DepEd Tayo San Miguel Dao II ES - Quezon Province

DepEd Tayo San Miguel Dao II ES - Quezon Province Official FB Page 108854

"Kapag Respeto, Talento at Pagkatuto, Saludo sa Batang Dao 2."

 🎉 🥰 🥰😊😍Buong pusong Pasasalamat po sa lahat ng mga Magulang at panauhin ng San Miguel Dao IIES,na nkiisa at naglaan ng ...
18/12/2025

🎉
🥰
🥰😊😍

Buong pusong Pasasalamat po sa lahat ng mga Magulang at panauhin ng San Miguel Dao IIES,na nkiisa at naglaan ng oras upang makisaya sa ating Paskuhan😊

Sa Sangguniang Barangay ng San Miguel Dao sa pangunguna ng ating masipag at maasahang Kapitan ng Brgy. Kap.Alex Dimatulac,at ang kanyang masisipag n kagawad at iba pang kasama,na laging handang maglaan ng tulong,suporta, at pakikiisa sa mga programa ng ating Paaralan,Maraming Salamat po😍

Taos pusong pasasalamat din po Sanggunian ng San Francisco B,sa pangunguna ng kanilang masipag at palaging maasahang Kapitan ng Barangay, Kap.Joedil Driz, at sa lahat ng kanyang masisipag n kagawad at mga kasama.Maraming maraming salamat po sa inyong palaging suporta,tulong at pakikiisa sa mga programa sa aming Paaralan.😊🥰

Lubos pong pasasalamat sa ating Guest Speaker,Kgg.Kagawad Atty.Adrian Donald L.Segui,na di nag atubili,na tayo ay makadaupang palad,at mkapiling sa ating masayang Paskuhan,Salamat po kagawad sa iyong oras at pagmamahal sa aming Paaralan.😊

Walang katapusang pasasalamat din po sa mga Gen.PTA officers n nanguna upang magkaroon tayo ng Masayang Paskuhan😍salamat po sa inyong sipag,oras ,efforts at pagmamahal sa ating Paaralan.

Ganundin po sa bumubuo ng SM Dao II Teaching force, sa buong pusong pag gampan at pakikiisa upang maging matagumpay ang ating Paskuhan,sa pangunguna ng aming masipag at laging maasahang School Head,Maam Myren Delmo Gonzalvo Remo🥰

At higit sa lahat po,taos pusong pasasalamat sa lahat ng para sa papremyo at paraffle na lalong nagpatingkad ng saya at ligaya sa bawat puso ng mga dumalo.😍

Maraming maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong mga biyaya,at pagiging buhay na simbolo ng diwa ng Pasko🥰😊
Salamat po sa inyong aginaldo at pagmamahal.
Patuloy na pagpapala ang aming dalangin para sa inyo😊

po sa inyong lahat😊😍🥰
🥰😍

“Ang San Miguel Dao II Elementary School ay nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat sa maagang handog-regalo na ipinagka...
01/12/2025

“Ang San Miguel Dao II Elementary School ay nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat sa maagang handog-regalo na ipinagkaloob para sa mga piling mag-aaral. Ipinadarama namin ang aming lubos na pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan; kay SK Jimby Talban, SK Chairman ng Brgy. San Miguel Dao; sa Pamunuan ng Barangay sa pangunguna ni Kapitan Alex Dimatulac at kay Kagawad Robert Pasia na kumatawan sa naturang programa; kay Gng. Desery Perez, Pangulo ng PTA; sa aming kagalang-galang na Ulong G**o, Ma’am Myren Remo; at sa lahat ng masisipag at dedikadong g**o ng paaralan.
Ang inyong bukas-palad na suporta at tunay na malasakit ay mahalagang ambag sa patuloy na paghubog sa kapakanan, kagalingan, at tagumpay ng aming mga mag-aaral. Maraming salamat po.”

🎉 Maraming Salamat Pandayan Bookshop Lopez  💜🎭Sining Pandayan Art Workshop! 🎉📘 National Reading Month Celebration 📘🏫 San...
25/11/2025

🎉 Maraming Salamat Pandayan Bookshop Lopez 💜

🎭Sining Pandayan Art Workshop! 🎉
📘 National Reading Month Celebration 📘
🏫 San Miguel Dao II Elementary School 🏫

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa Pandayan Bookshop at sa Sining Pandayan Art Workshop sa pagbibigay ng oras, talento, at inspirasyon sa aming paaralan.
✨Kay Sir John Paolo Mendonis at Sir Alwin Navarro✨
Ang inyong presensya ay nagbigay-sigla at saya sa aming pagdiriwang, lalo na sa mga bata na natuwang matuto at lumikha.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa inyong patuloy na suporta sa edukasyon at sining.
Isang karangalan po na maging kabahagi kayo ng aming selebrasyon.

♥️At muli buong pusong pasasalamat sa donasyon, oras, at pagsusulong ng pag-asa sa pagbasa para sa mga mag-aaral📚🎨

Mabuhay ang pagbabasa, sining, at pagkakaisa!


Ang San Miguel Dao II Elementary School ay nakiisa sa United Nations at Children’s Day Celebration ng Lopez West Distric...
07/11/2025

Ang San Miguel Dao II Elementary School ay nakiisa sa United Nations at Children’s Day Celebration ng Lopez West District Kindergarten na ginanap sa Talolong Elementary School noong Nobyembre 6, 2025, na may temang
“Future Steward of the World: United Nations and Children’s Day Celebration.”

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng San Miguel Dao II Elementary School, sa pangunguna ni Ma’am Myren G. Remo, Ulong G**o I, at ni Ma’am Evalyn F. Almarez, adviser, kina:

👑 PRINCESS JOY M. GUNAY, anak nina Ginoong Leonard Gunay at Ginang Mary Jane Magtibay
🤴 JAKE AIDEN M. AUCENA, anak nina Ginoong Alvin Aucena at Ginang Judith Magtibay

na kapwa nagkamit ng Mr. & Ms. Global Hand Award at Mr. & Ms. Global Heart Award, bilang kinatawan ng bansang Brazil.

Lubos din ang pasasalamat sa lahat ng mga g**o, mag-aaral, at magulang na buong pusong tumulong at nakiisa sa matagumpay na pagdiriwang na ito.

Tunay nga na anumang bagay ay posibleng mangyari basta’t tayo ay nagkakaisa at nagtutulungan!

Ang buong pamunuan at kaguruan ng San Miguel Dao II Elementary School ay taus-pusong nagpapasalamat kay Kapitan Alex Dim...
05/11/2025

Ang buong pamunuan at kaguruan ng San Miguel Dao II Elementary School ay taus-pusong nagpapasalamat kay Kapitan Alex Dimatulac at sa buong Sangguniang Barangay ng San Miguel Dao sa inyong bukas-palad na donasyon para sa ating paaralan.

Ang inyong tulong ay magsisilbing daan sa pagkakaroon ng maayos at ligtas na daanan para sa mga mag-aaral, na tiyak na makatutulong sa kanilang araw-araw na pagpasok sa paaralan.

Maraming salamat po!

Isinagawa ang School-Based LAC Session ng San Miguel Dao II Elementary School sa pangunguna ng butihing Ulong g**o, Ma’a...
05/11/2025

Isinagawa ang School-Based LAC Session ng San Miguel Dao II Elementary School sa pangunguna ng butihing Ulong g**o, Ma’am Myren G. Remo, bilang bahagi ng pagpapatupad ng Expanded Career Progression (ECP) ng Department of Education (DepEd) na naglalayong paigtingin ang propesyonal na pag-unlad ng mga g**o.

Sa nasabing sesyon, ibinahagi ang mahahalagang impormasyon hinggil sa ECP upang gabayan ang mga g**o sa pagsasakatuparan ng kanilang career advancement. Ang ating mga g**o ay matagumpay nang nakapagsumite ng kanilang mga requirements bilang bahagi ng nasabing programa.

Tunay nga, kapag ang mga g**o ay patuloy na natututo at nagsusumikap, mas nagiging matatag at makabuluhan ang edukasyong kanilang naihahatid sa bawat mag- aaral.

Isang makulay at matagumpay na pagdiriwang ng United Nations Day 2025 ang idinaos sa San Miguel Dao II Elementary School...
24/10/2025

Isang makulay at matagumpay na pagdiriwang ng United Nations Day 2025 ang idinaos sa San Miguel Dao II Elementary School!

Ang buong San Miguel Dao II ES, sa pamamahala ni Ma’am Myren G. Remo, ay nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat sa mga g**o, magulang, at mag-aaral na aktibong nakibahagi at sumuporta sa nasabing pagdiriwang.

Dahil sa inyong pagtutulungan at pagkakaisa, naging makulay, makabuluhan, at matagumpay ang ating selebrasyon ng United Nations Day 2025 isang patunay na tunay na umiiral ang pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. 💙🤝🌏

04/10/2025

Thank you Pangulo Desery Perez 🥰🥰

✨ Maligayang Araw ng mga G**o! ✨Isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ng Teachers’ Day ang ginanap ng Lopez West Dis...
04/10/2025

✨ Maligayang Araw ng mga G**o! ✨

Isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ng Teachers’ Day ang ginanap ng Lopez West District na dinaluhan ng mga masisipag at dedikadong g**o ng San Miguel Dao II Elementary School. Ang selebrasyong ito ay nagsilbing pagkakataon upang kilalanin ang walang sawang serbisyo, malasakit, at pagmamahal ng ating mga g**o sa pagbibigay-kaalaman at paggabay sa mga kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Lubos ang aming pasasalamat kay Gng. Desery T. Perez, Pangulo ng PTA, para sa kaniyang surpresa at taos-pusong handog na nagbigay saya at dagdag inspirasyon sa bawat g**o. Isang espesyal ding pasasalamat ang hatid namin sa ating Butihing Mayor Sonny B. Ubana II para sa ipinagkaloob na cash incentives bilang pagkilala at pagpapahalaga sa walang sawang sakripisyo at dedikasyon ng ating mga g**o.

Hindi rin matatawaran ang suporta at pamumuno ni Sir Rejulios M. Villenes, PSDS ng Lopez West District, na patuloy na gumagabay sa lahat ng g**o upang higit pang mapalakas ang kalidad ng edukasyon sa distrito. Gayundin, isang taos-pusong pasasalamat sa ating Ulong G**o ng San Miguel Dao II ES, Ma’am Myren G. Remo, para sa kaniyang walang sawang paggabay at pamumuno na nagsisilbing inspirasyon sa bawat isa.

Ang lahat ng mga hakbang at pagkilalang ito ay hindi lamang nagdudulot ng kagalakan, kundi higit pang nagpapalakas ng loob at sigasig ng bawat g**o sa patuloy na pagtuturo at paglilingkod.

Muli, isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naghandog ng suporta at pagkilala sa ating mga g**o. Nawa’y patuloy tayong magsilbing inspirasyon at tanglaw para sa mga kabataan at sa buong komunidad.

Pagpupugay para sa mga G**o, Pasasalamat mula sa mga Batang Dao 2! Matagumpay na naidaos ang makahulugang programa bilan...
01/10/2025

Pagpupugay para sa mga G**o, Pasasalamat mula sa mga Batang Dao 2!

Matagumpay na naidaos ang makahulugang programa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Teacher’s Day 2025 sa San Miguel DAO II Elementary School.

Sinimulan ito sa taimtim na Panalangin ng mga mag-aaral mula Grade 5 Saturn, sinundan ng Pambungad na Pananalita ni Airish N. Malaca. Naghatid ng sigla ang Intermission Dance ng mga piling mag-aaral at sinundan ng Awarding of Sash na isinagawa ng ating mga Student Leaders.

Nagbigay rin ng makabuluhang Mensaheng mula sa mga Mag-aaral ang kanilang mga kinatawan, habang ipinakita ng mga Primary Pupils (Grades 1–3) ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng Pagbibigay ng Alay. Naging mas makulay pa ang programa sa mga Intermission Song at Performances, at higit pang pinatingkad ng mga Intermediate Pupils (Grades 4–6) sa kanilang Pagbibigay ng mga Liham.

Isinagawa rin ng mga Student Leaders ang Certificate of Teacher Award bilang tanda ng kanilang pasasalamat. Bago nagtapos, ibinahagi ni Rea Rose A. Reyes ang kanyang Pangwakas na Pananalita, at sinundan ito ng taos-pusong Closing Remarks ni Ma’am Myren G. Remo, Head Teacher I, na nagpahayag ng pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng g**o ng San Miguel Dao II Elementary School.

Lubos ang pasasalamat sa ating mga Student Leaders mula sa SELG, YES-O, RCYC, YECS, at BKD, na buong sigasig sa pamumuno sa paghahanda at pagdadaos sa nasabing programa. Sila ring naghandog ng kanilang oras at talento upang maisakatuparan ang matagumpay na pagdiriwang. Hindi matatawaran ang kanilang malasakit at pagkakaisa para sa kapakanan ng buong paaralan.

Kasama rin ang iba pang mga mag-aaral na buong puso ring nag-alay ng kanta, sayaw, at mga liham ng pasasalamat. Hindi lamang sila nagbigay-aliw, kundi nagbigay-inspirasyon at pag-asa para sa lahat. Ang kanilang mga magulang, na sumuporta rin at nagsilbing katuwang sa pagpapakita ng pagbabalik-pugay sa ating mga g**o..

At higit sa lahat, isang malugod at buong pusong pagpupugay sa ating mga g**o ang tunay na gabay, inspirasyon, at bayani ng mga Batang Dao 2. 💜

Matagumpay na nabuo ang School Governing Council (SGC) ng San Miguel Dao II Elementary School alinsunod sa DepEd Order N...
30/09/2025

Matagumpay na nabuo ang School Governing Council (SGC) ng San Miguel Dao II Elementary School alinsunod sa DepEd Order No. 26, s. 2022, upang mamuno at magplano para sa patuloy na ikauunlad ng ating paaralan.

Dinaluhan ito ng mga lider mula sa mga g**o, mag-aaral, at mga magulang na buong pusong nakikiisa para sa iisang layunin.

Lubos ang pasasalamat sa lahat ng lider na nagbigay ng kanilang panahon, sipag, at malasakit. Sa sama-samang pagkilos ng g**o, mag-aaral, magulang, at pamunuan, tiyak na makakamtan natin ang mas maunlad at mas makabuluhang paaralan para sa mga kabataan.

Address

SAN MIGUEL (DAO)
Lopez
4316

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Telephone

+639772431894

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo San Miguel Dao II ES - Quezon Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo San Miguel Dao II ES - Quezon Province:

Share

Category