Serbisyong Talino At Puso Cong. Ryan Santos Recto

Serbisyong Talino At Puso Cong. Ryan Santos Recto This page was made for the announcement of Cong. Ryan Recto's programs and projects

09/08/2026

WALANG PASOK!

Suspendido po ang face-to-face classes ngayong araw, Agosto 10, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lipa City, bunsod ng inaasahang sama ng panahon.

Sa ating mga mag-aaral, manatiling alerto at makinig sa mga susunod na abiso mula sa inyong paaralan at mga kinauukulang ahensya.

Kung hindi kailangang lumabas, manatili muna po sa ating mga tahanan.

Ingat po tayong lahat!

08/08/2026

LEGISLATIVE UPDATE | AGOSTO 2026

Bunga ng ating patuloy na paglilingkod, nakapaghain na po tayo ng 63 panukalang batas sa Kongreso: kabilang ang 57 principal-authored bills at 6 House Resolutions.

Lubos po tayong nagpapasalamat sa tiwala at suportang patuloy ninyong ibinibigay. Ang bawat panukalang ating isinusulong ay may iisang layunin, ang makapagpasa ng mga batas na magbibigay ng tunay na pakinabang at mas magandang kinabukasan para sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po.

07/08/2026
04/08/2026

Congratulations, Alex Eala!

Hindi lang panalo ang ibinigay mo sa atin, kundi inspirasyon. Ipinakita mo na sa sipag, tiyaga, at paniniwala sa sariling kakayahan, walang pangarap na masyadong malaki para sa isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagmamalaki mo sa ating bandila. Kasama mo ang buong Pilipinas sa bawat tagumpay na iyong naaabot.

Mabuhay ka, Alex Eala!

02/08/2026
29/07/2026

Mga iskolar, narito na po ang schedule ng inyong scholarship renewal para sa Provincial Educational Assistance Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Governor Vilma Santos-Recto. Gaganapin ito mismo sa inyong mga paaralan o campus para mas maging madali at maginhawa ang proseso.

Siguraduhin lamang na kumpleto at nakahanda ang lahat ng kinakailangang requirements upang maging mabilis ang inyong renewal.

Para sa iba pang mahahalagang anunsyo at updates tungkol sa scholarship at iba pang programa, i-follow ang ating official page.

Maraming salamat po, at good luck sa inyong pag-aaral!

29/07/2026

HAPPY BIRTHDAY!

Maligayang, maulan na kaarawan sa iyo Kap Nilo ng Brgy. Duhatan, Lipa City.
Hiling ko ang masayang pagdiriwang mo kasama ang iyong pamilya, mga kaibigan at mga kababayan natin dyan. Salamat sa paglilingkod na may Talino At Puso

🎂

Address

Bagongpook
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Serbisyong Talino At Puso Cong. Ryan Santos Recto posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share