TESDA Region IV-A

Call Directions Website Contact the organization

TESDA Region IV-A This is the official page of TESDA Region IV-A (CALABARZON). This page is intended only for clients seeking information.

TESDA Region IV-A sets standards and direction for projects geared towards yielding the highest impact and comprehensive technical education and skills development and certification systems. TESDA Region IV-A serves clients in various areas, industry sectors, and institutions from Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon. We continually improve our systems and process through adding service value to our clients through strategized and efficient service. The page has no space intended for expressing opinions, promoting political personalities, and bullying.

09/10/2026
09/10/2026
Isinagawa ng TESDA Cavite ang 2026 Cavite CTEC Congress na may temang “Empowering Local Communities Through Stronger Com...
08/10/2026

Isinagawa ng TESDA Cavite ang 2026 Cavite CTEC Congress na may temang “Empowering Local Communities Through Stronger Community Training and Employment Coordination (CTEC)” sa Provincial Capitol, Trece Martires City.

Tinalakay ni Mr. Wendell P. Lalong-Isip, TESD II Specialist ng TESDA IV-A Regional Office, ang CTEC and the Future of Local TVET Governance at Train LOKAL – Bringing TVET Opportunities Closer to Communities, na nakatuon sa pagpapalakas ng local TVET governance at pagpapalapit ng training opportunities sa mga komunidad.

Ibinahagi naman ni Ms. Anngel Riz Venneze Balleta, Information Technology Officer I, ang Industry-Driven TVET – Matching Local Skills with Employment Opportunities, na tumalakay sa pagtutugma ng skills development sa pangangailangan ng lokal na industriya at employment opportunities.

Samantala, pinangunahan ni Mr. Roehel Ramon Gurango, Executive Secretary ng National ICT Confederation of the Philippines (NICP), ang session na Digital Transformation and AI for Local TVET and Public Service, na nagbigay-diin sa paggamit ng digital technologies at artificial intelligence sa pagpapahusay ng TVET at public service.

Nakibahagi rin ang mga City Livelihood Offices of Bacoor, Dasmariñas, at Imus sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga produktong gawang Caviteño. Nagpasalamat din ang TESDA PO-Cavite sa Divine Mercy sa patuloy na pakikiisa sa mga programa ng TESDA, kabilang ang pagbabahagi ng libreng kape sa mga dumalo.

Bilang pagtatapos, isinagawa ang Signing and Adoption of the Provincial CTEC Commitment, na nagpapatibay sa sama-samang pagtutulungan para sa mas angkop na skills training, employment opportunities, at serbisyo para sa mga Caviteño.


Lumahok ang TESDA IV-A (CALABARZON) sa Indigenous Peoples Convergence Caravan na isinagawa ngayong October 2, 2026, sa B...
02/10/2026

Lumahok ang TESDA IV-A (CALABARZON) sa Indigenous Peoples Convergence Caravan na isinagawa ngayong October 2, 2026, sa Batangas City Sports Coliseum, Batangas City.

Pinangunahan ang aktibidad ng Regional Inter-Agency Committee on Indigenous Peoples’ Health – Region IV-A (CALABARZON), kasama ang iba’t ibang government agencies at partners na naghatid ng mga serbisyo at impormasyon para sa mga Indigenous Peoples communities.

Bilang bahagi ng aktibidad, nagbigay ang TESDA IV-A ng information dissemination tungkol sa mga TESDA programs and services, kabilang ang mga oportunidad para sa technical-vocational education and training na maaaring makatulong sa pag-develop ng skills at pagpapalawak ng livelihood opportunities ng mga kalahok.


30/09/2026

Anong Diploma Program ang gusto n’yong i-feature next?



Bilang bahagi ng mga hakbang ng Jacobo Z. Gonzales Memorial School of Arts and Trades (JZGMSAT) para sa internationaliza...
29/09/2026

Bilang bahagi ng mga hakbang ng Jacobo Z. Gonzales Memorial School of Arts and Trades (JZGMSAT) para sa internationalization at paghahanda sa registration at offering ng Pure Battery Propelled Electric Vehicle Servicing Level II, lumahok ang mga Automotive Trainers nito sa capability building program ng UK Institute of Motor Industry (IMI), na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Centre of Advanced Automotive Training, Kolej Komuniti Kepala Batas sa Penang, Malaysia.

Matapos makumpleto ang training at maipasa ang assessment, ginawaran sina Mr. Reginald Clutario at Mr. Jade John Hernandez ng IMI Level 3 Award in Electric/Hybrid Vehicle System Repair and Replacement.

Samantala, nagsagawa rin sina Dr. Angelica Gonzales at Mr. Reynaldo Razon ng benchmarking visit sa Manufacturing Technology at Automotive Technology Units ng Kolej Komuniti Kepala Batas. Nagbigay ito ng mahahalagang kaalaman sa kanilang mga programa, training facilities, equipment, at industry-oriented training practices, partikular sa Hybrid/Electric Vehicle Training Programs.


Nagsagawa ang TESDA-LLDA Provincial Training Center ng one-day Community-Based Training (CBT) sa Tofu Making sa Barangay...
29/09/2026

Nagsagawa ang TESDA-LLDA Provincial Training Center ng one-day Community-Based Training (CBT) sa Tofu Making sa Barangay Makiling, Calamba, Laguna.

May kabuuang 18 kalahok mula sa komunidad ng Ayta ang aktibong lumahok at matagumpay na nakumpleto ang pagsasanay. Sa pangunguna nina Community-Based Trainers Joy Maureen P. Delos Santos at Esau G. Gabriel, natutuhan ng mga kalahok ang mga pangunahing safety protocols, tamang paggamit ng materials at tools, at step-by-step na proseso ng paggawa at packaging ng tofu.

Tinalakay rin ang product costing upang mabigyan ang mga kalahok ng praktikal na kaalaman sa pagpepresyo ng produkto at kung paano maaaring maging potensyal na pagkakakitaan ang kanilang natutuhang kasanayan.


Nagsagawa ang TESDA-LLDA Provincial Training Center ng one-day Community-Based Training (CBT) sa Meat Processing sa Anan...
29/09/2026

Nagsagawa ang TESDA-LLDA Provincial Training Center ng one-day Community-Based Training (CBT) sa Meat Processing sa Ananias Laico Memorial Elementary School Covered Court, Magdalena, Laguna, sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Fort Bonifacio Global City.

May kabuuang 70 kalahok ang matagumpay na nakumpleto ang pagsasanay. Sa pangunguna nina Community-Based Trainers Joy Maureen P. Delos Santos at Esau G. Gabriel, natutuhan ng mga kalahok ang mga pangunahing safety protocols, tamang paggamit ng materials at tools, at step-by-step na proseso ng meat processing at packaging.

Tinalakay rin ang product costing upang mabigyan ang mga kalahok ng praktikal na kaalaman sa pagbuo ng produkto at potensyal na pagkakakitaan mula sa natutuhang kasanayan.


Nagsagawa ang TESDA Provincial Training Center - San Antonio ng Community-Based Training (CBT) sa Bread Making sa Barang...
29/09/2026

Nagsagawa ang TESDA Provincial Training Center - San Antonio ng Community-Based Training (CBT) sa Bread Making sa Barangay Bataan, Sampaloc, Quezon, sa pakikipagtulungan ng Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB).

Tinalakay sa training ang mga pangunahing kaalaman sa paggawa ng tinapay, kabilang ang tamang pagsukat ng ingredients, paghahanda ng dough, sanitation, paggamit ng basic baking equipment, at wastong baking procedures. Nabigyan din ang mga kalahok ng aktuwal na hands-on experience upang higit na maunawaan at maisabuhay ang mga natutunang baking techniques.

May kabuuang 52 kalahok mula sa Barangay Bataan ang nakumpleto ang pagsasanay, na karamihan ay mga lokal na magsasaka.


Nagsagawa ang TESDA Provincial Training Center (PTC) San Antonio ng targeted Community-Based Training (CBT) on Basic Wel...
28/09/2026

Nagsagawa ang TESDA Provincial Training Center (PTC) San Antonio ng targeted Community-Based Training (CBT) on Basic Welding sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon, sa pakikipag-ugnayan sa Quezon Parole and Probation Office.

Pinangunahan ni Mr. Julius N. Abancio, head ng tanggapan at isang experienced SMAW at GMAW trainer mula TESDA PTC San Antonio, ang pagsasanay para sa 21 kalahok na matagumpay na nakumpleto ang one-day training.

Tinalakay sa pagsasanay ang workplace safety standards, basic metallurgy, equipment handling, electro-arc safety, at wastong paghahanda ng joints. Sa pamamagitan ng hands-on exercises at direktang gabay ng trainer, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong maisabuhay ang mga pangunahing kasanayan sa welding.


Province

Address

2nd Floor Provincial Training Center (PTC) Lipa, The Olan's Place, Purok 2, Brgy. Marawoy
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63432330506

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TESDA Region IV-A posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to TESDA Region IV-A:

Shortcuts

Share