29/05/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ & ๐๐๐๐๐๐
๐๐
๐
๐๐๐๐ (๐๐๐๐) ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
Legazpi City, Albay - Nagpaabot ng agarang tulong ang Land Transportation Office Region IV-A sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Mayon sa pamamagitan ng CALABARZON Assistance & Relief Efforts o CARE.
Sa patnubay ni Department of Transportation Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at sa ilalim ng pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, isinagawa ng LTO Region IV-A ang relief operation sa Legazpi City, Albay bilang bahagi ng malasakit at serbisyong hatid ng ahensya sa panahon ng kalamidad.
Pinangunahan ni LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena ang programa, kasama ang mga hepe ng tanggapan mula sa probinsya ng Quezon, upang mamahagi ng relief goods sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan.
Ayon kay RD Decena, ang pagkilos ng rehiyon ay patunay na ang serbisyo publiko ay hindi nagtatapos sa loob ng tanggapan.
โSa panahon ng sakuna, mas lalo nating kailangang ipadama na ang gobyerno ay handang umalalay. Ang munting tulong na ito ay dala ng aming malasakit sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Mayon. Hindi man namin agad maibalik ang kanilang nawala, nais naming iparamdam na hindi sila nag-iisa,โ pahayag ni RD Decena.
Dagdag pa ni Decena, patuloy na susuportahan ng LTO CALABARZON ang mga makabuluhang programa ng DOTr at LTO Central Office na nakatuon hindi lamang sa maayos na serbisyo sa transportasyon, kundi maging sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa gitna ng krisis.
Ang CARE initiative ng LTO Region IV-A ay nagsisilbing paalala na sa likod ng mandato ng ahensya sa kalsada at transportasyon, naroon din ang diwa ng bayanihan, pagkakaisa, at tunay na malasakit sa kapwa Pilipino.