03/09/2026
5 DAYS TO GO! | LOPEZ, HANDA NA PARA SA PALARONG QUEZON 2026! 🏆
Limang araw na lang at pormal nang mag-uumpisa ang pinakahihintay na Palarong Quezon 2026 na gaganapin mula Setyembre 8 hanggang 12!
Bawat ensayo, sakripisyo, at laban ay patunay ng tapang ng kabataang Lopezeño. Sa Palarong Quezon 2026, buong Lopez ang kasama ninyo sa bawat laban.
Bilang isa sa mga host municipalities katuwang ang Gumaca at Atimonan, isang malaking karangalan para sa ating bayan na maging opisyal na venue para sa iba't ibang kapana-panabik na isports. Kita-kits sa pagsuporta sa ating mga kabataang atleta! 🎉