Sonny B2n Ubana

Sonny B2n Ubana An Educator, Policymaker, Political Scientist and a Public Servant

Connect with me: https://linktr.ee/sonnyb2nubana
(3)

Lopez, una sa Quezon! 📱Kinilala ng GCash ang Lokal na Pamahalaan ng Lopez bilang kauna-unahang LGU sa Lalawigan ng Quezo...
07/08/2026

Lopez, una sa Quezon! 📱

Kinilala ng GCash ang Lokal na Pamahalaan ng Lopez bilang kauna-unahang LGU sa Lalawigan ng Quezon na nagsagawa ng digital na pamamahagi ng educational financial assistance sa mga estudyante.

Ayon kay GCash Regional Sales Head for Public Sector – South Luzon, Rosemarie Abarquez, ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa matatag na pamumuno at hangarin ng Pamahalaang Bayan ng Lopez na gawing mas mabilis, mas ligtas, mas transparent, at mas inklusibo ang paghahatid ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng digital financial inclusion.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Lopez sa pamumuno ni Mayor Sonny Ubana II sa pagsasabuhay ng mga makabagong solusyon upang mas mapalapit at mapaganda ang serbisyo para sa bawat Lopezeno. ♥️


06/08/2026
Happy Birthday Mayor Erwin Pastrana! 🎉On behalf of the League of Municipalities of the Philippines (LMP) Quezon Chapter,...
05/08/2026

Happy Birthday Mayor Erwin Pastrana! 🎉

On behalf of the League of Municipalities of the Philippines (LMP) Quezon Chapter, isang mainit na pagbati ang aming hatid sa inyo.

Hangad namin ang inyong mabuting kalusugan, walang sawang lakas, at patuloy na tagumpay sa inyong dedikadong pamumuno sa bayan ng Mauban, Quezon.

Nawa’y maging makabuluhan, puno ng saya, at biyaya ang panibagong taon ng inyong buhay.

TINGNAN | DIGITALISASYON SA ATING EDUCATIONAL ASSISTANCE 📱Isang makasaysayang hakbang para sa sektor ng edukasyon sa ati...
05/08/2026

TINGNAN | DIGITALISASYON SA ATING EDUCATIONAL ASSISTANCE 📱

Isang makasaysayang hakbang para sa sektor ng edukasyon sa ating bayan! Ipinagmamalaki natin na ang Lopez ang kauna-unahang munisipalidad sa buong lalawigan ng Quezon na namahagi ng educational assistance gamit ang makabagong sistema ng digital payment sa pamamagitan ng GCash.

Pinangunahan ni Mayor Sonny B. Ubana II ang inisyatibong ito upang masig**o na mas mabilis, mas ligtas, at mas maginhawa ang pag-abot ng tulong pinansyal diretso sa mga kamay ng ating mga mag-aaral.

Ito ay patunay ng patuloy na pag-arangkada ng ating lokal na pamahalaan patungo sa isang mas progresibo, transparent, at maunlad na komunidad para sa bawat pamilyang Lopezeño.


05/08/2026

PANOORIN | PNU-SL GAWAD PARANGAL 2026
July 31, 2026

“Ang paghubog ng kaisipan ay nangyayari sa tahimik na araw-araw at pagtanggi sa puwede na.” Ito ang iniwang mensahe ni Mayor Sonny B. Ubana II sa katatapos lamang na Gawad Parangal ng Philippine Normal University (PNU) South Luzon.

Higit sa karangalan ng pagtatapos, ipinaalala ng ating Punong Bayan na ang tunay na kadakilaan ng isang g**o ay hindi laging nakikita sa entablado, kundi sa tahimik nilang dedikasyon araw-araw. Isa itong hamon na talikuran ang kaisipang "puwede na" at laging ibigay ang pinakamataas na antas ng husay para sa mga estudyante.

Pagbati sa mga bagong g**o ng bayan! Nawa'y baunin ninyo ang prinsipyong ito sa bawat isipang inyong huhubugin at sa bawat pangarap na inyong aalalayan.

TINGNAN | 8 UNITS NG MOTORSIKLO, PORMAL NANG NAITURNOVER SA CSUJuly 30, 2026Upang mas pataasin ang antas ng seguridad, k...
01/08/2026

TINGNAN | 8 UNITS NG MOTORSIKLO, PORMAL NANG NAITURNOVER SA CSU
July 30, 2026

Upang mas pataasin ang antas ng seguridad, kaayusan, at mabilis na pagresponde sa ating bayan, pormal nang naiturnover ni Mayor Sonny Ubana II ang 8 units ng bagong motorsiklo para sa Civil Security Unit (CSU).

Sa pamamagitan ng mga bagong sasakyang ito, mas mapapabilis at mas mapapalawak ang pagpapatrolya ng ating mga kawani sa iba't ibang bahagi ng Lopez. Bahagi ito ng patuloy at masigasig na layunin ng ating lokal na pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan at kapayapaan ng bawat mamamayan.

TINGNAN | GLOBUCAT QUARTERLY MEETINGJuly 30, 2026Matagumpay na ginanap sa ating bayan ang quarterly meeting ng Sub-Provi...
01/08/2026

TINGNAN | GLOBUCAT QUARTERLY MEETING
July 30, 2026

Matagumpay na ginanap sa ating bayan ang quarterly meeting ng Sub-Provincial Health System 7 o GLoBuCaT (Guinayangan, Lopez, Buenavista, Calauag, at Tagkawayan)!

Malugod itong ini-host ng ating butihing Mayor Sonny Ubana II at pinangunahan naman ni Guinayangan Mayor Cesar Isaac bilang chairperson. Napuno rin ng suporta ang pagtitipon dahil nakasama sa mahalagang gawain na ito si 4th District Board Member Hon. Rachel Ubana. Dinaluhan din ito nina Hon. Reynaldo E. Rosilla Jr. ng Buenavista, Hon. Luis Oscar Eleazar ng Tagkawayan, at mga kinatawan mula sa pamahalaan ng Calauag.

Kasama ring nakiisa at nagbahagi ng kanilang kaalaman ang mga dedikadong Municipal Health Officers at mga doktor mula sa kani-kanilang munisipalidad. Masusing tinalakay sa pagpupulong ang pagpapalakas ng ating mga lokal na programang pangkalusugan, pagpapabuti ng mga serbisyong medikal, at ang epektibong pagtugon sa mga pangangailangang medikal ng bawat mamamayan.

Sa pamamagitan ng matibay na ugnayan at tuloy-tuloy na pagtutulungan ng mga bayan sa ilalim ng GLoBuCaT, mas masisig**o natin ang mabilis, abot-kamay, at de-kalidad na pangangalaga para sa lahat.

TINGNAN | PULONG KASAMA ANG DARJuly 28, 2026Mainit na tinanggap ni Mayor Sonny Ubana II ang mga kinatawan ng Department ...
31/07/2026

TINGNAN | PULONG KASAMA ANG DAR
July 28, 2026

Mainit na tinanggap ni Mayor Sonny Ubana II ang mga kinatawan ng Department of Agrarian Reform (DAR) na bumisita sa kanyang tanggapan sa pangunguna ni Provincial Agrarian Reform Program Officer, Engr. Marvin C. Labao.

Ang pulong na ito ay isang mahalagang hakbang upang patuloy na patibayin ang masigasig na ugnayan at kooperasyon ng ating Lokal na Pamahalaan at ng DAR. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na koordinasyon, mas mapapabilis natin ang paghahatid ng mga nararapat na programa at suporta para sa ating mga masisipag na magsasakang Lopezeño na pangunahing katuwang natin sa pag-unlad ng ating bayan.

Patuloy ang ating walang-patid na pagkilos at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang ahensya upang masig**o ang isang progresibo at masaganang komunidad para sa lahat!

29/07/2026

HEAVY RAINFALL WARNING NO. 1 | YELLOW WARNING LEVEL SA BAYAN NG LOPEZ! 🟡🌧️
Hulyo 29, 2026 as of 6:50 AM

Ayon sa pinakahuling abiso ng DOST-PAGASA (Heavy Rainfall Warning No. 1), nakataas ngayon ang YELLOW WARNING LEVEL sa ating bayan at ilang karatig-bayan sa probinsya ng Quezon dulot ng umiiral na Low Pressure Area (LPA).

Ano ang ibig sabihin ng Yellow Warning?
🟡 Inaasahan ang patuloy na pag-ulan sa ating lugar. Ang mga pag-ulang ito ay maaaring magdulot ng posibleng pagbaha, lalo na sa mga mabababang lugar at mga komunidad na malapit sa mga ilog at sapa.

Kung kinakailangan ng agarang tulong, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa inyong Sangguniang Barangay o direktang tumawag sa ating MDRRMO Operations Center sa 042-717-4364, 0917-707-431,
0909-341-0636

Laging handa, laging ligtas, Lopez!


28/07/2026

PABATID-PUBLIKO | WALANG PASOK - July 29, 2026 (Wednesday)

Alinsunod sa direktiba ni Mayor Sonny Ubana II, suspendido ang FACE-TO-FACE CLASSES SA PRESCHOOL, ELEMENTARY, at JR. at SR. HIGH SCHOOL (pribado at publiko) sa bayan ng LOPEZ, QUEZON bilang pag-iingat sa kasalukuyang nararanasang malakas na buhos ng ulan dahil sa Low Pressure Area na namataan sa coastal waters ng Rapu-rapu Albay.

Mag-ingat po ang lahat. Manatiling ligtas at patuloy na tumutok sa mga balita at opisyal na anunsyo mula sa LGU Lopez at MDRRMO Lopez.

Una ang Kaligtasan mo, Lopezeño!


Address

Barangay Burgos
Lopez
4316

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sonny B2n Ubana posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category