Gender And Development Office-Los Baños

Gender And Development Office-Los Baños Gender Equality and Women Empowerment as the ultimate goal!

Isinagawa ng Municipal Gender and Development (GAD) Office ang 3rd GAD Focal Point System (GFPS) Executive Committee Mee...
21/07/2026

Isinagawa ng Municipal Gender and Development (GAD) Office ang 3rd GAD Focal Point System (GFPS) Executive Committee Meeting nitong Hulyo 21, 2026 (Martes) sa Municipal Conference Room, na dinaluhan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at Committee Chair on Appropriations Hon. Miko C. Pelegrina. Tampok sa pagpupulong ang pagtalakay sa mahahalagang usaping may kaugnayan sa patuloy na pagsusulong at pagpapalakas ng Gender and Development programs at mga inisyatiba ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños.

Kabilang sa mga pangunahing agenda ang resulta ng Gender-Responsive Local Government (GeRL) Tool Assessment, update sa GAD Database at Management Information System (MIS). Tinalakay rin ang mga kinakailangang hakbang upang higit na mapalakas ang pagpapatupad ng mga programa at gawain para sa gender-responsive governance at patuloy na maisulong ang pagkakapantay-pantay at inklusibong serbisyo para sa bawat mamamayan.






Isinagawa ang Overview of the Gender and Development (GAD) Agenda, kabilang ang pagtalakay sa Gender and Development Str...
16/07/2026

Isinagawa ang Overview of the Gender and Development (GAD) Agenda, kabilang ang pagtalakay sa Gender and Development Strategic Framework (GAD SF) at Gender and Development Strategic Plan (GAD SP), noong Hulyo 16, 2026 (Huwebes) sa Municipal Multipurpose Hall. Ang programa ay isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office. Pinangunahan ang lecture at workshop ni Ms. Karen Lagat-Mercado, GAD Officer ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at miyembro ng National GAD Resource Pool ng Philippine Commission on Women (PCW), kung saan tinalakay ang GAD Agenda bilang estratehikong balangkas at plano ng isang ahensya sa pagsusulong ng gender mainstreaming, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at pagpapalakas ng kababaihan.
Dinaluhan ang programa ng mga pinuno at kinatawan ng iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños upang higit na mapalalim ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa mga isyung pangkasarian. Kasama ang programang ito sa mga hakbang ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños upang palakasin ang gender-responsive, inklusibo, at mahusay na paghahatid ng mga serbisyong pampubliko.





Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, ay lubos na humahanga at nagbibigay-p...
29/06/2026

Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, ay lubos na humahanga at nagbibigay-pugay kay Ella Gonzalvo, tubong Brgy. Mayondon, sa kanyang natatanging tagumpay bilang bahagi ng Alas Pilipinas Girls U18 Team na nagkamit ng Bronze Medal sa Princess Cup Southeast Asian Girls U18 Volleyball Championship na ginanap sa Thailand.

Bukod dito, pinarangalan din si Ella bilang Best Outside Hitter, isang patunay ng kanyang pambihirang husay, dedikasyon, at sipag sa larangan ng volleyball.

Ang iyong tagumpay ay hindi lamang karangalan para sa iyong pamilya at barangay, kundi inspirasyon din sa buong sambayanan ng Los Baños.
Ipinagmamalaki ka ng Bayan ng Los Baños sa iyong patuloy na pagdadala ng dangal sa ating bayan at sa ating bansa.

Muli, taos-pusong pagbati, Ella! Patuloy kang maging inspirasyon sa kabataang Los Bañense. Mabuhay ka at mabuhay ang atletang Pilipino!



Isang makulay na pagdiriwang ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa at pagtanggap ang ginanap na LB Gayla Night 2026 noong ...
29/06/2026

Isang makulay na pagdiriwang ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa at pagtanggap ang ginanap na LB Gayla Night 2026 noong Hunyo 27, 2026 (Sabado) sa Lolo’s Place, bilang bahagi ng paggunita sa Pride Month sa Los Baños. Tampok sa gabing puno ng glam, talento, at pagmamahal ang natatanging drag performance ni Queen Tyra, na nagbigay-saya at inspirasyon sa LGBTQIA+ community.

Nakibahagi sa espesyal na okasyon sina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega. Nagsilbing hurado sina Mister Los Baños 2025 Mr. Jan Paolo Ratilla, SK Federation President Samantha Banasihan Ortega, at Dr. Cris Quintela de Leon, na kumilala sa talento, kumpiyansa, at husay ng mga kalahok. Naging matagumpay ang programa sa pangangasiwa ng Tanggapan ni Queensehala Hon. Leren Mae Bautista katuwang ang Gender and Development (GAD) Office, sa pakikipagtulungan ng LB FIRE LGBTQIA+ Association at LGBT Pilipinas.

Muling naipakita sa pagdirirwang na ito ang adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños para sa isang inklusibo ng bayan kung saan ang bawat isa ay malayang ipinagdiriwang ang kanilang pagkakakilanlan.






Makulay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, ang LB Pride Par...
26/06/2026

Makulay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, ang LB Pride Parade 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Los Baños Pride Month, bilang pagkilala sa pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at karapatan ng bawat isa. Pinangunahan ito ng Tanggapan ni Queensehala Hon. Leren Mae Bautista katuwang ang Gender and Development (GAD) Office, sa pakikipagtulungan ng LB FIRE LGBTQIA+ Association at LGBT Pilipinas. Dinaluhan rin ito nila Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Myla E. Alinsunurin, Hon. Councilor Jay G. Rolusta, at SK Federation President Samantha Banasihan-Ortega. Mainit ring sumuporta sina 2nd District of Laguna Representative Hon. Ramil L. Hernandez at kinatawan ni Hon. Vice Governor Atty. JM Caraig.

Nagtipon ang mga kalahok mula sa iba't ibang bayan at lungsod, kabilang ang mga LGBTQIA+ ng Majayjay, Liliw, Bay, Victoria, Pila, Biñan, at Los Baños, sa makulay na LB Pride Parade 2026 na nagsimula sa Olivarez Plaza at nagtapos sa Caesar P. Perez Memorial Stadium & Evacuation Center. Sinundan ito ng LGBT program, fun games, raffle, at iba pang makabuluhang aktibidad na nagsulong ng pagkakaisa at inklusibong bayan. Tampok sa programa si Ms. Dindi Tan, National President ng LGBT Pilipinas, bilang panauhing tagapagsalita, habang pinangunahan naman ni Miss A ang programa bilang host. Sa pamamagitan nito, muling ipinakita ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang patuloy nitong suporta sa pagtataguyod ng paggalang, pagtanggap, at pantay na oportunidad para sa lahat.





🌈 The LB PRIDE PARADE 2026🌈  Are you ready to join a colorful, meaningful, and historic celebration of who we are?This P...
25/06/2026

🌈 The LB PRIDE PARADE 2026🌈

Are you ready to join a colorful, meaningful, and historic celebration of who we are?

This Pride Month, let’s celebrate love in all forms, equality for all, and the courage of each person with diverse SOGIE!
Come join a vibrant celebration of unity, representation, and fierce slay for our rights!

🌈 LB Pride Parade 2026!
📍 JUNE 26, 2026 (Friday) | 1:00 PM |
OPEN TO ALL MUNICIPALITIES & CITIES
📌 *Assembly: Olivarez Plaza
🚶 *Route:* Olivarez Plaza to Caesar P. Perez Memorial Stadium & Evacuation Center

🏅 LGBT Program and Fun Games
⏰ 3:00 PM @ Caesar P. Perez Memorial Stadium & Evacuation Center

Featuring a colorful program, raffles, fun games and meaningful activities in support to the “Ugnayan Program" of Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. A space full of joy, inclusivity, and friendship for everyone!

This is brought to you by the Office of Queensehala Leren Mae Bautista, the Gender and Development Office of Los Baños, in collaboration with LB FIRE LGBTQIA+ Association and LGBT Pilipinas.

🏳️‍🌈 LB GAYLA NIGHT 2026 🏳️‍🌈*June 27, 2026 (Saturday)| Lolos Place| 7:00 PM*  Featuring Drag Performances from Queen Ty...
25/06/2026

🏳️‍🌈 LB GAYLA NIGHT 2026 🏳️‍🌈
*June 27, 2026 (Saturday)| Lolos Place|
7:00 PM* Featuring Drag Performances from Queen Tyra and Corazon Filipinas!

Los Baños, it’s time to shine! Celebrate Pride Month with our LGBTQIA+ community for a night of glam, talent, love and pride!

Admission is FREE!
Come in your fiercest pride colors 🌈

Because in Los Baños, everyone deserves to be seen, celebrated, and loved.
Tara na sa LB GAYLA NIGHT! Let’s paint Lolos Place in rainbow 💜



Address

Timugan
Los Baños
4030

Telephone

+63495302818

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gender And Development Office-Los Baños posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share