07/11/2021
Ang kagandahang dulot ng nagagabayan ng magulang ay mas higit na naoobserbahan at nalalaman ang kalakasan, kahinaan,kakulangan at maari pang maitulong ng isang magulang sa kanyang anak. Ito din ay nagsisilbing bonding time ng pamilya na nagreresulta ng magandang ugnayan ng bawat isa.
- Mary Amor A. Verdadero -
Grade 8-Rose
Para po sa akin ang kagandahang dulot na nagagabayan ang anak ng mga magulang, ay ang mga kabataan o mga anak ay natuturuan ng magandang asal o kabutihang loob, at maging napupunta sa matuwid o magandang landas tungo sa kanilang mga kinabukasan. Nagdudulot din ito ng isang masaya at magandang komunikasyon sa pagitan ng isang magulang at anak, sapagkat lahat ng nilalayon ng mga magulang para sa ating mga anak tulad ng pagsunod sa utos, ay nakasalalay sa komunikasyon o relasyong ito.
Tulad kong isang anak o magaaral ay nakararanas din ako kung paano gabayan ng isang magulang at para sa akin isa ito sa pinaka magandang bagay na aking nagagawa sa pang araw-araw na pakikipagkomunikasyon ko sa kanila.
- Jelian C. Ramirez -
Grade 8-Rose