19/07/2026
𝒀𝒐𝒖𝒕𝒉 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊-𝑷𝒂𝒏𝒕𝒓𝒚 🧺🥕🥬🧅🧄
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month na may temang “𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏, 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒂𝒏!” matagumpay na nagsagawa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay San Antonio ng 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢-𝐏𝐚𝐧𝐭𝐫𝐲 noong Hulyo 19, 2026 sa Barangay San Antonio Multi-Purpose Gymnasium, kung saan 100 𝐬𝐞𝐭 𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐥𝐚𝐲 ang naipamahagi sa ating mga kabataan.
Layunin ng programang ito na hikayatin ang bawat kabataan na pahalagahan ang wastong nutrisyon at isulong ang mas malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng masustansyang pagkain sa bawat tahanan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito. Nawa’y magsilbi itong paalala na ang mabuting kalusugan ay nagsisimula sa tamang pagkain at sama-samang pagkilos ng ating komunidad.
Chairperson-Committee on Health
✍️Sk Ashley Nicole Sorrera
Co Head:
📸Sk Denise Balogo