26/08/2026
TINGNAN: Nitong nagdaang mga araw matagumpay nating nairaos ang Barangay Initial Inventory, Ito ay isang mahalagang hakbang para sa ating minamahal na Barangay habang naghahanda tayo sa pagpapalit ng pamunuan para sa darating na eleksyon.
Ikinagagalak nating ibalita na naging maayos, malinaw, at matagumpay ang isinagawang Barangay Initial Inventory na tinalakay sa exit conference.
Lahat ng dokumento, ari-arian, at pinansyal na rekord ay maayos at naisumite nang walang aberya sa ating DILG, Municipal Treasury at Municipal Accounting.
Ang tagumpay na ito ay patunay lamang ng ating patuloy na dedikasyon sa pagiging TAPAT, MALINIS, at MAY PANANAGUTANG PAMAMAHALA para sa kapakanan ng ating mga kabarangay sa pamumuno ng ating masipag at huwarang Punong Barangay, Kgg. Vilma Villaseรฑor Villaflores, katuwang ang masisipag at maaasahang Sangguniang Barangay Members at ng ating matapat at masinop na Barangay Treasurer, Marissa P. Berba.
Mabuhay po tayong lahat!