Brgy. Bosque Trends and Update

Brgy. Bosque Trends and Update Trends and Update

βœ… Isang MATAGUMPAY na Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) Provincial Assessment! βœ…Kasama ang BECA Provincial ...
29/08/2026

βœ… Isang MATAGUMPAY na Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) Provincial Assessment! βœ…

Kasama ang BECA Provincial Assessment Team, DILG Officer-MLGOO Ma'am Carol LJ, Municipal Administrator / Mun. Tourism Officer Sir Ali Galindez Jr at MENRO Officer Engr. Jonard Sibuma🀝

Hindi lubos akalain β€” sa 22 barangay ng Llanera at sa mahigit 849 na barangay sa buong Probinsya ng Nueva Ecija β€” na ang Barangay BOSQUE ay napabilang sa TOP 5 BECA Compliant! πŸ†πŸŒΏ

✨ Isang Karangalan! Isang Kasaysayan! ✨

Maraming salamat sa lahat na nagtiwala, tumulong, at nagsumikap para sa tagumpay na ito. Para sa mas malinis, mas maunlad, at mas responsableng pamayanan β€” patuloy tayong magtulungan! πŸ’š

Pagbati at pagmamalaki sa ating lahat! πŸŽ‰

πŸ“’ PAALALA MGA KABARANGAY πŸ“’Bilang bahagi ng pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, patuloy na pinalalakas ...
29/08/2026

πŸ“’ PAALALA MGA KABARANGAY πŸ“’

Bilang bahagi ng pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, patuloy na pinalalakas ng LGU Llanera – Rural Health Unit (RHU) ang pagsusulong ng kalusugan sa pamamagitan ng madaling pagkakaroon ng PhilHealth membership, konsulta, reseta, at pagsusuri sa laboratoryo.

πŸ“‹ MGA DETALYE NG AKTIBIDAD:
βœ… ANO: Konsulta alinsunod sa mandato ng PhilHealth
πŸ“… KAILAN: September 01, 2026 (Martes)
⏰ ORAS: 7:30 AM – 5:00 PM
πŸ“ SAAN: Bosque Gym
πŸ‘₯ PARA KANINO: Lahat ng nasa Listahan
πŸ‘©β€βš•οΈ DADALO RIN:
β€’ Doktor
β€’ Mga Nars
β€’ Mga Komadrona
β€’ Mga Encoder
πŸ’Š MAY LIBRENG GAMOT PO!
πŸ“Œ PAALALA: Maaari na ring magparehistro sa araw na ito ang mga wala pang PhilHealth!

🌧️ INGAT PO SA LAHAT β€” mag-ingat tayo sa maulan na panahon. Magdala po ng payong o kapote kung kinakailangan.

21/08/2026

Mga Kabarangay, Ligtas ang may alam!

THINK BEFOR YOU CLICK!

PAALALA SA MGA MAHILIG MAGPATAMA SA POST AT SHARES:
πŸ“Œ MAARI KAYONG MAKASUHAN β€” KAHIT WALANG PANGALAN NA BINANGGIT!
Kapag alam ng mga tao kung sino ang tinutukoy β€” at sinisira ninyo ang kanyang dangal β€” paninirang-puri pa rin iyon at may parusa. Kahit pag-share lang, may pananagutan ka pa rin.
βš–οΈ Hindi kailangang banggitin ang pangalan para maging krimen.

βœ… Maging responsable. Igalang ang kapwa. Huwag abusuhin ang kalayaan sa social media.

Ingat lagi ang lahat, maulan ang panahon.

21/08/2026

Mga Kabarangay!
Sinupin ng maayos ang inyong mga Alagang Hayop!

21/08/2026

mahalagang Paalala mga KaBarangay!

Ang pagkakalat ng kasinungalingan o tsismis na sumisira sa dangal at pangalan ng iba ay may parusang pagkakULONG AT pagMULTa.

Kaya’t bago magsalita o magkalat ng kwento β€” mag-isip muna.

Maging mabuti at maging responsable sa bawat salita.

Iwasan ang paninira. Panatilihin ang kapayapaan at paggalang sa isa’t isa.

God bless everyone!

Magandang araw  mga Kabarangay!Kami po ay humihingi po ng tulong ng ating mga barangay para po masabihan ang mga benepis...
04/08/2026

Magandang araw mga Kabarangay!

Kami po ay humihingi po ng tulong ng ating mga barangay para po masabihan ang mga benepisyaryo ng programang UPLIFT ng DSWD.

Magkakaroon po ng pay-out dito sa ating bayan na gaganapin sa AGOSTO 6, 2026, sa LLANERA EVACUATION CENTER sa ganap na 8:30 ng umaga.

Ito po ang mga kailangang dalhin:

- Original at Xerox ng NATIONAL ID with 3 Specimen Signature - 2 copies
Any Valid ID pag walang National ID
- Screen shot ng GCash na nakapangalan sa mismong bene o landbank cash card

If patay na po ang benepisyaryo o hindi makakapunta sa mismong araw, pwede po itong palitan ng kapamilya, basta nasa listahan po sya ng family roster. Requirements na po ng kapalit and dadalhin.

If may mali po sa spelling or birthday, lapit lang din po kayo sa mga staff ng MSWDO sa mismong araw ng pay-out para po mabigyan ng certifications.

Ito po ang listahan ng mga benepisyaryo.

Family Heads - Primary Beneficiaries (sila ang pupunta)
If hindi po available sa araw ng pay-out, nasa isang sheet po yung listahan ng mga kabahay nila na pwedeng pumalit basta 18 years old and above.

Paglilinaw po.

Wala pong kinalaman ang mga barangay at munisipyo sa mga bumabang pangalan. Ito po ay base sa datos mula po sa CBMS. Salamat po.

Maraming salamat po!

CHAMPION!!!!BARRIO FIESTA 2026Palayok ng Pamana, Hapag ng Kalusugan"Niluto ang Tradisyon, Inihahain ang Kalusugan"Entry:...
28/07/2026

CHAMPION!!!!
BARRIO FIESTA 2026
Palayok ng Pamana, Hapag ng Kalusugan
"Niluto ang Tradisyon, Inihahain ang Kalusugan"

Entry:
Tinumis na Saging (main dish)
Lollipop Rice ( dessert)
Kamote Tops (juice)

WALANG KATAPUSANG PROBLEMA SA NAKAKAWALANG ALAGANG KAMBING!Sa may-ari ng mga kambing na ito makiugnayan nlng po sa Tangg...
20/07/2026

WALANG KATAPUSANG PROBLEMA SA NAKAKAWALANG ALAGANG KAMBING!

Sa may-ari ng mga kambing na ito makiugnayan nlng po sa Tanggapan ng punong barangay.

Masyadong purwesyo na po sa mga pananim ng barangay maging sa pananim ng mga residente at ng paaralan. Ilang pakiusap po ba kelangan upang masinop nyo ang inyong mga alagang kambing.

Di lng pala damo kinakain pati darak at feeds ay paborito din pala ng mga to.

Nagkalat narin ang mga dumi/tae ng mga kambing sa gym at sa kubo ng barangay na tela parang naging kulungan na ng kambing.

MAGING RESPONSABLE naman po tayo!
Nakakahiya naman na ang ibang tao pa ang mag-aadjust na naglaan ng pera, oras at pagod sa inyong mga nakakawalang alagang kambing.

HAPPY FIESTA KABARANGAY!
13/05/2026

HAPPY FIESTA KABARANGAY!

BHERT HOTLINE
08/04/2026

BHERT HOTLINE

Address

Brgy. Bosque
Llanera
3126

Telephone

+639310384673

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Bosque Trends and Update posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share