26/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ & ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฅ
Kasabay ng pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐๐๐๐, matagumpay nating naisagawa noong ๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐ ang ๐๐๐ฎ๐ง๐๐ก๐ข๐ง๐ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ข๐๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐
๐๐๐๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ (๐๐ฎ๐ฅ๐ฒโ๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐ซ ๐๐๐๐), kasama ang ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐จ๐ง ๐๐๐ฅ๐ง๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ข๐๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ na ginanap sa ating ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ข ๐๐ฎ๐ซ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ฅ para sa mga benepisyaryo ng ating barangay.
Ang programang ito ay isa sa mga mahahalagang hakbang ng ating barangay sa pagsusulong ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan ng mga bata. Layunin nitong mabawasan ang kaso ng malnutrisyon, mapabuti ang kalagayang pangkalusugan ng ating mga bata, at mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga magulang tungkol sa wastong nutrisyon at tamang pangangalaga sa kanilang mga anak.
Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin ang pamamahagi ng mga ๐
๐จ๐จ๐ ๐๐๐๐ค๐ฌ kabilang ang ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐๐๐งฬ๐จ๐ฌ at ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ ๐๐จ๐ฐ๐๐๐ซ, sa ating mga benepisyaryong bata at kanilang mga magulang. Ang ๐
๐จ๐จ๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐ฌ na ito ay makatutulong sa pagsuporta sa tamang paglaki at pag-unlad ng ating mga kabataan habang isinasagawa ang ๐
๐๐๐๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ sa mga susunod na buwan.
Nagkaroon din ng isang makabuluhang lecture at orientation na pinangunahan ng ating ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ na si ๐๐โ๐๐ฆ ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐. ๐๐ฅ๐๐จ๐ซ๐ฃ๐, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa ๐๐๐ฅ๐ง๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง, ang epekto nito sa kalusugan ng mga bata, at ang kahalagahan ng ๐๐ข๐๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ sa paghubog ng isang mas malusog na komunidad.
Bukod dito, nagkaroon din ng ๐๐จ๐จ๐ค๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง sa pangunguna ni ๐๐ง๐ . ๐๐๐ซ๐ข๐ฏ๐ข๐ ๐๐ ๐๐ก๐๐ฏ๐๐ณ ๐๐ฆ๐ฉ๐๐ซ๐ข๐๐ฅ, kung saan itinuro ang tamang paghahanda ng ๐๐ซ๐ซ๐จ๐ณ ๐๐๐ฅ๐๐จ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐๐๐ญ๐ฌ , isang masustansya, abot-kaya, at madaling ihanda na pagkain na maaaring ihain sa mga bata at maging sa buong pamilya.
Bilang ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฉ๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง ๐จ๐ง ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก, ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ข๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง, buong puso kong sinusuportahan ang mga programang nagsusulong ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan ng ating mga mamamayan. Naniniwala akong ang pagbibigay ng sapat na kaalaman, tamang nutrisyon, at maagap na interbensyon ay mahalagang pundasyon sa paghubog ng mas malusog, mas aktibo, at mas produktibong pamilya.
Taos-puso rin po ang ating pasasalamat sa ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ข๐๐, sa ating masisipag na Barangay Nutrition Scholar (๐๐๐), sa ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ข๐ง-๐๐ฎ๐ญ๐ก๐จ ๐๐ซ๐๐๐ฌ๐ญ๐๐๐๐๐ข๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ, at sa lahat ng mga naging katuwang na walang sawang naglaan ng kanilang oras, dedikasyon, at serbisyo upang maging matagumpay ang programang ito.
Maraming salamat din sa mga magulang at mga batang benepisyaryona naglaan ng kanilang oras upang dumalo, makinig, at matuto. Ang inyong aktibong pakikilahok ay nagpapakita ng inyong malasakit sa kalusugan at kinabukasan ng inyong mga anak.
Ang wastong nutrisyon ay hindi lamang tungkol sa sapat na pagkain, ito ay pamumuhunan sa kinabukasan ng bawat bata. Kapag sama-sama tayong kumikilos, mas marami tayong batang mabibigyan ng pagkakataong lumaki nang malusog, masigla, at handang abutin ang kanilang mga pangarap.
Sama-sama nating isulong ang isang mas malusog, mas matatag, at mas masiglang ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ญ๐ก๐จ-๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ข๐ง!