaya na nadarama hindi dahil tapos na ang hirap mag buhat at mag baba ng bigas sa jeep kundi dahil kami po ay nakapag hatid sainyo ng tulong at higit sa lahat ay nakapag hatid ng ngiti sainyong mga labi.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay na pamamahagi ng bigas sa bawat household ng Barangay Tipacan, mula Purok 1 hanggang Purok 4B.

Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga naghakot, nag-ayos, at naglaan ng oras at lakas upang maging maayos at mabilis ang distribusyon. Dahil sa inyong pagtutulungan at malasakit, matagumpay nating naihatid ang tulong sa bawat pamilya.

Ang inyong serbisyo at dedikasyon ay tunay na inspirasyon sa ating komunidad. Maraming salamat po sa inyong lahat. Sama-sama nating ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan para sa mas maunlad at mas matatag na Barangay Tipacan. 🧡🇵🇭

Maganda ang umaga ngayong ikalawang araw ng pamimigay ng bigas sa Purok 2, sa pangunguna pa rin ni Kapitan Lorenz Neil Q...
01/08/2026

Maganda ang umaga ngayong ikalawang araw ng pamimigay ng bigas sa Purok 2, sa pangunguna pa rin ni Kapitan Lorenz Neil Q. Rumal, ay matagumpay na naipamahagi ang bigas sa mga benepisyaryo.

Magpapatuloy ang distribusyon hanggang matapos ang lahat ng purok upang masigurong bawat household sa Barangay Tipacan ay mabibigyan.

Bilang pagpapahalaga sa oras ng ating mga mamamayan, pinili nating gawing direkta at maayos ang pamamahagi, nang wala nang mahahabang programa o talumpati, upang mas mabilis na maihatid ang serbisyo sa bawat pamilya.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon. Tuloy-tuloy ang tapat at maayos na paglilingkod para sa bawat taga-Barangay Tipacan.

Sa patuloy na layunin na makatulong sa bawat pamilya, matagumpay na naipamahagi ang 10 kilong bigas sa lahat ng househol...
31/07/2026

Sa patuloy na layunin na makatulong sa bawat pamilya, matagumpay na naipamahagi ang 10 kilong bigas sa lahat ng household ng ating barangay at inuna po ang sa Purok 1 at Purok 4A, sa pangunguna ni Kapitan Lorenz Neil Q. Rumal.

Umasa po kayo na lahat ng household dito sa ating barangay ay mabibigyan ng bigas.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging maayos at matagumpay ang pamamahagi. Patuloy po nating isusulong ang mga programang may malasakit at tunay na pakinabang para sa bawat residente ng ating barangay.

📢 ANUNSYO SA MGA RESIDENTE 📢Magkakaroon po ng pamamahagi ng bigas mula sa pondo ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Lor...
30/07/2026

📢 ANUNSYO SA MGA RESIDENTE 📢

Magkakaroon po ng pamamahagi ng bigas mula sa pondo ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Lorenz Neil Q. Rumal.

📅 Petsa: July 31, 2026 (Biyernes)

Purok 1 – 6:30 AM
Venue: BRIA HOMES SUBDIVISION

Purok 4A – 7:30 AM
Venue: BUMATINA SUBD -(URBAN CHAPEL)

📆Petsa: August 1, 2026
(Sabado)

Purok 2- 7:30 AM
Venue: San Roque Chapel

📆Petsa: August 2, 2026
(Linggo)

Purok 3 - 7:00 AM
Venue: Lorenzo B. Katigbak Children’s Playground and Fitness Park (St. Joseph Chapel-Centro)

Purok 4B - 8:30 AM
Venue: Valencia’s Residence
(Beside Kon. Ronie’s house)

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ating barangay na makatulong at makapaghatid ng suporta sa mga pamilyang nangangailangan.

Inaanyayahan po ang mga benepisyaryo na dumating sa itinakdang oras at magdala ng kinakailangang pagkakakilanlan kung kinakailangan.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta sa mga programa ng ating barangay.


MGA KABARANGAY, MAKIKIBASA PO PARA SA ANUNSYONG ITO.📣 Socio Civic Projects Fund of the President  BARANGAY SCHOLARSHIP P...
08/05/2026

MGA KABARANGAY, MAKIKIBASA PO PARA SA ANUNSYONG ITO.
📣 Socio Civic Projects Fund of the President
BARANGAY SCHOLARSHIP PROGRAM (₱100,000 Allocation)

Ipinababatid po ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Punong Barangay LORENZ NEIL Q. RUMAL na may nakalaang Limang (5) kwalipikadong benepisyaryo na incoming 4th year college mula sa ating barangay na tatanggap ng ₱20,000.00 bawat isa 💰

📌 CRITERIA:
✔️ Incoming 4th Year College Student para sa SY 2026–2027
✔️ Mula sa vulnerable households
✔️ At risk of dropping out
✔️ Mula sa pamilyang walang nakapagtapos ng kolehiyo
✔️Wala pang natatanggap na anumang scholarship o educational assistance sa anumang ahensya ng gobyerno.

📑 REQUIREMENTS:
📝 Buong Pangalan ng Estudyante
📝 Remarks
📝 Petsa ng Kapanganakan
📝 Tirahan (Address)
📝 Paaralan
📝 Kurso
📝 Graduating Student ba ngayong darating na taon? (Yes/No)
📝 Facebook Profile Name

📥 Isumite ang inyong aplikasyon sa Barangay Hall simula Lunes.
📅 Deadline ng Pagpapasa: MAY 13, 2026 (Miyerkules)

📍NOTE: Para patas ang ating pag pili at walang kinikilingan ay ililista po lahat ng pangalan ng incoming 4th year students. Lahat po sila ay bubunot, sa papel po ay mag limang swerte na makakabunot ng nakasulat na“CONGRATULATIONS” at “SORRY” naman po sa mga hindi papaladin na makakuha ng scholarship.

Gusto po namin sana lahat ay mapili kaso lamang po ay lima lang ang ibinigay na slot ng ating mahal na Pangulong Marcos ❤️

MARAMING SALAMAT PO!
❤️BrgyTipacan

A night of elegance, wisdom, and timeless beauty. 👑 Celebrating our queens of grace- Gandang Lola 2026 Coronation Night!...
29/04/2026

A night of elegance, wisdom, and timeless beauty. 👑 Celebrating our queens of grace- Gandang Lola 2026 Coronation Night!



-Fiesta Committee 🧡

Bingo night = success! 🎉 Full of fun, prizes, and happy faces! From ‘B-1’ to big wins—thank you everyone for making our ...
28/04/2026

Bingo night = success! 🎉 Full of fun, prizes, and happy faces! From ‘B-1’ to big wins—thank you everyone for making our bingo event unforgettable!

-FIESTA COMMITTEE 🧡

Address

Purok 3 Brgy. Tipacan
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay. Tipacan, Lipa City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share