23/08/2026
๐ข MAHALAGANG ABISO
Ipinababatid po sa lahat na ang Barangay Basketball Court ay pansamantalang isasara mula Agosto 24, 2026 (Lunes) hanggang Agosto 29, 2026 (Sabado) upang bigyang-daan ang paghahanda para sa 2026 Barangay at SK Cup Basketball League.
Sa panahong ito ay isasagawa ang paglilinis, pag-aayos, at paghahanda ng court upang maging maayos at ligtas ang venue para sa nalalapit na liga.
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa habang isinasagawa ang mga kinakailangang paghahanda.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon at suporta. Sama-sama nating gawing matagumpay ang 2026 Barangay and SK Cup Basketball League! ๐