Kalahi-CIDSS PCRP - Looc, Romblon

Kalahi-CIDSS PCRP - Looc, Romblon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kalahi-CIDSS PCRP - Looc, Romblon, Government Organization, Barangay Punta, Looc.

Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda para sa epektibong pagpapatupad ng mga sub-project sa ilalim ng KALAHI - CIDSS Pa...
10/03/2026

Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda para sa epektibong pagpapatupad ng mga sub-project sa ilalim ng KALAHI - CIDSS Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project (PCRP), nagsagawa ang Area Coordinating Team (ACT) ng Market Survey para sa mga Contractors, Suppliers, at Service Providers sa Municipality of Looc, Province of Romblon.

Isinagawa ang aktibidad noong Pebrero 19, 2026, at pinangunahan ni Technical Facilitator Julie Ann F. Forio sa tulong ni Municipal Finance Analyst (MFA) Mary Rose Alto. Layunin ng nasabing gawain na makakalap ng mahalagang impormasyon mula sa mga rehistrado at potensyal na contractors, suppliers, at service providers na maaaring maging katuwang sa pagpapatupad ng mga sub-project sa mga komunidad.

Sa isinagawang market survey, nakipag-ugnayan ang team sa iba’t ibang lokal na negosyo at service providers na may kakayahang magbigay ng mga kinakailangang materyales at serbisyo para sa mga proyekto ng komunidad. Kabilang dito ang mga establisyementong may kaugnayan sa construction supplies, hardware materials, equipment rentals, at iba pang serbisyong maaaring suportahan ang implementasyon ng mga sub-project.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, napalalakas ang koordinasyon sa pagitan ng proyekto at ng mga lokal na service providers habang pinapalawak ang database ng mga kwalipikadong contractors at suppliers. Mahalaga ang hakbang na ito upang matiyak ang transparency, patas na kompetisyon, at kalidad sa procurement at implementasyon ng mga sub-project.

Ang market survey ay isang mahalagang bahagi ng paghahanda ng PCRP upang matiyak na may sapat at kwalipikadong service providers na susuporta sa implementasyon ng mga proyektong naglalayong mapalakas ang katatagan ng mga komunidad laban sa epekto ng climate change at iba pang sakuna.

Sa patuloy na pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor, nananatiling nakatuon ang PCRP sa pagsusulong ng mga programang naglalayong makamit ang mas matatag, ligtas, at maunlad na mga komunidad.

❤️

TINGNAN | Nagdaos ng Area/Municipal Coordinating Team (A/MCT) Meeting ang KALAHI-CIDSS – ACT Looc upang talakayin ang mg...
09/03/2026

TINGNAN | Nagdaos ng Area/Municipal Coordinating Team (A/MCT) Meeting ang KALAHI-CIDSS – ACT Looc upang talakayin ang mga mahahalagang plano, gawain, at mga inisyatiba ng tanggapan para sa mas maayos at epektibong pagpapatupad ng mga programa sa komunidad.

Isinagawa ang pagpupulong noong Marso 6, 2026, mula 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, sa ACT Office sa Mega Center Building, Brgy. Punta, Looc, Romblon, na dinaluhan ng mga miyembro ng A/MCT staff. Layunin ng pagpupulong na higit pang mapalakas ang koordinasyon at kolaborasyon ng bawat miyembro ng team upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga nakaplanong aktibidad sa ilalim ng programa.

Unang tinalakay sa pagpupulong ang Municipal Work and Financial Plan, na pinangunahan ni Mary Rose B. Alto, AO IV. Sa kanyang presentasyon, ipinaliwanag ang mga nakatakdang gawain, kaukulang pondo, at mga target na aktibidad na nakapaloob sa Local Counterpart Contribution ng mga Barangay Local Government Units (BLGUs) at ng Municipal Local Government Unit (MLGU) para sa kasalukuyang implementasyon ng programa. Binigyang-diin ang kahalagahan ng maayos na pagpaplano at paggamit ng pondo upang matiyak ang matagumpay na pagsasakatuparan ng mga proyekto para sa kapakinabangan ng mga komunidad.

Nagbahagi rin si Alma B. Fruelda, PDO III tungkol sa Commitment under CCEF ng mga ACT Staff at sa patuloy na pagkalap ng Community Profile Form sa mga barangay. Ang mga datos na ito ay mahalaga upang mapalakas ang data gathering efforts ng programa at mas maunawaan ang kalagayan, pangangailangan, at prayoridad ng mga komunidad na saklaw ng implementasyon.

Samantala, tinalakay din ang 7S of Good Housekeeping Implementation upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at organisadong kapaligiran sa opisina. Ipinaliwanag din ni Cristy Fabula, PDO II ang kahalagahan ng Office Decorum, bilang bahagi ng pagpapatibay ng propesyonalismo, disiplina, at positibong working environment sa loob ng tanggapan.

Sa kabuuan, nagsilbing mahalagang pagkakataon ang nasabing pagpupulong upang higit pang mapagtibay ang koordinasyon ng Area at Municipal Coordinating Team at matiyak ang epektibo at maayos na pagpapatupad ng mga gawain sa ilalim ng programa, tungo sa patuloy na pag-unlad at pagpapalakas ng mga komunidad sa Bayan ng Looc, Romblon.



Address

Barangay Punta
Looc
5507

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalahi-CIDSS PCRP - Looc, Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share